NINYA MONTEMAYOR'S POV
Nang makapag-park siya ay agad siyang bumaba para mapagbuksan ako ng pinto.
"Thank you"nakangiting sabi ko na sinagot niya lang ng pasaglit na haplos sa baba kaya palihim akong napakagat ng labi
shet!
"Let's go?"tanong niya
"Sure"nakangiting sagot ko at inalok sakin ang braso niya kaya naman kinuha ko
Nang makapasok sa mall ay napagkakamalan kaming magkasintahan hindi ko din alam kung bakit imbis na mainis ay natutuwa at kinikilig pa ko.
Nilingon niya ko at nginitian kaya ngumiti din ako.
"Bili tayong milktea?"tanong niya kaya tinanguan ko siya
"What's yours?"
"Okinawa please"sagot ko
"One large okinawa and one large matcha please and please add more pearl"seryosong order niya kaya napakunot ang noo ko at tumingin dun sa babae na inoorderan niya.
Halata sa babaeng ito na type niya si Marco kaya siguro sumeryoso siya bigla at napasimangot naman ako at nainis.
"Ano pong percent ng sugar sir?"malanding pagpapa-cute na tanong nito
"Mine is 75%,yours?"tanong niya sabay akbay sakin kaya agad nawala ang napaka-gandang ngiti nung babae
"100% please"nakangiti ngunit nangaasar na sagot ko sa babae bahagya pa itong umirap kaya napataas ang kilay ko
"250 pesos sir"sabi nung babae kaya ng maglalabas na dapat ako ng pera ay di ito natuloy dahil naunahan na ako ni Marco at pinatatago ang pera ko kaya nginitian ko siya bilang pasasalamat
"Please wait for your order sir take a sit first"sabi nito habang nakatingin kay Marco at bumalik naman ang napaka-gandang ngiti nito
malandi!
Inaya naman ako ni Marco at pinaghila ng upuan kaya nagpasalamat ako sakanya.
"Pag ba tinanong kita kung pede kitang ligawan papayag ka?"biglang tanong nito kaya nagulat naman ako
"..."hindi ako makaimik at nakatingin lang sakanya gusto ko naman payag ako pero di ko alam kung pano sasabihin
"I'm sorry kung nabigla kita hindi ko sinasadya pasen-"
"Ofcourse."nakangiting pagputol ko sa sinabi niya
Bahagya pa siyang natigilan at di makapaniwala sa sinagot ko kaya natawa ako.
"r-Really?"tanong niya pa
"Oo nga!"natatawang sagot ko sasagot na sana siya kaso biglang dumating ang order namin kaya di niya natuloy
"k-Kahit bagong k-kakilala mo lang ako?"tanong niya ulit
"Di ko rin alam eh di naman ako ganito and to be honest ikaw lang ang nagtanong ng ganyan na pinayagan ko"nakangiting sabi ko
"Wala ng bawian ah!"masayang sabi niya na tinanguan ko nalang inaya naman niya ako na pumunta na sa national bookstore para mamili ng gamit namin
"Namessage ka na ba ng school?"tanong ko habang nagtitingin ng binder notebook
"Actually sasabihin ko yon kaso na wala sa isip ko hehe"nakangiting sagot niya
"So?Anong results?"nakangiting tanong ko
"Nakapasa ako!"masayang sabi niya kaya naman masaya din akong humarap sakanya
"That's great!Wait hanap nalang ako ng pens and few types of papers then dun na tayo sa mga kailangan mo okay?"natutuwang sabi ko sakanya