Chapter 2

34 3 0
                                    

Nakakatakot ang itsura niya. Puting buhok, puting bistida na may mga mantsa at nakakatakot na ngiti.

"Ako si Esmeralda. Tatlong taon na akong nag aalaga sa bahay na ito" sabi niya at hindi natanggal ang ngiti sa mga labi.
"Ba-bakit wala po kayo kanina?" Lakas loob na tanong ni Zei.
"At bakit may dugo po yung damit mo?" Tanong ni Charles kaya naman napatingin ako doon. Kung titignan mong mabuti ay mapapansin mong dugo nga ito.
"Nagkatay ako ng manok sa likod kanina kaya ganyan. Hali na kayo, may nailuto akong dinuguan at adobo" sabi niya sa amin at tumalikod.
"Susundan ba natin siya?" Natatakot ng tanong ni Zei.
"Mukang mapagkakatiwalaan siya" sabi ni Charles at naglakad na. "Baka madami siyang alam tungkol sa may-ari sa bahay na ito" dagdag niya kaya sumunod na kami.

Pagdating namin ay agad kaming umupo sa lamesa. May mga plato at kutsara na dito.

"Bakit kayo napadpad dito?" Tanong niya at nagsandok ng kanin.
"Ano po bang nangyari dito? Pati na din po sa pamilya ng Firbé" sabi ni Annie at binalewala ang tanong ng matanda.
"Ang pamilya ng Firbé ay kilalang mga tao non. Nagkaroon sila ng apat na anak. Si Xeira, ang nag-iisang babae ang nakaisip na gumawa ng ganitong lugar. Ngunit nagkasakit siya kaya hindi natapos ang pagpapagawa dito." Sabi niya at iniabot sa akin ang kanin. "Mula ng nagkasakit si Xeira ay wala na kaming balita tungkol sa pamilya nila" sabi niya.
"Ano pong naging sakit ni Xeira?" Tanong ko.
"Bata pa lang sila ay makikita na ang talino ni Xeira. Lahat ng achievement niya ay nakasabit sa dingding paakyat sa hagdan. Tuwang-tuwa ang magulang niya sa kanya dahil nag-iisa lang siyang babae. Lahat ay nakukuha niya. Ngunit isang araw, nabaliw si Xeira. Sabi nila dahil daw sa talino. Ngunit alam nila na may iba pang dahilan" kwento niya ulit.
"Ano pong dahilan?" Tanong ni Charles at umiling si Esmeralda at ngumiti.
"Kumain na tayo" sabi niya at napilitan kaming kumain.

Nang matapos ay tinulungan namin siyang magligpit.

"Dun muna kayo sa kwarto ni Xavier. Sa kanang gilid ng kwarto ni Xeira" sabi niya at hinugasan ang pinagkainan.

Umakyat kami sa taas at tinanggal ang mga puting telang nakatakip sa mga gamit.

"She's so creepy!" Sabi ni Zei at humiga sa kama.
"I agree. Pero mukha namang harmless" sabi naman ni Annie.
"Kawawa pala si Xeira ano" sabi ulit ni Zei habang nakatingala.
"Bitin yung kwento" sabi naman ni Charles. "Let's just have fun" sabi niya at nilabas ang dala naming canned beers at chips kaya naman umupo kami sa lapag at pumabilog.

Maingay kaming nagkukwentuhan at nagtatakutan habang umiinom.

"You think patay na si Xeira?" Tanong ni Zei na halatang may tama na.
"Maybe" sabi naman ni Annie "Awooo" panakot niya pa at nagtuloy-tuloy ang takutan namin hanggang sa may naramdaman akong nakatingin sa akin at paglingon ko nakita ko ang isang babaeng nakangiting nanonood sa amin.

That Place Named FirbéWhere stories live. Discover now