Odyssey: Illicit Affair

54 5 0
                                    



𝐈 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐡𝐨𝐩𝐞 𝐲𝐨𝐮'𝐫𝐞 𝐥𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐞𝐱𝐭 𝐭𝐨 𝐬𝐨𝐦𝐞𝐛𝐨𝐝𝐲
𝐖𝐡𝐨 𝐤𝐧𝐨𝐰𝐬 𝐡𝐨𝐰 𝐭𝐨 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐦𝐞

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Bago ako naglakad ng dahan-dahan. Kailangan walang makakita sa'king kapatid ko. Kailangan ko ng gawin ang plano ko. Nakadaan ako sa kwarto ni Cosmos.

Ngayon ang kailangan ko na lang gawin ay dumaan sa kwarto nila Prophecy at Odyssey. Dito lang naman ang pinakamahirap na daan dahil silang dalawa lang naman ang laging bantay sarado sa'kin. Huminga ako ng malalim at pinakinggan ng mabuti ang lugar ko. Nang marinig kong tahimik na ang lahat nakahinga ako ng maluwag. Tulog na sila.

Naglakad na ako ng deretso hanggang sa makababa na ako sa sala namin. Patay na ang ilaw sa loob ng bahay maliban na lang sa poste sa tabi ng kapit bahay namin na nagsisilbing ilaw ko sa daan. Inayos ko ang bitbit kong bag bago ko dahan-dahan pinihit ang door knob pero hindi ko pa man nabubuksan ng maigi ang pintuan. Bumukas na ang ilaw sa sala.

"Saan ka pupunta?" Paktay na. Dahan-dahan naman akong lumingon sa kaniya at ngumiti. Nakita ko si Odyssey sa tapat ng switch at seryosong nakatingin sa'kin.

"Lalabas ka?" tanong niya kaya tumango naman ako.

"May gagawin la--"

"Mabuti kung ganon. Siguraduhin mo lang na h'wag ka ng babalik pa. Kapag umalis ka na." blankong tingin niya sa'kin. Bago siya naglakad paakyat sa kwarto niya. Napahinga na lang ako ng mapait. Walong na taon na ang nakakaraan pero ang galit niya sa'kin ni minsan hindi lumipas. Lalo niya lang akong kinamuhian.

"Pero mas mabuti na 'yong ganon. Para hindi na siya mahirapan. At para makalimutan na niya ang pagmamahal niya sa'kin noon."

𝐓𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐦𝐮𝐬𝐭 𝐛𝐞 𝐚 𝐠𝐨𝐨𝐝 𝐫𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐲𝐨𝐮'𝐫𝐞 𝐠𝐨𝐧𝐞
𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐧𝐨𝐰 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞𝐧 𝐈 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐲𝐨𝐮 𝐦𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐰𝐚𝐧𝐭 𝐦𝐞 𝐭𝐨

Naglalakad kami ni Voyager papunta sa classroom namin. Nang makita namin ang mga kumpulan ng mga ibang estudyante. Napataas na lang ako ng kilay. Anong ganap?

"Wag ka ng tumingin." sabi niya sa'kin. Tumingala naman ako sa kaniya para tingnan siya kung nagbibiro lang siya pero blanko lang siyang nakatingin sa'kin. Kaya ngumiti ako.

"Bakit naman?" mahinang tanong ko pero umiling lang siya sa'kin at hindi na siya nagsalita. Kaya noong maglalakad na kami papunta malapit sa kumpulan nakita ko si Odyssey na kayakap si Ianthia na pangiti na lang ako ng mapait.

"Bagay na bagay sila no?"

"Oo nga."

"Sana sila na lang forever." Rinig kong bulungan nila. Hanggang sa nakita kong nakatingin lang sa'kin si Odyssey habang dinampian niya ng mabining halik si Ianthia sa labi.

Pero tinabayan ko na lang ang loob ko kahit umuulap na ang mga mata ko pero patuloy pa rin akong naglalakad. Naramdaman kong hinila ako ni Voyager para yakapin.

"Sabi ko naman sa'yo diba h'wag ka ng lumingon kasi masasaktan ka lang." sabi ni Voyager at tumulo ang mga luhang pinipigilan ko.

Na parang naririnig ko ang boses ni Odyssey sa utak ko.

"Ito ang gusto mo 'di ba?" Oo gusto ko pero hindi ibig sabihin n'on hindi ako nasasaktan.

𝐂𝐨𝐦𝐞 𝐬𝐡𝐨𝐰 𝐮𝐩 𝐚𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐝𝐨𝐨𝐫
𝐁𝐮𝐭 𝐈'𝐦 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐭𝐨𝐨 𝐚𝐟𝐫𝐚𝐢𝐝 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐈'𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐰𝐫𝐨𝐧𝐠

Chamber Of StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon