Night One: Almost befall
September 2016
"Wala ng bawian ha, mananalo na ako oh!" masiglang sambit ni Kuya sabay halakhak. Hinablot ko sa kanya ang remote at in-off ang TV.
"Napaka kontrabida mo talaga, palibhasa laos na iyong pambato mo!" asik niya na nanlilisik ang mga mata. Napairap lamang ako.
"Give that to me!" iwinagayway ko pataas ang aking kamay. He tickled me harshly on my waist hanggang sa nabitawan ko ang remote na ngayo'y hawak na niya.
"Whatever," I murmured.
Tumayo na ako at umalis papuntang kusina para tulungan si mama sa hapunan. To be honest, I'm not a good daughter. I just don't want my mom to be the fuming-mad-momma of all time, nakakasagabal iyon sa mga kapitbahay.
The last time I checked, our roof was almost wrecked dahil sa kakabato ng mga kapitbahay kapag nagagalit siya. My mom kinda can't control herself.
"Ano na naman ba pinagpupustahan niyo ni Zed?" panimula niya.
"Ako na dito ma."
"Naku ha, kayong dalawa ng kuya mo tigil tigilan niyo na yang pagpupustahan." hindi ko siya sinagot at marahang kinuha sa kamay niya ang sandok.
Tumaas ang isa kong kilay nang marinig ang kaniyang buntong hininga. Napalingon ako sa kaniya habang naglalagay ng seasoning sa niluluto.
"Iniisip ko tuloy na nasasayang lang lahat ng allowance na binibigay ko sa inyo."
"Ma, relax. Sa amin lang namang dalawa umiikot ang pera." I playfully winked at her.
"Kahit na. Ang pera pinapahalagahan yan, hindi ipinaglalaro lang!"
"Ma shhh!" sabay naming saway ni kuya na siyang nanonood na ulit ng TV.
Tumaas na naman ang boses ni mama at sa pagkakataong magambala na naman ang mga kapitbahay paniguradong malalagot kami. Umaktong ni-zipper niya ang kanyang bibig. Napatawa ako sa ginawa niya, hindi niya rin naman siguro gugustuhin na i reklamo siya.
"Ma naman. Kapag nagagalit ka para kayong may pinaghuhugutan, kaya siguro nagsasawa na ang mga kapitbahay sa inyo."
"Walang hiya kang bata ka. Kayo ng kuya mo ang may kasalanan kung bakit sawang-sawa na sila." kumuha ako ng kutsara at isinandok sa niluluto kong curry upang matikman niya.
"Masungit lang po talaga kayo," sabat ko sabay subo sa kaniya ng kutsara.
"So, how was it?" I asked her.
"Hmm, kulang sa lasa." napasimangot ako. Inagaw na niya pabalik ang sandok at itinaboy ako palabas ng kusina.
My mom's really something. For me she is everything, that's what makes her unique than other moms. Her vibes always suits with her children and she can both be strict and weird at the same time. Ipinagtataka ko lang, bakit kami iniwan ni Papa bago pa man ako dumating sa mundo gayong may napaka-cool naman siyang pamilya.
"Zav, bilis! Panoorin mo to. Gagawin na naman ni idol ang stunts niya!"
Isa pa 'tong kapatid ko, halos pakasalan na niya ang TV kakapanood sa idol niyang walang alam kundi lamang magpasikat. Nakahalukipkip akong tumabi sa kaniya sa sofa. Tingnan natin kung saan aabot yang kayabangan ng idol mo.
"Paniguradong hindi niya pa rin malalagpasan si Nigel." I can't lose this bet this time. I somehow regret doing this with my brother but I'm pretty confident na mananalo si Nigel sa karerang ito at mananalo din ako.
YOU ARE READING
Nights at Cityscape
Short Story"The only truly reliable narrator is life itself. But life itself is also a completely unreliable narrator because it is constantly misdirecting and misleading us and taking us on this journey where it is literally impossible to predict, where it's...