9-05
War Sto. Tomas
8:45 AM
Aestelle:
Good morning master 🤗
Seen, 10:46 AM
War:
Nakakatakot mga ganyang bungad mo e.
Aestelle:
Judger ka no?
War:
Ano kailangan mo?
Gagamitin na naman yata ako.
Sa 'yo lang ako nagpapagamit ng ganito.
Aestelle:
Aestelle lang malakas 💪🏻
Willing ka naman magpagamit diba? HAHAHAAHHAH
War:
Amputa hahahahaha
Ano na?
Bilis.
Aestelle:
Diba may date kami ni Janus bukas?
War:
Baka date HAHAHAHAHA
Aestelle:
Weh epal burst bubble wala ka sigurong date kaya ka inggit inaka
Kapag walang date walang ebas
War:
HAHAHAHAHA Sabi ko nga pipikit ako para hindi ako inggit ☹️
Aestelle:
HAHAHAHAHA
So ayon nga, ayaw ko naman cake ulit ibigay. Ano ba puwede? Pero strawberry dapat!
War:
Strawberry bread?
Aestelle:
Marunong ka? Hehehehe
War:
Hmmm.
Aestelle:
Oo na ano gusto mong kapalit?
Wala kang puso! Ayaw kumilos nang walang kapalit!
War:
HAHAHAHAHAH
Pag-isipan ko muna ano kapalit.
Mamaya after ng practice ko, puntahan kita.
Aestelle:
Ge.
Nasa univ ka?
War:
Wala. Sira gym e. Dito ko sa bakanteng lote malapit sa apartment.
Aestelle:
Mag-isa ka lang?
War:
Opo.
Aestelle:
Wait! Gusto kitang panoorin.
War:
Amputa I'm shy 🥺👉🏻👈🏻
Aestelle:
Mukha mo shy hahahaha
War:
Feeling ko porn ako na gusto mong panoorin.
Aestelle:
Alam mo ang gago mo HAHAHAHAHAHA
Wait for me.
War:
Ayaw ko nga 🤪
Aestelle:
Epal hahahaha
Saka mag-jogging na rin ako tumataba na ako 🤣
War:
Maganda ka pa rin naman no worries.
Aestelle:
Linyahan ng mga fuck boy? HAHAHAHAHA
War:
FOUL
Aestelle:
Joke lang may dala akong milk bread 🤪
War:
Pakibilis sa aking milk bread 🤣
Aestelle:
Sino nagsabing sa 'yo 'to HAHAHAHAHA
War:
Ge ikaw na lang akin.
Aestelle:
Ge iyo na 'tong milk bread.
War:
HAHAHAHAHAHAHAHA
Aestelle:
Ulol HAHAHHAAHAHA
Seen, 8:53 AM