HILAM sa luha ang mga mata ng magpipitong taong gulang na batang si Katherine habang lilingon-lingon sa kanyang paligid. Nasa Luneta Park silang mag-anak at katatapos lang nilang magpicnic, nauna na ang kanyang Daddy Carlo at Kuya Karlito sa kotse nila dahil maraming tao sa parke kapag ganoong holy week . Susunduin na lamang daw silang tatlo ng mga ito: siya, ang kanyang Mommy Kathy at ang kakambal niyang si Katherina.
Nilingon niya ang kanyang mommy. "M-mommy..." pigil hikbing tawag niya rito.
Tiningnan siya nito at ang kanyang tabi. "Nasaan ang kapatid mo?!"
"Mom-"
"I told you to hold your sister's hand tight! Bakit hindi ka nakinig?!"galit na sigaw nito.
Kukurutin na siya nito nang biglang parada ng kotse nila sa harapan nila at bumaba ang kanyang daddy. "Anong nangyayari dito? Why are you crying, baby? Nasaan si Katherina ?" agad na usisa nito.
Humagulgol ng iyak sabay yakap sa kanyang daddy ang kanyang mommy. Tinanong ito ng kanyang daddy tungkol sa nangyari habang wala ito at ang kanyang kuya. Patuloy naman sa pag-iyak ang kanyang mommy habang nagsasalaysay, siya naman ay umiiyak na nakatingin sa mga ito. Mayamaya ay tumigil na sa paghagulgol ang kanyang mommy pagkatapos itong bulungan ng daddy niya.
"Sa tingin mo saan nawala ang kapatid mo?" tanong ng kanyang daddy.
Pinilit niyang tandaan ang mga dinaanan nila at iisa lang ang natatandaan niya, ang statue! Ngunit hindi niya matandaan kung kailan ito nawala. Napailing na lang siya dahil wala na talaga siyang ibang matandaan.
"Sabihin mo na lang sa 'kin kung ano ginawa niyo ng kapatid mo after sabihin ng mommy na hawakan mong maigi ang kamay ng kapatid mo."
Pinunasan niya ang kanyang mga luha bago nagsalita. "S-sabi ko po sa kanya h-hawakan niya 'yong damit k-ko at 'wag bibitiw..ka-ka-kasi baka mawala siya. Then nihawakan niya po ng mahigpit, tapos dumaan po kami sa may statue na maraming tao."
"What statue?"
"Dr. Jose Rizal's statue."
"Get in the car," mabilis na sabi nito sa kanya. Tumalima naman siya, ngunit sa pagmamadali nito ay binuhat na siya nito pasakay sa backseat kung nasaan ang kuya niya. Pumasok ito sa driver's seat at nagpark sa tabi. "Dito lang kayo, okay? 'Wag kayong lalabas hangga't wala pa kami ng mommy niyo kung ayaw niyo din mawala."
"Yes, daddy?" nagtatakang sagot ng kuya niya.
Mabilis na ini-lock ng daddy nila ang mga pinto ng kotse saka sila iniwan ng kanyang kuya. Pagtingin niya sa labas ng kotse ay nakita niya ang kanyang mommy at daddy na lumapit sa isang pulis, at nang tingnan naman niya ang kanyang kuya sa kanyang tabi ay mukhang alam na nito ang nangyayari kahit nagulat ito sa ginawa at sinabi ng kanilang daddy.
"Nawawala si Katherina, hindi ba? At kasalanan mo," galit na sabi nito.
Alam na nga ng kapatid niya ang nangyayari base sa mga sinabi nito. His brother was just nine years old, three years older than her and Katherina, but he is already intelligent just like their father.
Napaiyak siya sa sinabi nito. "K-kuya ..H-hindi k-ko-"
"Sinadya mo!"
Sapat na ang mga salitang iyon para umiyak siya nang walang tigil hanggang makatulog siya. Nang magising siya ay wala pa rin ang kanilang magulang, nakatulog din ang kanyang kuya. Sinipat niya ang kanyang relong pambisig(alam na niyang basahin ang oras sapagkat alaga sila sa turo ng kanyang mommy), isa't kalahating oras na ang nakakalipas nang iwanan sila sa kotse. Gusto niyang lumabas at hanapin din niya ang kanyang kakambal. Bubuksan na niya ang pinto ng kotse nang pumasok ang mga magulang niya sa driver's at passenger's seat.
Bubuka na ang kanyang bibig upang magtanong nang magsalita ang mommy niya, "'Wag ka nang magtanong pa," mariing sabi nito.
Muling tumulo ang masaganang mga luha mula sa kanyang mga mata dahil sa iginawi ng mommy niya.
PAGKABABA ni Katherine ng kotse upang pumasok na ng dalawang palapag na bahay nilang nakatayo sa isang pang-mayaman na subdibisyon sa Maynila ay agad niyang napansin ang kwentuhan ng dalawang batang lalake, ang isa ay ang bata na nakatira sa tapat ng bahay nila at ang isa ay marahil na ka-edad niya at mukhang kalilipat pa lamang sa bakanteng bahay sa tabi ng bahay nila. Agad niyang napansin ang batang kalilipat lang sa kabilang bahay, gwapo ito na maputi at singkit ang mga mata na matingkad na brown ang kulay, sa tingin niya ay may lahi itong intsik. Medyo nagtaka naman siya sa bata sa tapat ng bahay nila dahil kadalasan ay nalabas lang ito kapag mag-eensayo ito at ang ama nito ng karate kaya kahit matagal na sila doon at ang mga ito ay kahit pangalan nito ay hindi niya alam.
Pugto man ang mga mata dahil sa pag-iyak ay nais niyang lapitan ang mga ito upang makilala at maging kaibigan. Ngunit bago pa man siya maglakad patungo sa direksyon ng mga mga ito ay tinawag na siya ng kanyang mommy. "Katherine!"
Lumingon siya sa direksyon ng mommy niya, pugto rin ang mga mata nito habang ang daddy niya ay buhat ang kanyang kuya papasok ng bahay dahil tulog pa rin.
She doesn't want to upset her mother more so she decide to follow her. "Papunta na po!."
Bago siya tumakbo ay tiningnan niya muna ang batang bagong lipat nagtama ang mga mata nila pero Mayamaya ay ngumiti ito sa kanya na lalong nagpagwapo at nagpasingkit sa mga mata nito. Napangiti rin siya rito.
ISANG linggo na ang nakalilipas ay wala pa rin silang natatanggap na balita mula sa mga pulis tungkol kay Katherina. Ilang beses nang nagpabalik-balik sa prisinto ang magulang ni Katherine, alalang-alala na ang mga ito habang ang kuya niya ay parating kasama ng mga ito. And every time her parents and brother arrived she can see how they change a lot, from being happy and contented with what they have to sadness and emptiness.
She was in their big living room looking at their big family picture along with each of their solo pictures. Kinuha niya ang solo picture ni Katherina, she was wearing an elegant pink cocktail dress. Napaka-ganda ng kapatid niya, malayong-malayo sa litrato niyang napaka-simple lang ng kanyang suot.