Chapter 2

51 0 0
                                    

"Okay class be ready for quiz tommorow I expect that.. Montez ano? Nag-lesson na kami lahat lahat tapos ikaw ito kagigising lang" galit na galit na sabi ni Mrs, Moreno"

Napahikab pa si James bago sumagot "sorry ma'am"

"Wala pang 2 weeks ang klase nyo pinapakita mo na agad ang ugali mo!" sabay labas ni Mrs, Moreno sa room.

"Lagot ka" sabay batok ni Kim kay James habang tumatawa.

"Yaan mo yun" tumatawa ring sagot ni James.

Ano ba itong lalaking ito hahaha nag aadik siguro ito tuwing gabi kaya napupuyat char.

Ang judgemental mo naman self.

"Hoy ano iniisip mo dyan?"

"Ay potakte" nagulat ako sa bulong ni Angel.

Minsan talaga sarap nilang pag-untugin ni Mika e,bigla-bigla na lang nangugulat char labyu guys.

"Wala bwiset ka dyan sa susunod wag ka naman manggugulat"

"Oa te! Talagang malalim lang iniisip mo bakit miss mona si Raymond?noh?" Panglalait ni Angel.

"Ayieee"

At ayan na nga po pinagtulungan na nila akong dalawa.

"Hay naku banyo muna ako baka mairita lang ako rito" sabay tayo ko at naglakad na habang ang dalawa ay tuwang-tuwang binabadtrip ako.

Bwiset kasi minsan itong sarili ko ang daling mairita pinaglihi ata ako sa sama ng loob.

"Ay potakte" muntik na akong matalisod sa bato na nakaharang buti nalang nahawakan ako ng lalaki.

Pagtingin ko sa lalaki agad akong lumayo at tumakbo papuntang cr.

Napasapo ako sa ulo ko at sobrang kabog ng dibdib ko. Sobrang hindi ako makapag-isip ng tama at pinapanalangin kong panaginip na lang ang nangyari. Sobrang tanga ko bakit ba kasi nandun ang batong iyon.

Malas naman oh bakit ba ako napunta sa sitwasyon na yun hay nako self.

Omg nakalimutan ko magpasalamat sa kanya huhuhu ang tanga tanga mo talaga self.

Pagkatapos ko mag banyo bumalik na ako agad sa classroom at nagulat ako kasi may teacher na. Omg ang malas talaga huhu.

" Sorry ma'am I'm late" nakayukong sabi ko sa pinto.

"Why are you late Ms,Mendrez?" Tumaas ang kanyang kilay.

"Ahm..Ahm nag banyo lang po"

"Take your seat. I will remind you class na kapag nakatatlong late kayo sa klase ko ido-drop ko na kayo, naiintidihan nyo ba?

"Yes ma'am" sagot ng lahat.

Bwiset talaga paano ko ba mapapasalamatan yun arrgh.

Biglang nahagip ng mga mata ko si James na nangiti- ngiti habang nakatingin sa teacher.

Himala hindi sya tulog ngayon. Baka isipin nya masama ugali ko hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya kanina.

Hays bwiset naman sana matapos na itong araw na ito.

Nagulat nalang ako bigla syang tumingin sa akin.

"Anak ng palaka".

Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba ako kinakabahan calm down self si tulugin lang yan.

"Ano?" Tanong ni Angel na nakakunot ang noo.

"Sinasabi mo dyan Jasmine?" Si Mika.

"Wala chismosa kayo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ILLEGAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon