iii. decision

376 30 4
                                    

Kasalukuyang naglalaro ng basketball ang Bangtan Sonyeondan...

"Oy! Ipasa mo dito!" sigaw ni J-hope kay Jimin na nahihirapan dahil nakaharang sa kanya si Jungkook.

"Ayoko, hyung! Hindi ka naman marunong mag-shoot eh!" sabi naman ni Jimin kay J-hope habang patuloy paring sinusubukang makawala kay Jungkook.

"Pasa mo sakin! Sakin! Dali!" sigaw naman ni V kay Jimin na kanina pa kumakaway sa kanya.

"Ulol! Sa kabilang ring mo naman shinu-shoot eh! Mga walang kwenta kayong ka-grupo!" reklamo ni Jimin.

"Aba! Kasalanan ko bang gwapo ako?!"

"Ano?! Anong konek nun V? Engot mo--U-uy! Uy! Yung bola!" 

At dahil nalibang na si Jimin sa pakikipagtalo kay V ay naagaw na ni Jungkook ang bola. 

"Engot pala ah! Ikaw ang engot! Hinayaan mong makuha ni Kookie!" pang-aasar ni V kay Jimin.

"T-teka... Suga hyung! Anong ginagawa mo dyan?!" gulat na gulat na tanong ni Jungkook kay Suga.

"Malamang nakaupo. Di ba halata?" sarkastikong sagot ni Suga na kampanteng nakaupo sa basketball ring.

"Anak ng gluta, Yoongi! Anong pumasok sa kokote mo't umakyat ka diyan?" pagtatanong ni Jin habang nagkakamot ng ulo niya.

"Uyyyy. Mukhang masaya yan ah! Suga hyung! Gusto ko rin umupo jan!" natutuwang sinabi ni V.

Binatukan naman ni J-hope si V, "Ako muna, bago ka!"

"Ha?! Akong nauna magsabi, hyung! Unfair!" 

"Walang una-una, J-horse rides first! Ako muna! Bleh! :P"

"Oy. Oy. Maknae muna noh?" pagsingit naman ni Jungkook sa pagtatalo nina V at J-Hope.

"Ha?! Height muna! Ako pinamababa satin kaya ako mauuna! Diba Suga hyung?" sabi naman ni Jimin habang nagpu-puppy eyes sa Suga hyung niya.

"Haaay. Mga baliw, bibili na lang ako ng cotton candy sa kanto. Hoy, Rap Mon! Samahan mo nga ako bumili ng cotton candy! Itigil mo yang pagkru-krumping mo!"

At dahil naka-earphone si Rap Mon at max volume pa yung tugtog ay hindi niya narinig ang sinabi ni Jin.

Nainis naman si Jin kaya tinanggal niya yung isa niyang suot-suot na sapatos at binato kay Rap Mon, natamaan naman ito sa likod.

Galit na lumingon si Rap Mon kay Jin, "Problema mo?!"

"Hoy! Hyung mo ko! Wag mo kong i-walang galang! Samahan mo na ako!" 

Nabigla naman si Rap Mon, hindi niya alam na si Jin hyung niya pala yun.

"Sorry, hyung. Akala ko kasi kung sino." napakamot na lang sa ulo si Rap Mon at sinamahan na ang hyung niya sa pagbili ng cotton candy.

Sa kabilang banda naman, nagtatalo parin sina J-Hope, V, Jimin at Jungkook kung sino ang susunod na uupo sa basketball ring.

"Ako nga kasi! Maknae ako!"

"AKO! Pahabaan tayo ng baba, oh ano? Talo ka na!"

"Akong uupo dun! Fake maknae ako noh?!"

"AKO KAYA! Akong gwapo dito!"

"HEEEEEEEP! Teka nga! Bago kayo magpatayan dyan sa baba, tulungan niyo muna akong makababa! Ayoko pang mamatay! Swaeg people don't die! They don't dieeee!"

I'm Their Teacher?!(BTS FAN FIC.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon