CHAPTER 92

2K 54 6
                                    

DRAKE'S POV

Nakita kong bumukas ang pinto kaya agad akong napatayo ng si Xylien ito, lumapit ako sa kanya.

"San ka galing love? Love Pinag alala mo ko" alala kong tanong pero niisang sagot ay wala akong nakuha galing sa kanya. "Answer me please what happen to you?" Giit kong tanong ng wala talaga siyang balak sagutin ako. Nabuhayan ako ng loob ng ibuka niya ang kaniyang bibig.

"Before I answer that, answer me first. same question What happen to you?" Nanlamig ako sa aking kinatatayuan ng marinig yung ibinalik niya sa akin ang aking tanong.

Napaghalataan na ba niya? Mas lalong bumigat ang aking pakiramdam ng makita ang butil ng luha ang dumaloy galing sa kaniyang mata.

Di ko mawari o mabasa man lang ang lungkot na aking nakikita saking asawa hinawakan ko ang kaniyang kamay at pilit na pinakalma.

"Love?" Pinahid ko ang luha niya gamit ang aking hinlalaki tsaka ko siya hinila palapit sakin at niyakap. Damn Drake you're Idiot! Asshole! Bullsh*t husband to make your wife cried. Narinig ko na ang mga hikbing kumawala sa kanya, kaya hinagod ko ang likod niya.

"Why!?...... Why?.......Why?" Mahina niyang sabi habang humihikbi di ko maiwasang makonsensya dahil sa aking ginawa. Sumikip ang aking dibdib niyakap ko nalang siya ng mahigpit dahil wala ding ibang salitang kumawala sa aking labi kundi sorry lang. Because I hurt her. I'm stupid.

"Can we talk?" After a long minutes she began to speak up again, I looked at her then nodded. Tumatahan na din siya at kumawala ang kaniyang sunod sunod na buntong hininga. I held her hand at hinila sa kama nagpahila naman siya, umupo siya dun at ganun din ang ginawa ko. Lumingon siya sakin kaya napayuko ako.

"Now, answer your question earlier" matapang niyang sabi pero kitang kita ko pa din ang sakit sa mga mata niya, napalunok ako ng paulit ulit bago sinalubong ang kaniyang tingin.

"I'm sorry" yan lang ang aking nasagot at Alam kong naguguluhan siya dun, dahil sa kaniyang postura ngayon na nakakunot ang noo.

"Explain, What was that sorry for?" Garagal na ang kaniyang boses at alam kong anytime iiyak na naman siya ulit.

"Lov--?"

"Bakit kailangan mo pang ipakilala si kimmy kay Zyl at pinakitaan niyo pa siya kung gaano kayo ka sweet?!" Putol niya sa aking sasabihin na may gigil na tono, napayuko akong muli at nanlalamig dahil sobrang kinakabahan nako.
" Now! Give me your valid reason!"

"Mali yang iniisip---" I tried na takpan ang mga nalalaman niya.

"Asan ang mali dun ha?! Kani-kanina lang ay narinig ko kayong nag-uusap!!" Muli niyang pinutol ang aking sasabihin, napakagat nalang ako sa aking labi dahil tama siya, nag uusap kami ni kimmy kanina lang. "Ngayon mo s-sabihing mali a-ako!" Biglang nagsi-unahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha, kaya nagpanic ako.

" I d-did everything b-but it's never been e-enough" hagulhol niya, walang ibang lumabas sa aking bibig kundi sorry lang. Yayakapin ko sana siya ng magsalita siya. " D-Don't you d-dare touch m-me Drake" sumikip ang aking dibdib dahil sa tigas ng pagtawag niya saking pangalan.
"A-Am I not e-enough?" Sa tanong na yun ay tumayo siya at lumapit sa crib ng aming kambal, nakikita ko siya na tumutulo ang kaniyang luha Habang nilalaro si Zarnaih dahil tulog si Drexylle.
Lalapitan ko na sana siya pero pinigilan niya ako.

" W-Wag muna n-ngayon!" Pakiusap niya habang umiiyak at nakahawak sa kamay ni Zarnaih. Gusto ko siyang yakapin gusto kong magpaliwanag, umupo akong muli sa kama at sinabunutan ang aking sarili, unti unti na ding tumutulo ang luha saking mata ng makitang nilalaro ni Xylien si Zarnaih habang patuloy sa pagtulo ang kaniyang luha. Wala akong magawa  kundi sundin ang pakiusap niya kilalang kilala ko yan eh sa oras na nakiusap siya dapat sundin mo dahil may mangyayaring di maganda kapag sumuway ka pa. Napaluhod siya sa harap ng crib habang umiiyak at nilalaro si Zarnaih parang dinudurog ang aking puso sa aking nakikita, pumasok ako sa banyo.

Adopting The Billionaire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon