NINYA MONTEMAYOR'S POV
Kanina pa akong nakatulala habang nakatingin sa kisame masyado akong nasaktan sa mga nangyari kagabi.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganon,I mean yes may masasabi naman talaga si kuya pero di naman siguro enough yon para maganon ko siya diba?
Naganon ko pa siya sa harap ng mga kaibigan niya na kung ituring ako ay parang prinsesa na din nila.
I'm so mean!
Pero kasi-ahhhh!
*KNOCKK KNOCKK*
"Ninya iha?"si manang
"Po?"
"Kumain ka na iha tanghali na."utos ni manang
"Opo susunod na po ako."sagot ko at naligo na
Dumiretso ako sa dining at isinabay na si manang sa pagkain.
"Maagang umalis ang kuya mo."malungkot na ngiting sabi ni manang
Pasimple naman akong napalunok at pilit inalis ang reaksyon na nalulungkot sa muka ko.
"Talaga po?Bat di pa po siya kagabi umalis?"walang emosyong sagot ko sa sinabi niya na bahagya pa niyang ikinagulat.
"Iha,dapat ay hindi kayo nagkakaganyan ng kuya mo kayo na nga lamang ang nagkakasama dito eh."malungkot pading sabi ni manang
"Andito naman po kayo.Tapos na po akong kumain salamat po"pilit ang ngiting sabi ko kay manang.
Umakyat na muli ako sa kwarto at bago tuluyang pumasok ay nilingon ko muna ang kwarto ni kuya at napabuntong hininga nalamang.
Nanatili akong tulala habang asa veranda at naalala na pasukan na sa lunes at ang mga natitirang araw ko ay wala naman akong gagawin kaya pilit akong nagiisip ng pedeng gawin.
Habang nags-scroll sa instagram ay nakuha ng magandang dagat ang atensyon ko kaya agad akong napangisi at tinawagan si Mom.
"Yes dear,what can I do for you?"normal na sagot ni mom sa tawag kaya nagtataka naman ako
Hindi nila sinabi kay Mommy?
"Anak still there?"tawag niya ulit sakin
"y-Yes mom!I would like to have fun for the last days of my vacation mom."sagot ko sakanya
"And?"tanong niya ulit
"Pwede po ba akong pumunta sa isa sa mga nag-gagandahang isla dito mom?"nagaalinlangan pang paalam ko
"Where?"tanong niya ulit
"Palawan.Coron Palawan mom,can I?"
"Okay then.I'll book you a hotel."sagot niya kaya naman napangiti ako
"Thanks mom!You're the best!"masayang sabi ko sakanya
"You going there alone?"biglang tanong niya kaya naman napaisip ako
"No mom,I'm going with my friends"
"Clarisse and Ella?"tanong niya ulit
"Yes mom and four others."nakangiting sagot ko ulit sakanya
"Oh?Sounds interesting."natatawang sabi niya kaya natawa nalang din ako "Okay!I'll get you seven tickets and a big suite okay?"
"Yes mom!I love you,take care okay?"paalam ko sakanya
"I love you too anak,ipagpapaalam ko na din sina Clarisse at Ella sa parents nila para wala na kayong problema okay?"
"Okay mom!Bye!"paalam ko muli tsaka binaba ang tawag.