"Hoy, anong ginagawa mo? wag mong sabihin na matutulog ka diyan?" boses dahilan para imulat ko ang aking mata.
"At ano naman ang problema kung ganun? choice ko to bro kaya wag kang epal pwede ba?"
"Alam mo bang inaantok pa a..."
"Ano naman ang pakealam ko?" pagbabara ko sa kaniya.
"Hindi ako nakatulog kase sinundo pa kita"
Hindi ko na siya sinagot kase baga sasabog na ako sa inis.
Ano bang pakealam ko kung inaantok pa siya? Kung personal driver siya ni Mama edi trabaho niya rin ang pag silbihan din ako.
"Ano, hindi ka ba magsasalita diyan?"
"Ano bang problema mo? kung ayaw mong matalakan buong byahe, hayaan mo akong manahimik kase di mo kakayanin pag ako ang magagalit."
"Singer ka ba?"
"P*TA KA BA?"
"Bat ang ganda sa tenga ng boses mo. Kahit galit ka para akong nakikinig ng kanta ng Aeges."
"Hindi ka ba talaga tatahimik diyan?"
"Hindi, may freedom of speech naman ako diba?"
Kukunin ko na sana ang earphone ko sa bag, pero naalala ko na naiwan pala ito sa kama ko. HAAAYYSSTT. ANGMALAAAAASS KO TALAGA ARAW-ARAAWWW!!
Hindi na muli ako nagsalita habang patuloy siya sa pagmamaneho.
"Ilang taon ka na ba?"
Di ko siya sinagot.
"Ilan kayo magkakapatid"
Di ko parin siya sinagot
"Ano nga pala ang course mo"
"HINDI KA BA NAIINIP SA KAKATANONG MO? HALATA NAMAN NA WALA AKONG GANA NA MAKIPAGUSAP SA'YO" sigaw ko sa kaniya.
"Sorry na, di ko kase nahalata eh" sagot pa niya
"Haaaayyysssttt!"
" Sorry na, inaantok kase ako kaya kailangan ko ng may makausap para medyo mawala ang antok ko." banayad niyang boses at halatang seryoso naman na.
Ba't ba ako palaging pinapakonsensiya nito?
"Eighteen, wala akong kapatid, accountancy ang course ko"
"Wala kang kapatid? siguro spoiled ka no?"
"Nope, di lang ako komportable sa kausap ko kaya parang maldita ako pakinggan"
"Parang? so mabait ka? hindi kase halata"
"Kase hindi nga kita kaibigan"
"Pero pwede mo naman akong maging kaibigan soon diba?"
"Mamamatay muna ako."
"Hala grabi siya."
"Bilisan mo na nga ang pagmamaneho ng makarating na tayo at di mo na ako pagbintangan bat ka inaantok ngayon"
Di naman ganun ka layo ang pinag tatrabahuan ni mama pero dahil traffic, medyo natagalan kami sa byahe.
" Ikaw nalang kaya ang magmaneho?"
akala neto di ako marunong. ulol
"Itigil mo at ako ang magmamaneho" sagot ko sa kaniya.