Night Two: Unfortunate Cat (Reaper?)

40 1 0
                                    

Night Two: Unfortunate Cat (Reaper?)


November 2018


"Anong bilin ko sayo? Huwag kang lalabas ng hindi nagpapaalam diba? Eh, paano kung may nangyaring masama sayo?"

"Paano kung wala?" walang gana kong saad. "Look. I'm fine, okay."

"Siguraduhin mong hindi na ito mauulit pa. Naiintindihan mo ba ako Zav?"

"Fine, I'm sorry." humingi ako ng paumanhin sa kay Nurse Cha nang di na kinaya ng konsensya ko.

"I'll leave you here. Next time, let us know." I nodded at her before she left my room.

Tumingin ako sa kalendaryo... Today is Friday. Yes! Wala akong pasok bukas. Malapit nang mag alas nuebe at oras na para gawin ang plano ko!

I changed to my black leggings and fitted sweater then wore my usual hoody and a pair of shoes. Pinusod ko ang aking buhok ng pa ponytail.

I face palmed.

Muntik ko ng makalimutan na dalhin ang oxygen supplier tank ko. As much as I don't want to carry this thing along with me everyday, I needed it to survive. Ang mga katulad ko ay nangangailangan ng oxygen therapy sa loob ng 24 hours araw-araw, ayoko pang mamatay kung susuway ako.

I wear my mask and glance at the mirror, I'm  now good to go. I turned on my lamp and locked the door so the nurses won't noticed that I have left my room.

Tahimik na ang bawat pasilyo ng Ospital, ilan na rin sa mga ilaw dito ay naka-off na. Di tulad sa mga nakaraang araw, kaunti lamang ang mga nightshift nurses at Doktor ngayong gabi dahil patapos na ang weekdays.

I took it as an advantage to sneak out the Hopsital. My room is on the the second floor, that means I have to pass through several nurse's station. Mabuti na lamang at kaunti lang ang mga napapadaang nurse o Doktor kaya mas mapapadali ang pag baba ko mula dito sa second floor.

Napagdesisyunan kong sa hagdan nalang dumaan kaysa gumamit ng elevator dahil sa may mga naka install na cctv dito. It's better to be safe than never. Maingat akong humahakbang sa bawat steps ng hagdan upang di ako makagawa ng anumang ingay.

I silently squealed in victory when I reached the ground floor. Walang mga napapadaang tao dito at tanging mga gwardya lang sa labas ang nasisilayan ko. Tinahak ko ang pinakadulong pasilyo sa may right wing patungong Fire Exit.

Lakad-takbo ang ginawa ko nang makarinig ng mga yabag mula sa kabilang dulo ng pasilyo. Thankfully it's not locked. I carefully opened the Fire Exit's door. Di na ako nagtagal pa sa perimeters ng Ospital at nagsimula nang maglakad lakad.

When I was a little kid, I always dreamnt of exploring the whole world. Being able to go to new places and another, having endless vacations in various islands, waiting for autumn to arrive and even celebrating holidays during winter. Who wouldn't want that kind of life right?

But life reprimanded me to do things like that. I would if I could. Maybe it's better to be contended of what you already have in life... but why I can't even appreciate every single thing that I have right now? Why I can't even see my freakin' worth? Dapat nga ay maging masaya ako dahil kahit papaano ay buhay pa rin ako.

I can't expect anything at all because I'm dying—that's the fact.

Saglit akong huminto nang makarinig ng mga kaluskos. Hindi naman ata nagmumula sa mabangis na hayop ang mga kaluskos at mukhang nasa malapit lang ito. Humakbang pa ako ng humakbang hanggang sa may nakita akong basurahan na katabi ng isang bench. I got curious kaya nilapitan ko agad ito. Sobrang nagulat ako nang biglang may kumakalampag mula sa loob ng basurahan.

Nights at CityscapeWhere stories live. Discover now