3

93 6 0
                                    

KINAKABAHAN si Katherine habang naglalakad papuntang gym, kung saan gaganapin ang JS Prom nila. She was wearing a cute red tube cocktail dress. Pinayagan siya dahil kay Shin, ngunit ang mommy niya ang bumili ng mga suot niya at nagpa-ayos sa kanya. Pink sana ang suot niya dahil iyon ang gusto ng mommy niya, pero red at white lang ang pwedeng isuot dahil iyon ang motif nila.

Talagang nagpaganda siya para sa gabing iyon, kahit hindi siya gaanong kumportable sa pagsusuot ng bestida at high heels. Simple lang naman kasi siya manamit, simpleng t-shirt at jeans. But today is different,she's going to confess to Gin about what she feels towards him. She wanted Gin for herself, not for Jane. Dahil bawat dumaang buwan pagkatapos niya "magselos" ay lalo pang naging close ang dalawa, lagi na kasing nasama sa kanila si Jane. Natigil naman si Gin sa pagbibigay ng bulaklak sa kanya.

Nang nasa may pinto na siya ng gym ay huminga siya ng tatlong sunud-sunod na malalim.

"Nervous?"

Gulat na napatalikod siya. It's Shin, he's like a dashing handsome prince with his white suit. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Ano kaya 'yon? Siguro ninenerbyos lang talaga ako, at saka this days parang ang alien ng mga nararamdaman ko para kay Shin... sa isip-isip niya.

"Oo eh," sagot niya.

He opened the door. "Ladies first."

She slowly entered the open door and search for the table she, Shin, Gin, Jane and two more pairs will occupy for the whole event. Nang makita niya ang lamesa ay nakita niyang si Gin at Jane pa lang ang naroon at nag-uusap. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa lamesa. Hindi pa siya gaanong nakakalayo sa pintuan ay naramdaman niyang umagapay si Shin sa paglalakad niya. Tumigil ito sa paglalakad nang tumigil siya, pinagkatitigan niya ito.

Nginitian siya nito at saka inilahad nito ang kamay sa kanya. "Tara na."

Bumaba ang tingin niya mula sa mukha nito papunta sa nakalahad nitong kamay. She felt her heart beat fast again, but this time it's not because she's nervous. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya kay Shin? Kasi naman nagugustuhan mo na siya simula nang isigaw mo ang pangalan niya... sigaw ng isang bahagi ng isip niya.

Hindi kaya! tutol naman ng isa pang bahagi ng isip niya.

Nang hindi niya hawakan ang kamay nito ay ito na mismo ang humawak sa kamay niya at hinila siya papunta sa table nila. Nagpatianod na lang siya sa paghila nito habang nakatingin sa kamay nilang magkahawak. She felt some sort of electricity coming from his hands, but for some reason she cannot explain it. And she still let him hold her hands. Napangiti na lang din siya sa hindi niya malamang dahilan.

KANINA pa nag-umpisa ang event pero hindi pa rin nakaka-usap ni Katherine si Gin. Hindi pa rin siya nakakapagtapat. Hinanap niya si Gin. Pabalik na ito sa lamesa nila, kasama si Jane.

"Hindi ba kayo sasayaw ni Kyle, Katkat?" tanong nito nang makalapit.

Open dance na kasi nila.

"Wala-"

"I'll just borrow Jane," biglang singit ng isang baritonong boses ng lalake. Napalingon tuloy sila kay Jane, hinila ito ni Fire paalis sa lamesa nila. Nakapagtatakang may college student doon, well nevermind at least tinangay nito si Jane.

"Hindi ba kayo sasayaw, Katkat?" ulit ni Gin sa tanong nito. Umupo na ito.

Ibinalik niya ang tingin kay Gin. "Wala ako sa mood, eh." Ikaw kasi ang gusto kong kasayaw... Bumaling naman siya kay Shin, "Ikaw, Shin? You can dance if you like."

"Wala din ako sa mood, dito na lang ako," sagot nito.

She take a deep breath as she turn her head to look at Gin again. As usual, nakangiti ito sa kanya. "Your beautiful tonight, Katkat," puri nito.

Truly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon