"Yah! G-dragon oppa!~ Nahuhulog na ako sa iyo!!!" Patuloy sa pagtilian ang mga babae sa isang table malapit sa aking harapan.
Nasa isang karinderya ako na nagbabasa ng payapa ng isang libro tungkol sa agham ng biglang tumili ng pagkalakas lakas ang mga babaeng nasa kabilang table.
Ano ba naman yan. Nagbabasa ang tao eh. Nangbubulabog. Binaling ko na ulit atensyon ko sa libro.
"Hello Drin." sabi ng kaibigan kong kakarating lang. Siya si Drake Collins galing sa isang mayaman na pamilya ng mga Collins.
Tumango lang ako habang nakatutok sa binabasa ko... ako naman si Samantha Aldrinne Borja. Isang simpleng tao lang. May kaya naman kami pero mas mayaman talaga sila Drake so sa pamilya niya at pamilya ko, kami ang mas mababa ang ranggo ng kayamanan. 'lower level species' kumbaga.
Nabigla ako ng hinablot ni Drake ang libro ko at binasa ang title.
"Ano ba to? Ang weird ng title." tinutukan ako ng panandalian ni Drake saka binigay ulit ang libro ko.
Naweweirduhan na ba siya sa akin? Ngayon na ba siya magsasawa? Para sabihin ko sa inyo, mula noong grade 6 pa kami ay hindi na kami mapapaghiwalay. Kahit ganito ako at ganyan siya hindi pa rin kami nagkahiwalay.
Napangiti ako ng palihim ng maalala ko ang eksena kung paano kami nagkakilala ni Mitch. Nadapa kasi ako noon pag grade 6 kaya hindi ko nakaya ang kahihiyan at hindi ako sanay sa attension kaya nag absent ako ng ilang araw. Ang 'OA' ko nga daw sabi ng iba, at may nambully pa sa akin. Nakita niya akong umiiyak sa ilalim ng Japanese Building. May parang basement kasi dun. He comforted me and that was the start of our friendship.
"Drin~ bili tayo ng ice cream *pout*"
Sinapak ko naman ng mahina yung mukha niya. Nakakatawa kasi. tumango lang ako saka kami umalis sa karonderya at tumungo sa isang ice cream shop.
--
A/N: Short chapterDrake ( Aron of NU'EST ) in the multimedia <3 gwapo :3
VOTE , COMMENT , and SHARE~
