CHAPTER 2
Sinama lang ako dito tapos Girlfriend na agad?
"take your seat hija"
umupo na kami sa sofa na nasa harap lang ng table ng mama ni zandrei, anong pinaplano ng mokong na to?
"by the way hija, I'm Zyline, you can call me tita, how old are you?"
"17 po"
"too young, kailan ba kayo nagkakilala ni Zandrei?"
magsasalita na sana ako kaso inunahan na ko ni Zandrei
"last year lang po mom"
at kailang last year yun? wala akong maalala
"may business ba mga parents mo?"
Mukhang malalait ata ako neto, humanda ka talaga sakin Zandrei
"They have mom"
"sa totoo po wala po kaming business, mahirap lang po kami pero nakakapag-aral po ako ng maayo"
ayoko naman sabihin kay Ms. Zyline na may business kami kahit wala naman talag
"but are you sure, you really love each other? masyado pa kayong bata para dyan"
Tumingin ako kay zandrei para humingi ng tulong, di ko alam gagawin ko, bat ba ko napunta sa sitwasyong to.
"Yes mom, di ko naman sya dadalhin dito kung hindi"
pinandilatan ko siya, napakagaling kasi gumawa ng kwento
"good, now let's talk about your engagement"
"Po?" engagement? Agad-agad?
"I need to talk your parents tommorrow hija regarding the engagement" hinawakan ni tita ang mga kamay ko
"alam mo monica, honestly I like you for my son, you have this aura na isa kang mabuting tao. Hindi ka nagsinungaling nung tinanong kita and I like that"
Ngumiti na lang ako na lang ako kahit di ko alam yung nangyayare
"that's enough mom, I want to show her my room"
"Sure son"
Tumayo na kaming dalawa ni Zandrei
"Zandy and hija don't do nasty things inside the room okay? mga bata pa kayo bawal pa mag baby"
Namula naman ako dun, ngumiti lang tong kumag na to! Pagkapasok namin sa room nya
"Zandrei ano tong kalokohan na to? Girlfriend? bat ka nagsinungaling sa mommy mo?"
"At sa tingin mo gusto ktang maging fiancee? don't assume, I'm just pressured to get one. Kanina ko lang nalaman na ipapakasal ako ni mom sa anak ng business partner nya if ever na wala akong mapakilalang girlfriend ko"
"Pero bakit ako? Zandrei naman, kakakilala lang natin kanina jusmiyo mariman naman oh!"
"Look, ang balak ko lang talaga is ipakilala ka yun lang, di ko inexpect na mai-engage agad tayo. Naipit lang ako sa sitwasyon"
Napatahimik kaming dalawa saglit para mag-isip
"Okay, let's pretend. Nandito na to, ayoko din makasal sa kung sinong anak ng business partner ni mom para maging fiancee ko"
"Bakit ba kasi ako yung hinigit mo"
"Ikaw yung nanira ng araw ko kaya ikaw na naisip ko, So are you in?"
