Chapter 3

27 3 0
                                    

Zeiraya Amatilda's POV—

Masaya kaming nagtatakutan ng mapansing may tinitignan si Ben sa bandang likuran niya.

"Ben?" Tawag ko at nakita kong namumutla siya.
"Ayos ka lang?" Tanong naman ni Charles at tumango siya. "Anong nangyari?" Tanong niya ulit.
"Wala" sabi ni Ben at uminom ulit kaya naman nagpatuloy din kami sa pag-inom.

Medyo may tama na ako ng may maramdaman sa gilid ko. Paglingon ko ay may batang lalaking masama ang tingin sa amin. Nahirapan akong huminga dahil sa nakita ko. Parang nakalimutan kong nakainom ako dahil sa nakita ko.

"Huy" tapik ni Annie sa akin. "Ayos ka lang?" Tanong niya at tumingin sa tinitignan ko at binalik ang tingin sa akin.
Tumango lang ako at muling uminom. Napalingon ako kay Ben at malakas ang kutob ko na pareho kami ng nakita.

Humiga na ako sa kama at maya-maya lang ay tumabi siya sa akin.

"Anong nakita mo?" Tanong niya sa akin.
"B-batang l-lalaki" natatakot na tugon ko. Tumango siya.
"May nakita din ako kanina" sabi niya at dahil don napabangon ako.
"Batang babae" sabi niya.
"Ano yon?" Tanong ni Charles at lumapit.
"May nakita kami" sabi ni Ben. Napalapit si Annie at Charles sa amin.
"Ano naman?" Tanong ni Annie na parang nawala ang alak sa sistema niya.
"Nakakita ako ng batang b-babae" sabi ni Ben.
"Lalaki naman yung nakita ko kanina" sabi ko at natawa si Charles.
"Epekto lang ng alak yan. Magtabi-tabi na tayo. Kasya naman tayo dito" sabi niya kaya naman humiga na kami. Mabilis kaming nakatulog dahil na din sa dami ng alak na nainom namin.

Masarap na ang tulog ko ng maramdamang humahaplos sa buhok ko.

"Ugh Annie!" Sabi ko at bumaling sa kabilang side. Makakatulog na sana ako ng may humaplos nanaman sa buhok ko kaya napabangon ako. "Ano ba!" Sigaw ko at bumaling kay Annie na mahimbing ang tulog. Namutla ako sa nakita ko. Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko at nakita kong nagising din si Charles.

"Bakit?" Tanong niya at umiling lang ako. Baka dahil sa alak lang to. Humiga na ulit si Charles. Ako naman ay humiga na din ngunit hindi na ulit nakatulog. Maya-maya lang ay naramdaman kong gumalaw si Annie. Napalingon ako sa kanya.

"Ben wag mo akong pagtripan ha" sabi niya at inilayo ang paa. Tinignan ko si Ben at mahimbing ang tulog niya. Maya-maya lang  ay napabangon din siya. "Ano ba Be-" hindi niya natapos ang sinasabi ng mapatingin sa paanan. Nakita kong inaalog niya si Ben na nasa gilid niya.

"Hmm?" Ungot ni Ben.
"Ben, ben" tawag niya at napabangon si Ben.
"Ano ba y-" hindi niya natapos ang sasabihin at mabilis na napatayo.
"Sht!" Malutong niyang mura kaya naman napatayo din ako. Paglingon ko ay nakita namin si Esmeralda na nakaupo sa sofa sa tabi ng kama at nakangiti sa amin.
"Charles" tawag ni Ben kay Charles at kahit antok pa nagising si Charles ng makita si Esmeralda na nasa paanan namin.

"Ano pong ginagawa mo dito?" Tanong ni Annie.
"Andito ako para gisingin kayo" sabi niya at tumayo. "Hinihintay nila kayo" sabi niya at tumalikod. Nagkatitigan kami at lahat ng balahibo namin sa katawan ay nagsitaasan.

That Place Named FirbéWhere stories live. Discover now