Prologue

321 21 1
                                    

"Ano bang iniisip mo, Arcelles? Bakit bumagsak ka?!" sigaw ng kaniyang ama na si Don Guillermo Buenaventura.

Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ni Arcelles sa oras na iyon. Pinagtutulungan siya ng kaniyang ama at ina dahil nakakuha siya ng pinakamababang marka sa pagsusulit. Hindi gaya ng kapatid niyang si Amia na napakatalino, wala na yata siyang panama rito. Kung 'di lang siguro siya maganda at maputi, aakalain talaga na hindi siya isang Buenaventura.

"Sorry, dad."

"Tumahimik ka! From now on, dito ka na mag-aaral sa bahay. Nakakahiya ka!" asik pa ng kaniyang ama.

"That's what you deserve, ano na lang ang sasabihin ng mga kumare ko, Dios por santo!" dagdag naman ng kaniyang ina na si Dona Divina.

Mas mahal nila si Amia, na siyang bunso. Dalawa na nga lang silang magkapatid pero hindi pa rin pantay ang pagmamahal nila sa kanila. Panganay nga siya kung tutuosin pero wala siyang natanggap mula pagkabata kundi panlalait, pambubuska, at pagpapahirap. Minsan nga ay naitatanong niya kung adopted ba siya o hindi.

"Dad, gusto ko pong mag-aral sa CSU. Please po, ayoko dito sa bahay." Pagsusumamo pa ni Arcelles.

"You can't pass the entrance exam, Celes! Mahina ang utak mo! Ewan ko ba kung bakit naging anak pa kita! Sana'y pinalaglag na lang kita noon!" dugtong pa ng ginang.

Nanahimik ang kaniyang ama at tumingin sa asawa nito.

"Divina, that's too much." Mahinahon na sambit ng ginoo.

"Hindi ba totoo naman? Kung 'di mo ako binuntis, hindi ganito ang buhay ko ngayon, Guillermo! Sana'y nasa Italya na ako at tinutupad ang pangarap ko!" galit na sambit nito.

Nabaling sa dalawa ang pag-aaway that time dahil bumalik na naman ang issue ng mag-asawa. Maagang nabuntis si Dona Divina at dahil doon ay ipinagkasundo sila ng kanilang pamilya at nagpakasal. As a matter of fact, they are all an option for her. Hindi sila ang prayoridad nito.

Mayamaya pa ay dumating si Amia, halatang nagulat ito sa nasaksihang eksena sa malaking sala nila.

"What's going on here, mom? dad?"

"Nothing, anak, pumasok ka na sa kwarto mo." Sabi ni Dona Divina saka ngumiti rito. Inalalayan pa nito ang dalagita na makapasok sa kwarto nito. Kung may nag-iisang tama lang yata sa buhay ng kaniyang ina, iyon ay ang kaniyang kapatid na si Amia.

Malayo ang agwat ng edad nila. She is now twenty-three, yet, halos kalkulado ang lahat ng kilos at desisyon niya, ay mali! Wala pala siyang desisyon, dahil nakadepende ang lahat sa kung ano ang mando ng kaniyang ama't ina.

Amia is seventeen, at sa isang buwan ay magde-debut na ito.

Napagplanuhan ng kaniyang mama na kumuha siya ng kursong Business Management sa Canada State University, since siya ang inaasahan na mamalakad sa kanilang negosyo. Fetus pa nga lang siguro siya noon ay nakatakda na kung ano ang magiging trabaho niya--iyon ay ang maging utusan ng kaniyang mama't papa.

Nang lumamig ang lahat ay nag-walk out palayo ang kaniyang ina. Naiwan naman sa sala ang kaniyang ama na noo'y tahimik lang habang nakatingin sa kaniya.

"Dad, until when will you endure this, hanggang kailan ka magiging pepe at bulag sa ginagawa sa'yo ni mom?" mahinang boses na tanong ni Arcelles sa kaniyang ama.

"I love her, anak." Tanging sambit ng ginoo saka malalim na napabuntung-hininga.

"You knew already... what they've done, Dad."

"Enough, Celes, matulog ka na. Bukas na tayo mag-usap." Seryosong sambit ng kaniyang ama saka naglakad paalis.

Naiwan si Celes sa sandaling iyon, habang pinipigilan ang mga luhang hindi dapat tumulo sa kaniyang mga pisngi.

She knew.

Alam niya ang lahat.

Alam niya ang pagtataksil ng kaniyang ina.

Nakita niya kung paano naging miserable ang kaniyang ama dahil doon. Her father knew everything pero nanatili itong tahimik sa lahat. Mas pinili nito ang magpatuloy at magpanggap na walang nalalaman.

Hindi nito anak si Amia. Anak ito ng kaniyang ina sa kaniyang bodyguard noon. At that moment ay muling nagbalik sa gunita ni Arcelles ang lahat.

"Dad? Dad? Nasaan po kayo?" tawag ni Celes sa kaniyang ama. Nasa parking lot siya that time, madilim na at walang tao sa garahe. She was six years old that time at wala siyang kaalam-alam sa lahat ng nangyayari sa malaking mansion nila.

Nagulat pa siya nang may kung sinong humila sa kaniya papunta sa pader habang takip ang bibig niya. Nalingonan niya na iyon ang kaniyang ama. Nakasuot na ito ng pantulog at halatang tila may hinihintay. She has no clue what's going on, yet she still choose to be silent, of course, nakatakip ang kamay ng dad niya sa bibig niya--like, gusto nitong hindi siya gumawa ng ingay.

Sa sandaling iyon ay may narinig silang usapan. Galing iyon sa kotseng nakaparada sa dulo ng garahe nila. Kahit madilim ay nakikita pa rin nila ang mga ito dahil na rin sa mumunting sinag ng ilaw mula sa main gate nila.

It was her mom.

"Thank you, Adam..." sabi pa nito sabay halik sa binatang kasabay nitong lumabas mula sa kotse.

"Walang anuman po, maam. Sakaling gusto pa po ninyo ng massage, sabihan mo lang po ako."

"Yes, I will. You're so good at that."

"Depende po kasi ang performance ko sa halaga ng offer mo maam..."

"Hmmm, you're so wise, Adam. Alam na alam mo talaga kung paano mo ako paligayahin..."

"Magaling po kasi kayong magturo..."

"Sige, sa malakawa ulit ha, dito ulit sa garahe, hintayin kita, alas dose. Make me moan again..." Malanding saad ng kaniyang ina saka nakipaghalikan sa binata na tila isang ahas na lumilingkis sa isang puno.

That moment, Arcelles saw how his father cried without a sound. Tanging pagtibok lang ng puso nito ang naririnig niya.

Sa sandaling iyon, sa mura niyang edad, namuo ang pagkamuhi niya sa kaniyang ina...

And she promised to her young self, hinding-hindi siya magiging katulad ng kaniyang ina!

Muling nagbalik sa ala-ala si Arcelles at nagpunas ng luha, kahit gaano pa niya kimkimin ang lahat ng iyon, hindi niya kayang magbulag-bulagan, at panoorin ang pamilya niya na unti-unting nalulunod sa mga kasinungalingan.

She wants to break her chain.

Gusto niyang umalis at iwan ang pagiging Buenaventura.

Marrying a MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon