CHERRY 1

449 31 28
                                    

There are so many things that we could love in this world. There are so many things that could make us happy. Masyadong marami para i-mention. Masyadong marami para intindihin lahat. Some have friends and family to care and give love. Some have luxurious life at hindi na alam kung saan ang paglalagyan ng pera. Some have fame at umaapaw ang mga tagasuporta kahit na may mga inggiterang humahatak sa kanila pababa. Some have successful careers and love life. Some are just happy living a simple life and being thankful for everyday.

Pero sa dinamirami ng pwedeng magpasaya sa isang tao, hindi ko alam kung saan ba talaga ako masaya. Kung saan ba talaga ako magiging masaya.

I have fame, I have money, and I believe I am successful enough at the age of twenty five. Isa akong modelo sa isa sa pinakasikat na modelling agancy sa bansa, ang Glam Models Internationale. Halos isang taon na rin ako sa Glam at marami na rin akong achievements. Kung saan-saang bansa na rin ako napadpad. I have couple of friends and a family to care and to love, too.

Well, kahit naman against ang parents ko sa ginagawa ko, I still want them to be proud of me. Na kahit sa mga paningin nila, ako si Kiara Coreen Lopez na failure at black sheep ng pamilya, umaasa ako na balang araw ay ma-realize din nila ang worth ko. Na ma-realize nilang pwede rin silang maging proud sa akin kahit hindi ko natupad ang gusto nila. Only because I chose to step out of their shadows and live my own life. Sa paraang gusto ko.

Kung tutuusin, I'm so blessed with my life now. Iyon nga lang, dahil hindi ko magawang i-share ang happiness ko sa mga taong ine-expect kong unang magiging masaya para sa akin, hindi ko ma-enjoy ang tinatamasa ko sa buhay ngayon.

I have a dark past na pinilit kong kalimutan at ibangon sa loob ng ilang taon. At some point, naging successful naman ang pagbangon ko. But the moment I encounter negativities, pakiramdam ko ay bumabalik lang lahat lahat sa akin. That's the very reason why I hate seeing people suffering and unhappy. And that's the very reason why I want to make others happy with the best that I can.

I sighed then took a sip of my drink. Sabado ngayon kaya medyo maluwag ang oras ko at nagawa ko pang tumambay sa Flavors. Well, anyway, lagi naman talaga akong tambay sa lugar na ito pero naging busy ako lately kaya paminsan-minsan na lang ako napapadpad dito. Simula nang ma-discover ko ang Flavors few months ago, ay naging paborito ko na ang lugar na ito. It's like my safe haven. My escape from all the shittiness of life.

Hulog ito ng langit sa akin.

Flavors is known for its very classy and creative design which makes everyone attracted and amazed with it. It's owned by Bonita Vasquez, isa sa mga kaibigan ko na siya ring nagdala sa akin sa Flavors. Kung trip mo magwalwal, mag-enjoy, at mag-relax, ito na siguro ang perpektong lugar para puntahan mg mga tao. Sa entrance pa lang ng Flavors ay bubungad na sa iyo ang bar kung saan may cursive design ng pangalan nito na naka-neon lights. Napapalibutan din ng ganoong ilaw ang outline ng labas ng Flavors maging ang loob nito. Ang mismong ceiling ng bar ay gawa sa see through glass kung saan malaya mong masisilayan ang ningning ng mga bituin at liwanag ng buwan sa kalaliman ng gabi. The bar has an aesthetic wall na nagpapalit ng disenyo every week at perfect i-flex sa social media.

The building is a dome-tent type at masasabi talagang sobrang laki nito. It has a man-made beach na isa sa pinakapaboritong dayuhin dahil hindi mo na kailangang lumayo sa city para lang maramdaman ang summer vibes anytime. Bukod pa roon ay mayroon din itong club na directly connected sa beach area.

Sa bagay, hindi na rin ako magtataka kung bakit ganito kabongga ang interior design ng lugar. Balita ko ay mga sikat at napakatalentong professionals ang nagtulong-tulong para mabuo ang Flavors. Balita ko nga ay ito ang unang project ni Amethyst Vega na isang matunog na interior designer sa industry. At lahat ng proyektong hinahawakan niya ay wala kang maitutuya. The structure of the building, on the other hand, was crafted by Alisandara Paez and her team which was also a big name in the world of building and architecture. I must say that Ali and Ames' partnership in building the Flavors is really superb.

Flavors Series #4: Cherry FizzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon