Who would have thought na may kasunod pa pala ang tips na ito. Akala ko ay last na iyon.
As what I have experienced in my writing, I was so lax nowadays. On my first batch of stories, I updated at least 3 stories in a week. I was a student back then kaya marami akong oras gumawa ng update. Wala akong iniisip noon kaya go with the flow lang ako kung ano man ang isusulat ko o one time ay binigyan ako ng ideya ng kamag-anak ko. Until the social media, the new watty world or the stages of my life changed my likings.
I remembered also way back that I started writing because I was inspired of the other stories. Medyo fan girl din ako sa mga love team dati. May lista pa nga ako hanggang ngayon ng upcoming stories ko na sila ang mga bida. I have draft. I still have and I haven't removed it. Ang dami kong ideas before. I made it a hobby to express my emotions, my excitement, my happiness. Not until I have found the love of my life. Charot!
Totoo na talaga ito. Kaya ko naisipang ibahagi sa inyo ang ibang tips ay may na-realized ako. Kaya ko rin ibinahagi ang experience ko ay related ito sa pagiging writer.
May mga panahon na mapapagod tayo sa pagsusulat dahil wala na tayong oras. I'm a silent type of person as what I have posted on the previous part that is why I preferred to write in a silent environment o iyong walang tao.
May kabanata sa buhay natin na mababago. Iyong mga nasa paligid natin, kung sino ang mga kasama natin, kung ano ang nature of work, kung saan tayo mapadpad at iba pa.
Ano man ang mga iyon ay make time pa rin sa pagsusulat. I posted before na hindi natin kailangan i-pressure ang sarili natin para makapag-update kung wala na tayong mai-update. Maybe, hindi lang writer's block ang dahilan. Siguro ay may iba pa:
• Hobbies - writing lang ang hobbies ko before na naging Asian drama binge watching, naging gamer, mahilig mag cheat day. Siguro ay ilan lang din ito sa mga hobbies at wala nang time sa wattpad, diba? Meron ding anime readers o ano pa man. Mainly ay dahil quarantine ngayon, o para mai-divert ang sarili natin sa kung ano man ang dahilan. Maganda rin ang maraming hobbies para ma-unwind ka sa pagsusulat. Isipin mo, 3 hours kang matatapos sa isang kabanata at hindi pa kasali ang pag-proofread mo at pagbasa ulit para sa susunod na kabanata.
• Bonding time with some people - kung antisocial ka ay huwag kang mawalan ng oras sa mga tao na nasa paligid mo. It is to loosen up. Maybe your writings are just too stiff or serious na kailangan mo mag-explore.
• Watch movies or read book that is related to the genre of your story - nanonood lang ako pero hindi ako nagbabasa dahil ang iniisip ko ay baka makopya ko ang writings ng iba. Tama nga si MoshieBabes07, na ito ang maiisip natin kapag magbabasa tayo ng gawa ng iba. Pero noong nanonood ako ng Waikiki, a Korean drama by the way, na-moved ako. Kasi ay iyong isang karakter doon ay writer siya na palaging tinitingnan ang story niya kasi ay kunti lang ang nagbabasa at hindi rin sila successful na mga karakter doon. Kaya nakaka-inspire lang ang mga ganoong kwento. Iyong ordinaryong makaka-relate ka sa kanila.
Maganda iyong nanonood ka o nagbabasa ka na related sa buhay mo kasi ako, kunti lang din ang readers ko. Kasi nga if you wanna be a writer diba ang goal lang natin ay basta ma-express lang ang mga ideas natin. Pero the more na tumatagal ka sa mundong ito ay the more na gusto mo pa ng 'mas.' Hindi lang tayo iikot sa pagpapahiwatig lang lagi ng damdamin natin, kailangan din natin ng inspirasyon na magpatuloy sa pagsusulat. Ang mga mambabasa natin. Diba mas masarap kapag makikita mo ang feelings nila sa stories mo. Mas ma-motivate kang mas pagandahan mo pa ang kwento mo at malalaman mo kung ano ang saloobin nila, meron ka ring ideya sa isusulat mo sa susunod o iyong sinusulat mo ay sobra bang nakaka-iyak na, sobra na bang hindi makakatohonan, sobra na bang seryoso, sobrang nakakatawa at iba pa.
• Try to make the best in writing - I was planning to become a vlogger dahil naisipan kong mas mabilis mag-edit ng video kaysa magsulat ng isang kabanata pero naisipan ko ring baka pareho lang ito sa mangyayari sa pagsusulat, maraming hindi natatapos. Kapag nagsasawa ka na o nabo-bored ka na ay lipat ka na naman ng ibang passion. Kapag palagi mong ginagawa iyon ay walang mangyayari dahil sa sobrang talon mo sa isa ay hindi ka makapagtapos ng magandang masterpiece o wala ka talagang matatapos. Ang pagsusulat ay hindi biro, pareho lang ng ibang ginagawa. Kagaya lang iyan ng pag-ibig, ano nalang mangyayari sa iyo kapag lipat ka nang lipat ng partner mo. Ang isang gawain ay kailangan ng passion, loyalty at pagsisikap. Who knows diba kung saan mapadpad ang pagsusulat mo.
•Think of the first reason why you wrote -
makakatulong ito. Soon ay darating din kayo sa punto na ito. For example: Just like you first write your stories to express your negative emotions to the person who hate the most. Masaya ka na ngayon, hindi mo na maisipang magsulat dahil nga hindi ka na nagagalit sa kanya. Nakapag-move-on ka na sa kanya. Kaya, isipin mo ngayong nagsusulat ka dahil masaya ka sa ngayon mo.•Try to pressure yourelf - try to go out with your comfort zone - sa sobrang lax ko na sa pagsusulat dahil sa madami nang nangyari ay nawalan na ako ng gana. Kapag nawawalan ka na ng gana ay mawawalan din ng buhay ang kwento mo o kaya ay kahit anong pilit ng utak mo na mai-update ay feeling mo ang pangit, feeling mo na hindi na sumasang-ayon sa plot, feeling mo na parang walang patutunguhan ang kwento mo. Try to pressure yourself, at least ay make a deadline that you will update this day. O kapag hindi talaga kaya sa deadline ay isipin mong hindi ka gagawa ng bagay na ito kapag hindi ka nakapagsulat. Kagaya lang nito: maglalaba ka nito na malapit nang maubos sa closet mo kapag nakagawa ka na ng update.
Sa sobrang lax ko ay once a month nalang ako nakapag-update kaya I tried this method. Thinking of some things that you always do that is unnecessary ay hindi mo na matutuunan ng pansin ang wattpad. Always remember that God o whoever you believe will be always there in your way, guiding you. Just have FAITH.
Just a bit of example and tips.
•Yoga or exercise - it will help the mind at peace.
•Reading a book full of words and wisdom
BINABASA MO ANG
Writing Tips
SonstigesIdeas of mine para makatulong sa kapwa writers at sa gustong maging writer. Wala akong intensyong tamaan ang kapwa writer, all I intend is a HELP, not to insult other writers. Inaamin ko man may flaws din ako kaya 'pag may time edit rin. I accept cr...