"Madam, nandyan na po yung service natin, tara na po?" sabi ni Shari, personal assistant koTinanguan ko nalang siya at sumenyas na lumabas na kami, medyo biglaan din kasi 'tong meeting about sa movie na gagawin namin
Yes, nagkakaroon na ako ng movie, and take note, ako ang bida. Dati kasi, kapatid, ex, at kaibigan lang ang ganap ko sa mga movies
Pero ngayon, Hindi kona mabilang ang mga pinagbidahan kong movies, and hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na natupad kona ang isa sa pinakamalaking pangarap ko
Isa na din akong sikat na modelo, tinitingala, at minamahal ng marami, sobra sobra pa 'to sa hiniling ko
"Madam..." naiilang na sabi ni Shari
"Yes?" nakangiti kong tugon sakanya habang nakatingin pa din sa labas ng kotse. Halos di ko namalayang nakasakay na pala kami sa kotse at eto, nagmumuni muni nanaman ako
"Si Sir Larry po" nakangiting sabi ni Shari at iniabot ang phone
"Hello? where is Zariana? please don't be late--" medyo inis na sabi ni Sir Larry sa kabilang linya
"I'm on my way, don't worry"
"Kasama natin ang isa sa sikat na model, kaya please lang, magpakabait ha?"
"Para namang ang sama ko 'no, sige na, malapit na kami, bye, may foods kaming pasalubong diyan para di na uminit ulo niyo" tatawa tawa kong sagot at ibinigay na ang phone kay Shari, at siya na ang nagpatuloy makipagusap kay Sir Larry
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa meeting place namin, sinalubong agad kami ng ilang staff, at agad din kaming nakipagbatian sa kanila. Good thing, walang mga kampon ng media ngayon dito
"Zariana Suarez, My Darling!" salubong saken ng direktor namin
"Hello, goodmorning, you're so pretty pa din ha" pambobola ko, sanay na kami sa ganitong set up
"Hay nako! afternoon na no! aba 'di porket sinabihan moko ng pretty, e di kana makakatikim ng sermon sa akin ha" sabi niya habang pasakay na kami ng elivator
Ganyan lang talaga yan, pero joker at mabait yan. Syempre pag sa taping strict talaga siya, normal lang naman din 'yon
Pagkapasok palang namin sa isang room, agad kaming nakipagbatian sa iba pang nandoon na kasama sa meeting, as usual, puro papuri ang mga sinasabi nila sa akin
"So, can we start?" nakangiti kong bulong kay Direk dahil parang wala silang balak mag-meeting
"May Inaantay pa tayo" bulong niya pabalik
Ay oo, yung sikat na model pala, e siya pala ang late! dapat siya ang sinabihan ni Sir Larry
May pupuntahan pa akong importante e aysh!
Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa ding ganap dito, naubos kona yung coffee, sandwich ko, wala pa ding sikat na model na dumadating
Naramdaman kong bumukas ang pintuan, pero di kona nilingon dahil busy ako kakaretouch, dahil nga kumain ako
"I'm sorry, I'm late" isang pamilyar na tinig ang narinig ko
Don't tell me...
"Javier! I'm glad you came" bati ni sir Larry
"Hi beautiful people!" tinig ng isang bata
Dahan-dahan akong tumingin sa gawi nila, nagulat ako nang magtama ang paningin namin ni Javier, agad ko ding iniwas 'yon at tumingin nalang sa batang kasama niya
Siya na ba yung baby?
Gusto kong itanong mismo sa kanya yan, pero para saan? at bakit? baka isipin niyang di pa ako nakaka-move on, tsk.
Tumingin ulit ako sa bata, she smiled at me, kaya nag-smile na lang din ako sa kanya, dahil ang cute cute niya din
Tama pala ang desisyon kong iwan ka, at hayaan ka sa totoong nagmamay-ari sayo...
. . .
YOU ARE READING
Summer Nights
RomanceSi Javier ay anak ng isang sikat at mayamang pamilya. Lumaki siyang walang pakialam sa lahat ng tao o bagay sa paligid niya, pero nagbago yun nang makilala niya si Zariana... Ang babaeng nagparamdam sa kanya ng sobrang pagmamahal at suporta na hindi...