MARCO CENTENO'S POV
"Mom?" I knocked on my parents room to talk to my mom
"Yes sweetie?"she answered and smiled very sweetly
GORGEOUS
"Kailangan ko po ba talagang umuwi doon?Andun naman si kuya Maa!"pagmamaktol ko sakanya
"Anak your kuya is alone there for years so it's time for you to be with him!"sagot niya sakin
"Mom alam niyo naman pong never kami nagkasundo ni kuya diba?He is very bossy! Daig pa nga niya ikaw at si Dad eh!"pagmamaktol ko ulit at narinig ko naman ang pag buntong hininga niya
"Okay just try to live there kahit two months lang and kapag di mo kaya bumalik ka dito tsaka andun naman mga childhood friends mo diba?Nakauwi na sila ikaw nalang ang natira dito"
"Okay two months only,okay? And if I can't live with kuya I'm going back here okay?"paglilinaw ko sa sinabi ni Mom
"Yes mister!"natatawang pagsangayon ni Mom
Kumain nalang ako ng dinner at nagimpake ng mga gamit tsaka natulog na dahil maaga pa ang flight ko bukas.
Nagising ako sa paggalaw sakin ni Mom.
"Wake up baby!Mallate ka sa flight mo"
At kahit labag sa loob ko bumangon ako at naligo na hanggang sa maihatid ako sa airport ng lutang.
"Anak be good okay?I will miss you Marcoco!"naiiyak na sabi ni Mom at hinahaplos ang muka ko at niyakap ako.
"Be safe there son,okay?"sabi sakin ni Dad at tsaka ako niyakap
Lutang akong sumakay ng eroplano at lutang ding bumaba hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng airport at sinalubong ako ng hangin ng Pilipinas.
*RINGGG*RINGGG*RINGGG*
"Hello?"inis na sagot ko sa tumatawag
"Katutungtong lang ng paa mo sa PIlipinas galit ka na agad?"si kuya
"Asan ka na ba?Ang init-init!"inis na sabi ko sakanya at nagulat nalang ako ng may biglang bumatok sakin.
"ARAY!"
"Suplado mo di ka naman gwapo."natatawang pangaasar ni kuya
"Psh!Eh mas gwapo ako sayo eh!"natatawa na ding sabi ko at nakipagbungguan ng balikat sakanya.
"Tara na tara na"aya niya at inilagay ang mga gamit ko sa sasakyan
Pagdating namin sa bahay ay agad na din akong dumiretso sa kwarto para umidlip muna.
*ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ*
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa baba kaya bumangon narin ako at dun ko lang napansin na umaga na pala.
Naligo lang ako at bumaba na tsaka dumiretso sa dining ng magulat ako na andun ang mga kababata ko!
AYOS TOH!HAHA!
"PREEEEE!"sabay sabay na sigaw nung tatlo tsaka padambang niyakap ako kaya nagtatawanan kami.
"Nako mga batang ito!Mag-ingat kayo at baka madisgrasya kayo sa pinaggagawa ninyo!"sita samin ni Nanay Melba na siyang pinaka-lider ng mga kasambahay.
"Tama na baka atakihin si nanay!"palokong sabi ni Jeff
Loka talaga haha!
"Siya magsikain na kayong mga bata kayo!"sabi ni Nanay kaya sumunod naman kami at inaya din siyang kumain ngunit tumanggi siya at mamaya na daw siya kasabay ang iba pang kasambahay.