S/N: Masayang-masaya po ako dahil may nagbabasa nito, nakakakilig yung 10 votes dun sa first chapter, kahit nga dalawa lang eh solve na. Haha. Basta alam kong may nagbabasa.^^ Oh kaaaay, tama na ang drama! Haha. Sana ma-enjoy niyo ang chapter 2! ^__^
Kasalukuyang nakatulala ako sa loob ng classroom with all my students in mad chaos. Gusto kong isuksok sa utak ko lahat-lahat ng mga sinabi ni Mr. Kwon pero hindi ko talaga magawa. Gusto kong malaman kung bakit. Bakit ako? Sa dinami-dami ng guro sa buong mundo, bakit kailangan pang maging ako?
"Teacher! Teacher! Di ka ba magte-teach samin?" biglang pagtatanong ng student kong si Chorong. Ang cute-cute ng batang 'to, sarap isilid sa bulsa ko't dalhin pauwi.
Sinubukan kong ibalik ang diwa ko sa sarili ko at nginitian si Chorong, "A-ahm... Yes, baby. Magtuturo na si Teacher sa inyo."
Tumayo ako at pinatahimik na sila, umupo na naman sila sa assigned seats nila. Tahimik lang talaga silang lahat at nakatitig lang sakin na para bang naghihintay na magsalita ako.
Weird. Hindi naman sila ganito ah, they never stop making noises besides when it's their sleeping time. Nakakapagtaka talaga.
"Ahm..." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila dahil in shock pa rin ako.
"Teacher Sandy! Totoo ba?" pagbasag ng katahimikan ni Jackson.
"Ang alin, Jack?" pagtataka ko.
"Iiwanan mo na daw kami, Teacher. Totoo ba?" naiiyak niyang tanong.
Lalo pa akong nagulat dahil sa sinabi ni Jackson. Paano niya nalaman yun?
"Teacher Sandy! Wag niyo kaming iwan! Love mo kami diba?" sabi naman ni EunJi sa kalagitnaan ng paghahagulgol niya.
Lahat sila umiiyak, lahat sila... pinipigilan akong umalis. Kumirot bigla ang puso ko, makita nga lang sila umiiyak ay naaawa na ako. Pano pa kaya kung umiiyak sila dahil sakin? Nakakaiyak, nakakaiyak silang tignan. Para silang iiwanan ng mga magulang nila.
"Teacheeeeer! Waaaaah! Wag ka nang umalis!"
"Teacher Sanddyyy! Hindi na ako magtho-throw ng things basta wag ka lang umalis! Please pooo?"
"Teacher! Teacher! Promise ko po sa inyo, hindi na ako kakain ng glue!"
Anong gagawin ko? Oo, I didn't want to stay at this job but seeing my students like this makes me so guilty and too afraid to leave them. Ugh. Naaalala ko na naman ang nangyari kahapon.
Sudden Flashback...
I'm in the middle of processing my brain, trying to understand what Mr. Kwon just said earlier.
"Ms. Sparks."
Teach who? Those wild teenagers that I saw jumping all around the room, acting all weird and stuff? Seryoso ba talaga siya? I'll teach those insane beings? Anong ituturo ko sa kanila? Tuturuan ko silang maging normal na tao, ganun? Imposible naman ata yan.
"Ahm, Ms. Sparks? Are you listening to me?"
I mean, kung ikaw... makakita ka ng mga kalalakihang mukhang takas sa mental, magagawa mo pa bang pagkatiwalaan ang mga yun? Not really, right? Para silang mga wild animals na nakawala sa zoo! How on earth will I be capable of teaching them?
"Ms. Sparks. Hey. Okay ka lang?"
Bumalik ang diwa ko sa katawang lupa ko dahil sa pagyugyog ni Mr. Kwon sakin. He's holding both of my shoulders while shaking me so that's why it got my attention.
"H-ha?"
Natawa naman siya dahil sa reaksyon ko, "Haha. Alam kong masyadong magulo ang mga sinasabi ko. But trust me, it's much better if you'll take the job."
Nagkasalubong ang mga kilay ko, "How can you be so sure that it's much better if I'll teach those people, Mr. Kwon? They act like they have mental deficiencies, honestly."
He laughed even more, "Hahaha. I know. But seriously, I suggest you take the job."
Pinanliitan ko siya ng mata, "Why should I?"
He smiled, that smile made me nervous. "Your monthly salary will be 500,000 pesos, Ms. Sparks."
End of Flashback
Magagawa ko nang makapagpagawa ng mas maganda bahay para kina Mama at Papa, kung hindi man bahay, I can make them live in a condominium or something. Magiging maganda ang buhay ng pamilya ko kung pipiliin ko ang trabahong sinasabi ni Mr. Kwon but how? How can I just leave my students like that? Oo, sinabi kong bwisit na bwisit na ako sa kakulitan nila but I never hated them.
Hindi naman sa mukha akong pera pero gusto ko lang talagang maging maayos na ang buhay ng mga magulang at kapatid ko. Now that I have the chance... hindi ko alam kung makakaya ko pang tanggapin yun.
**~**
Nang matapos na ang pag-check sa mga exams at paggawa ko ng lesson plan ay naisipan ko nang umuwi. 4 o'clock na naman ng hapon, uuwi na ako. Inaayos ko na ang mga gamit ko't ni-lock na ang pinto nang makalabas na ako.
Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng school nang biglang mahagip ng paningin ko ang nangyayari dun sa playground.
Seven teenage boys, acting like five year olds. May isang nakaupo sa swing, may nagtutulak sa swing, may nage-enjoy sa slide, may nakahiga sa damuhan, may dalawang nagbabatuhan ng maliliit na bato at may tulog dun sa malaking sand box or whatever you call that.
Dear, Lord... yan ba talaga ang tuturuan ko kung sakaling tanggapin ko ang trabahong yun?
Who will I choose? My students or these awful creatures?
**~**
S/N: Kayo nang bahala mag-imagine kung sino si ganyan at sino si ganito dun sa playground. Hahaha. Sana nagustuhan niyo! I'll try to update soon! I'll try. Huhuhu.
GOD BLESS.
DoubleADR~
BINABASA MO ANG
I'm Their Teacher?!(BTS FAN FIC.)
FanfictionI'll be teaching seven idiots. fun right? -____- WARNING: Do not expect so much. Cliché. Cliché. Cliché.