CHAPTER 01

2 0 0
                                    

"Tagal mo naman!" bungad sa akin ni Cleo, late kasi ako sa usapan namin

"Sorry naman" tatawa tawa kong sabi

"Ikaw na nga lang nagpapasama, ikaw pa late" inis niyang sabi

"Halika na pumasok na tayo okay?" sabi ko sabay hila sa kanya papasok sa mall

Magdedeliver kasi kami ng order, and dito yung meeting place na napagusapan nila mama at nung umorder sakanya netong isang set ng sabon

"Dito na tayo magantay" sabi ko sakanya at umupo sa isang bench don

Ilang minuto pa ang inantay namin pero wala pa din yung babaeng umorder sa amin

"Hi" biglang bati nung babae sa gilid namin

"Ay ikaw naba 'yon?" tanong ko

"Oo, pasensya na, natraffic ha?" sagot niya, ibinigay kona ang order niya at inabot na rin niya yung bayad

Kaya naman nandito kami ni Cleo sa mall, naggagala at naghahanap ng timezone at makakantahan, at dahil kuripot at nagtitipid kami, nagkantahan nalang kami at di na naglaro sa timezone

"Ice cream muna tayo dun oh" turo ni Cleo

Agad din kaming umorder, nagchichismisa kami habang nagiintay ng order, nang makuha na namin ang order namin ay naglalakad lakad na ulit kami habang nagchichismisan nang biglang...

"Anak ng!" inis kong sabi at napatingin dun sa lalaking nakabangga sa akin!

"Are you blind?" inis na sabi rin nung lalaking nakabangga sa akin

"Hoy kuya! tahimik kaming naglalakad tapos bigla kang mambabangga?" pagtatanggol sa akin ni Cleo, sa sobrang inis ko napapikit nalang ako at napatingin sa damit kong natapunan ng ice cream

"Okay okay, i'll buy you a new shirt"

"New shirt ha? yun lang?!" inis kong sabi sa kanya

Di man lang mag-sorry!

"Chill, chill..." sagot niya at natahimik kami ng mag-dial siya sa phone niya "Ah, Yes baby, wait me there okay? i'm sorry na ha? just give me more minutes okay?" biglang lumambing yung boses, baka girlfriend niya

Inis ko agad siyang nilingon at tinaasan ng kilay habang nakaturo sa damit ko

"What branch do you want?" tanong niya na bahagya pang iginala ang paningin

"Kahit ano, basta mapalitan mo 'to"

"Okay, here nalang" turo niya sa katabi naming branch

"Oh" Abot ko kagad sa kanya nung damit na hinablot ko lang kung saan, t-shirt naman siya so walang problema, dumeretso na siya agad sa cashier at nagbayad, inabot niya kagad sa akin yun paglapit niya

Agad na akong pumasok sa fitting room at nagpalit ng damit, pagkalabas ko, nagaantay siya sa amin

"Ano pa bang ginagawa mo dito?" inis na tanong ko

"Hoy! kukutusan kita kapag 'di kapa umalis" inis na sabi ni Cleo

"I just want to say--" pinutol ko kagad ang sasabihin niya

"Sorry mo mukha mo!" inis na sabi ko

"Wait, what? I just want to say that you're ugly, that's all" sabi niya at tinalikuran na kami

"Aba walang hiya 'yon ah! pigilan moko Cleo! habulin ko 'yon"

"Go, sabay nating habulin" tinignan ko lang siya at inis pa ring sinundan ng tingin yung bwisit na lalaking 'yon

Bwisit!

. . .

Summer NightsWhere stories live. Discover now