Unang araw ngayon ng pasok sa school kaya gumising ako ng 5:00 am dahil 6:00 am ay start na ng klase. Pero alam ko naman na hindi agad mag-uumpisa ang klase dahil first day pa lang naman. Pero excited na akong pumasok at makilala kung sino na ang nga bago kong kaklase. Kailangan kong agahan dahil hahanapin ko pa kung saan ang room ko at kung anong schedule ko.
"Oh aga mo naman nagising anak" habang nakataas ang isang kilay ni mama" e first day palang naman at wala pang klase magpapakilala pa lang naman kayo".
"Eto naman si mama excited lang naman ako e" habang kumakain na.
"Oh sige na maghanda ka na at gigisingin ko na rin ang mga kapatid mo" at naglakad na si mama papasok ng kwarto.
Pagkatapos ko kumain at agad na akong naligo upang makapaghanda na ako sa pagpasok. Nakahanda na ang aking uniform pagtapos kong maligo dahil inayos at pinalantsya na ito ni mama kaya hindi na ako nahirapan.
"Sandali lang ate sabay na tayo" sabi ng kapatid kong si eric habang nagsasapatos.
"Sige bilisan mo dyan matatapos na ako dito ayokong ma-late" sabi ko habang inaayos ang aking buhok.
Pinakaayaw ko talaga sa sarili ko na nahuhuli ako sa tamang oras. Kung ang ibang tao ay sanay na. Ako hindi, dahil pinapahalagahan ko talaga ang tamang oras.
Apat kaming magkakapatid at pangalawa ako may ate ako kaso college na kaya wala pa syang pasok at tulog pa dahil sa susunod pa ang pasok nila. Habang ako naman ay grade 10. Si eric naman ay grade 7. Habang si Sarah naman ay grade 2.
Nang natapos na si eric ay agad na kaming nagpaalam kay mama at papa upang umalis na. Sumakay na kaming tricycle at habang papuntang school ay nakatingin ako sa labas at nakangiti dahil sobrang excited na talaga ako. Oa hahaha
Nauna na agad ako kay eric papasok sa school nang pagkadating namin. Nilakad ko pa ang isang mahabang daan bago makapunta sa gate ng school dahil super oa ng school super haba ng lalakaran bago makapunta sa gate. Ang dating kulay asul na gate ngayon ay kulay berde na. Halatang bagong pintura rin ang naka-lettering sa taas ng gate na ang nakasulat ay SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL.
Maraming mga estudyante na ang mga naglalakad at pinagmamasdan ko rin ang paligid at marami ring naghahanap ng kani-kanilang mga classroom. May mga janitor naman na naglilinis dahil sa mga dahon na nalalaglag mula sa puno.
Yung kaninang excitement na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba.
Maraming pumasok sa isip ko pero may isang sumagi sa isip ko na sana ay hindi ko na sya makita dito. Agad ko itong inalis sa isipan ko.
At habang naglalakad ako bigla akong natalisod doon sa may bato. Tinignan ko kung may nakakita at agad napunta ang tingin ko sa may lalaki doon sa may bench at agad kong inalis ang tingin ko doon.
"Ang tanga mo min" sabi ko sa sarili ko at agad naglakad palayo doon. Sobrang kaba ang naramdaman ko kasasabi ko lang na sana huwag ko syang makita tapos biglang nakita ko. Grabe sinusubok talaga ako nitong mundo.
Agad akong pumunta sa mga room na maaaring maging classroom ko. Kaya nawala na isip ko yung nangyari kanina.
At nung nakita kona ang pangalan ko sa list ay tuwang-tuwa ako dahil may nakita akong magiging kaklase ko na naging kaklase kona dati pa. Ang masaya pa ay mga best friends ko iyon since grade 8 sina Angel at Mika. Si Angel ay 17 habang si Mika naman at ako ay parehong 16. Si Angel ang pinakamaputi sa amin habang kami naman ni Mika ay proudly morena kaso lang mas matingkad ako sa kanya dahil noong bakasyon doon siya namalagi sa kanilang probinsya sa Ilocos kaya ganon nalang ang kulay nya dahil na rin siguro sa pagbibilad niya sa araw doon.