9-08
Aestelle lang malakas, yes?
3:43 PM
Ribo:
Amputa ayoko na gusto ko nang sumuko tangina mama bakit ba ito pinakuha mong course sa 'kin 😡
Tangina Kuya War at Kuya Tripp kahit sana 3/4 ng braincells niyo pahiram niyo muna sa 'kin tangina tangina tangina
Tanginang accountancy pakyu ka gago
Hayes:
HAHAHAHAHAHA galet na galet ah.
Ribo:
Tangina mo porket tinutulungan ka ni Yeri sa mga subjects niyo.
Bobo ka pa rin tangina mo.
Aestelle:
Anong nangyari, Ribobo?
Ribo:
Tangina mukhang babagsak ako sa fin acc hahahaha
Puta.
Aestelle.
Same hahaha
Hayes:
Hahahahaha!
Aestelle:
Feeling smart ka @Hayes
Hayes:
Hindi naman sakto lang sa tres HAHAHAHAHA
Aestelle:
HAHAHAHAHAHA
Hayes:
Musta ka na pala, bibi Telle?
Aestelle:
Sakto lang.
Babawi ako 💪🏻
Ribo:
Tangina gusto ko rin bumawi pero wala nang kakatas sa utak ko anong bawi pa gagawin ko
Aestelle:
Hindi ko rin alam haha
Pero super down talaga ako kahapon sksksksksks
Tapos ewan ang bait ni War.
Nakakagaan pala ng loob 'yong ganon.
Hayes:
Ay.
Aestelle:
Hmmm?
Hayes:
Ah wala nagulat lang ako pinalo ako ng kasama ko hahaha
Ano nga kuwento mo saan kayo nag-date ni Kuya War?
Aestelle:
What date? Hahaha issue ka always.
Nilibre lang ako ng ice cream tapos nanood kami ng movie ganon.
Tapos nakinig lang siya sa rants ko tapos ewan ang dami rin niya kuwento tapos ayon nakita ko na lang sarili ko natatawa sa kanya.
Kahit most of the times ang yabang niya pero alam niyo 'yon parang joke lang pagyayabang niya.
Ribo:
Sana all.
Hayes:
Tangina mo Ribobo HAHAAHAHA
Ribo:
Bakit na naman?!
Aestelle:
HAHAHAHAHAHA
Hayes:
Cute ng friendship niyo, Telle ☺️
Aestelle:
Hindi ko rin inakala na magiging friends kami like hello? Asar na asar ako sa kanya n'on hahahahah
Hayes:
Malay mo maging more than that pa.
Ribo:
Super friends gan'on?
Aestelle:
AHAAHHAHAHAAH RIBO ALAM MO HAHAHAHAHA
Hayes:
AHAHAHAHA TANGINA MO RIBOBO HAHAHAHAHAHA
Ribo:
Awit sa inyo 😡
Seen
BINABASA MO ANG
Shameless (Bump, Set, Spike #1) (To be Published)
Novela JuvenilSml? An epistolary.