CHAPTER 02

3 0 0
                                    


Pagmulat ko, sinag ng araw agad ang bumati sa akin, ipinikit ko ulit ang aking mga mata pero parang ginigising ako ng araw kaya naman dahan dahan akong bumangon at kinuha ang phone ko para tignan ang oras

7:19 AM

Napangiti agad ako nang makita ko ang wallpaper ko, si Snow, ang alaga kong pusa

"Snow? Snow?..." tawag ko habang nagliligpit ng kama ko

"Ate, baba na daw" sabi ni Neil habang kinukusot ang mata niya, bagong gising

"Sunod ako"

Naghilamos na muna ako at nagtoothbrush bago bumaba, nakita ko din si Snow na paakyat sa hagdan kaya sinama kona siya pababa

"Goodmorning" bati ko kay Snow at kiniss siya

"Meow" nilingon ko naman si Dada

"Goodmorning mga anak, halina kayo dito"

Agad din kaming umupo ni Neil, binitawan ko muna si Snow para makakain ng maayos

"Ano oras ka aalis?" tanong saken ni Mama

"Bukas ng umaga"

"Sama kasi ako 'te" pangungulit nanaman ni Neil, nung nakaraan pa yan nangungulit na sumama daw siya

"Ayoko nga, mangungulit kalang don"

"Hindi naman 'te, good boy na ako e"

"We? sana nga" nakangiwing sagot ko sa kanya

"Isama mo na kasi yan, di yan titigil kakakulit sayo" sabi ni Dada

"E kasi, ayokong may kasamang makulit"

"Hindi ako magkukulit ate, promise" sabi ni Neil na itinaas pa ang kamay

"Pagiisipan ko" sagot ko at pinagpatuloy nalang ang pagkain, 'di niya rin naitago saya niya at napa 'yes' pa, at kitang kita na masaya siya habang nakain

Hanggang sa maghapon, masaya siya, siya pa nagpresinta na maghugas ng plato, basta isama ko lang daw siya, wala namang problema sakin kung isama ko siya, iniisip ko lang kasi, wala kasama si Mama dito sa bahay pag magdedeliver si Dada

"Alam naba nila Lola at Lolo mo na doon ka magbabakasyon?" biglang tanong ni Dada nang makalapit siya sa akin, nasa labas ako ngayon, nagscroll lang sa cellphone, nag-aabang ng last na mararaket ko ngayon bago ako pumunta sa probinsiya

"Surprise nga po Dada e"

"Hmm edi dapat sabihin mo kila Lola mo na isusurprise mo sila"

"Nasan surprise dun?"

"Surprise nga diba?"

"Ang gulo ate ang kulit mo nanaman Dada" kunwaring inis na sabi ko sa kanya

"Kasi sinusulit kona, alam kong mamimiss mo yung pagiging ganito ko, diba?" sabi niya at tinataas taas pa ang kilay

"Hindi kaya" pang-aasar ko

"Ah ganon?" kunwaring malungkot na sabi niya

"Opo e"

At nauwi nanaman po kasi sa asaran, parang bata din kasi 'to minsan si Dada e

Padilim na ng umakyat ako sa kwarto ko, naghanda na ako ng pampaligo ko. Nang matapos ako maligo ay dumeretso ako sa kwarto ni Neil

"Mag-impake kana" yun lang ang sinabi ko at bumalik na ulit ako sa kwarto

"Ate!! Ate!!" sigaw ni Neil, habang papalapit siya dito

"Nakakarindi ka talaga!"

"Sasama talaga ako?" excited niyang tanong

"Hindi, pinapaimpake lang kita" sarkastiko kong sagot kaya nalungkot siya bigla, kahit kelan isip bata, kinse anyos na "Malamang sasama ka, makulit ka e--" di na niya pinatapos ang sasabihin ko at agad na lumabas ng kwarto ko na may pasigaw sigaw pa ng 'yes!'

Naghanda na din ako ng mga gamit ko, dahil gusto ko magbakasyon kila Lola at Lolo, di ako nakapagbakasyon nung last year e, miss kona din mga yun

Natigil ako sa pagtutupi ng damit nang magring ang phone ko, agad ko ding kinuha yun at tinignan kung sino ang tumatawag

Cleo is calling...

"Oh?" tanong ko

"Angas mo naman? may raket tayo bukas"

"Aalis ako baliw"

"Saan ka pupunta? nagsasarili kang raket ha? kutusan kita e"

"Magbabakasyon ako sa probinsiya"

"Kung kelan naman medyo malaki laki 'tong raket natin"

"Oh eh ano ba yan?"

"Photoshoot ulit, medyo sikat 'tong nagaalok sakin"

"Bawi akk next time, magbibirthday din kasi Lola ko"

"Ba yan! sige sige, ingat ka, pasalubong ko ha"

"Oo ikaw paba? e baka nga kakarating ko pa lang doon, hindi kana titigil kakapaalala ng pasalubong mo"

"Chaka mo, dami mong say, sige na inaantok na ako"

"Inaantok? aga naman, bago yan ah"

"Ayoko na rin magpuyat, sige na bye na"

Tatawa-tawa ko nalang in-end ang call bago nagpatulog sa pag-iimpake

Kinabukasan, maaga akong nagising para maaga din kami makaalis, nagulat pa ako nang makitang nasa lamesa na si Neil, nauna pa sakin

Kumain na din kami at nagpaalam na kila Mama at Dada, sangkatutak at walang humpay ang mga paalala nila mama at dada sa amin, OA talaga sila kahit kailan

. . .

Summer NightsWhere stories live. Discover now