5

119 8 0
                                    

"WE'RE home," narinig ni Katherine na sabi ng Kuya Karlito niya.

Kahihinto lang ng kotse ng kuya niya sa harap ng bahay nila, nakatingin siya sa bahay. Maliwanag na ang bahay samantalang maaga pa para dumating ang mga magulang nila.

Malungkot siyang tumingin sa kuya niya. "I guess they're home, too, early," wika ng kuya niya. Bumaba na ito ng driver's seat at umikot papunta sa pinto ng passenger's seat para ipagbukas siya ng pinto.

Bumaba siya ng kotse at diretso silang pumasok sa gate nila. Walang kahit isa man sa kanilang dalawa ang nagsalita. Pagkatapos kasi niyang marinig sa pinsan nila ang pag-alis ni Gin ng walang paalam ay hindi siya tumigil ng iyak hanggang maihatid sila ni Shin sa kotse. Sasama pa sana sa bahay nila si Shin ngunit pinigilan niya ito, she didn't want Shin to feel lonely, too. Sinabi niya rin kay Shin na gusto niya mag-isa at manahimik bilang "pagluluksa" sa pag-alis ni Gin, kaya siguro hindi siya kinaka-usap ng kuya niya.

"K-kuya, n-nananaginip ba ako? Pumunta ka ba talaga? U-umalis ba talaga si G-Gin?" hindi makapaniwala at humihikbing tanong niya nang bubuksan na ng kuya niya ang pinto ng bahay. "Totoo ba na tinawag mo akong "R-Rine"? O-okay na ba talaga tayo?"

Niyakap siya nito at hinaplos ang buhok niya. "Rine... I'm sorry for all those nine years. Totoo, oo, totoo. Pumunta ako, tinawag kitang "Rine". But I'm sorry to say na totoo din na wala na si Gin. I don't want to hurt you, Rine. But it's true. I'm sorry..."

"It's not your fault, Kuya. Siguro dapat ko na siyang kalimutan. And, Kuya, thank you. Hindi ko inaasahan na magkaka-ayos tayo. I-I've been dreaming of this..."

HINDI alam ni Katherine ang gagawin nang tumambad sa kanya ang anyo ng galit na galit nilang mga magulang. Ayos na sila ng kuya niya kaya tapos na siya sa pag-iyak, nakalimutan niya tuloy ang mga magulang nila. They're still the same, cold and angry to her.

"Daddy-"

"Y-you ... You slut!" sigaw ng daddy niya. Namumula ang mukha nito sa galit at nakakuyom ang mga kamay habang may hawak na brown envelope sa isang kamay.

She looked at her brother. Kahit ang kapatid niya ay kababakasan sa mukha ng pagkabigla. "D-Daddy ... I-I don't know what you're saying."

"Hindi mo alam? Binawi na ni Mr. Ramos ang shares niya sa kumpanya natin dahil sa'yo!" Tila dumadagundong ang boses ng daddy niya.

"Mr. Ramos? 'Y-yong tatay ni Hera?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Alam mo ba kung ano ang sinabi niya? He said "Hindi mo ba tinuruan ng tamang asal ang anak mo, Mr. Narvaez? Hindi niya alam ang tama at mali! Alam mo ba na inagaw niya ang boyfriend ng anak ko? What a waste you have, Mr. Narvaez." Hindi ka na nahiya, Katherine! Bakit mo ba ginagaw ito sa kumpanya natin?"

"Daddy ... I-I really don't understand," naiiyak na sabi niya.

"You don't understand? ano ang hindi mo naiintindihan?" ibinato nito sa kanya ang brown envelope na hawak nito. "Tingnan mo ang mga pinag-gagagawa mo!"

Sinulyapan niya ang mommy niya, nakatitig lang ito sa kanya. Ang kuya niya ay tila na-estatwa dahil sa mga paratang ng daddy nila. Pinulot niya ang envelope. It was her and the guy "Jake", para silang naghahalikan sa tatlong litrato na nasa envelope.

Again, her tears started to fall.

"I can explain, daddy..." mahinang sabi niya habang umiiyak.

"What-"

"Daddy! Tama na po," putol ng kuya niya sa pagsigaw uli ng daddy nila.

"Huwag kang maki-alam rito, Karlito, kung ayaw mong madamay sa galit ko! Simula ngayon, hindi mo na papansinin ang Katherine na 'yan. Naiintindihan mo?!"

Truly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon