-CHAPTER 6--WEEKEND-
«RAINIER»
Kararating lang namin dito sa Cebu sakay ng barko. Akbay ko ngayon ang baliw na tu sapagkat kanina pa siyang suka ng suka sa barko.
"Okay ka na?" I asked nang dahan-dahan siyang bumitiw sa pag-aakbay sa aking balikat.
"Y-yaaah! Hindi kasi ako sanay sumakay ng barko. Talagang nahihilo ako sa mga ganyan haha!" She quickly responded with a wide smile printed on her face.
Mas lalo pa siyang napangiti nang makita ang paligid. Tumakbo-takbo pa ang baliw sabay halik sa sahig. Para siyang tanga kaya lahat ng tao ay tinignan siya.
Parang gusto ko lamunin ako ng lupa sapagkat ako ang nahihiya sa kabaliwan niya. Kung pwede lang ipagsabi sa lahat na hindi ko kasama ang babaeng tu! Nakakahiya ang baliw!
"Waaaah myghaaad! Nasa Cebu na tayo Ulan!!! WAAAAH!" Malakas niyang sigaw at napahimas nalang ako sa aking noo. Ngumiti lang siya ng nakakaloko sa akin saka niya hinawakan ang kamay ko.
My heart skipped a beat when I felt her soft hands touched mine...
"Kain na tayo! Gutom na ako!" She said at hinayaan ko nalang siyang kaladkarin niya ako palayo. Kung saan-saan kami napadpad hangang sa wala nalang kaming choice kundi ang kumain sa isang karinderya.
Ewan ko kung bakit dito niya pa ako dinala eh may McDonalds at Jollibee naman doon sa mall malapit dito. Kung ano-ano lang ang inorder niya, most of these foods are new to my eyes. Some of them are foods that I saw online but I haven't tasted yet.
"Kain ka na Ulan! Heto letchon oh!" Ilang beses ko nang natikman ang baboy letchon everytime na may big events kaming dinadaluhan ng pamilya ko when I was a kid.
Pero matagal-tagal na iyon at mukhang makakatikim na ako ulit ng letchon nito.
Dahan-dahan kong kinagat ang balat ng letchon at napalaki naman mata ko sa sarap at lutong nito. Mmm...that was damn good.
"Makshawap dwiba!" Sabat niya kahit punong-puno na ng pagkain yung bunganga niya. May dumi rin sa paligid ng kanyang labi dahil sa dinuguan na kinakain niya.
Mabilis kong kinuha ang panyong dala ko na nasa bulsa ng aking polo saka ko dahan-dahang pinunasan ang kanyang labi.
"Ang dumi-dumi mo...ayokong makisama sa maduming baliw na pulubi." Biro ko sa kanya at napasimangot naman siya sa akin.
Matapos naming kumain ay pinasyal muna namin ang Cebu. Kahit saan kami nagpunta.
"Picture tayo dito Ulan!!! Biliiiis!" Kaladkad ni Cheena sa akin saka niya kinuha ang cellphone niya na nasa bulsa niya.
"Uh...nope. I don't like taking pictures." Tanggi ko sa kanya ngunit sadyang napakamapilit ng babaeng tu.
"Sigeee naaaa pleaaase!" Pamimilit niya at wala na akong magawa kundi ang pumayag nalang sa kagustuhan niya.
"Yeeey! Dito tayo! Smile ka Ulan!!!" Utos niya and I tried to smile to the camera.
"Ulit! Dapat smile ka Ulan!" Ani niya at muli naman kaming ngumiti sa camera.
Ang lapit namin sa isa't-isa...
Di ko mapigilang kabahan...ewan ko ba kung bakit ganito ang aking nararamdaman.
Matapos naming magpicture-picture ay bigla na naman niya akong kinaladkad papalapit sa isang matandang manlilimos. Kanina pa ito kumakanta ngunit wala ni isang tao ang nagtangkang bigyan siya kahit piso man lang.
YOU ARE READING
What's The Feeling of 'THAT'
Teen FictionWhat is living means to you... What would you do if you only have few days to live... Would you cry? Would you try to do something that you really wanted to try? Would you do anything? Or would you try knowing What's The Feeling of 'That'?