CHAPTER 6: The past and the Pest

9 6 4
                                    

"Kill him Psyr" Mariing utos ng isang babae habang pilit pinapahawak sa akin ang isang matalim na kutsilyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kill him Psyr" Mariing utos ng isang babae habang pilit pinapahawak sa akin ang isang matalim na kutsilyo.

Umiling iling ako at umiiyak.

"No! Ayoko!" Sigaw ko habang pilit sinasalag ang kamay nyang may hawak ng kutsilyo.

I don't want to kill someone.

I don't wanna be like her.

I don't wanna be a murderer.

Nagalit sya kaya hinawakan nya ng mariin ang magkabila kong braso. Ramdam ko ang sakit sa aking braso dahil sa mga matutulis nyang kuko na bumabaon sa maliit at payat kong mga braso. Wala akong kalaban laban sa kanya dahil walong taong gulang pa lamang ako at hindi ko sya kayang saktan kahit na ganito ang ginagawa nya sa akin.

I can't hurt her.

I can't hurt my mom.

"Kill him Psyr! Or else i'll kill your father! You choose!" Sigaw nino.

Nakakatakot ang boses nya at ang mas nagpakaba sa akin ay ang sinabi nya. Alam kong tototohanin nya ang mga banta nya kaya hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

I looked up to her.

Nakita ko na naman ang mga mata nyang walang kabuhay buhay. Ang dating napakaganda nyang mukha ay tila unti unting naglalaho. Napakapayat nya na at napakaputla. Kung hindi ko lamang sya kilala ay malamang mapapagkamalan ko na syang multo dahil na din sa buhok nyang itim na napakahaba maging ang ilalim ng kanyang mga mata, at sa bistida nyang ngayon ay nagiging pula na dahil sa dugo ng lalaking nakahadusay sa lapag at putol ang isang binti. Ang palahaw nito ang maririnig mo sa buong silid ng abandonadong building. Humihingi ito ng tulong at sumidigaw sa sakit.

Hello, Psycho (ON- GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon