Kimmy's Pov
..
Natutop ko ang bibig ko dahil sa sobrang gulat, tama ba to'ng nakikita ko?
''Besh? Anu yan?''- meero habang sinisilip ang laptop ni Yrah, agad ko namang tinakpan.
''Wala!, wala!''- natatarantang sabi ko, pero dahil sa makulit to'ng si meero agad rin naman nyang nakita.
''Oh-emm-gee!''- nagulat din sya ng makita nya kung anung nakita ko, gusto nyong malaman?
Denz Mark Ramos is in a relationship with Shaun Zapanta
Sinong di mabibigla kapag ganyan nakita mo? Boyfriend ng bestfriend mo may girlfriend ng iba, at ang bestfriend mo walang ka alam alam.
''Girls? Anu yan?''- sabay kaming nabigla ni Meero ng makita namin si Yrah na papalapit saamin, habang dala dala ang tray ng pag kain.
''Ah, anu besh wala! Diba meero?''- nataranta na kami ni Meero
''Oo, anu may-may nag anu lang sakanya sa fb''- ma utal utal na ring sabi ni meero, ''may nag anu? Patingin nga''- kukunin sana ni Yrah yung laptop nya ng bigla ko ito'ng nilayo sakanya.''May nag friend request kasi kay kimmy na anu.. na arabo tama! Yun!''- hanuba namang palusot yan meero, ''haha, ganun ba? Accept mo na Kimmy, para marami ka ng likers''- naka hinga kami pareho ni Meero ng lumayo na si Yrah at inilagay ang tray ng food sa bed side table nya.
''Marami kaya ako'ng likers''- sabi ko nalang, agad kung ini log out ang facebook account ko at ibinalik sa study table ang laptop at uminom ng juice.''besh, how was china pala?'' Tanong ni Yrah kay meero,''ok, lang, dami papables dun, busog lagi yung mata ko'' sabi nya habang nag aayos ng sarili nya.
''Talaga? Kaya pala lumaki lalo mata mo hahaha?''- sagot ko alam nyo naman ako, masyado ako'ng palabiro.
''Ha.ha.ha. nakaka tawa kim''- sarkastikong sabi ni meero
''Beshies mall tayo maaga pa naman''- sabi naman ni Yrah.
''Then lets go!!!''- si meero na kala mo di pa nakakapag mall.
Lumabas na kami at pumuntang mall, yung car ko nalang yung ginamit namin.
..
Yrah's Pov
Papunta na kami sa mall ng mga beshies ko, gusto kong mag enjoy, kahit ngayong gabi lang, masyadong masakit yung nararamdan ko, kahit anung pilit itago.. masakit pa rin, masakit na masakit pa rin, gustuhin ko mang umiyak di ko naman magawa,. After that incident, i tried txting him, pero wala akong nataggap kahit isang reply galing sakanya, tinawagan ko sya pero out of coverage ang number nya, sa ngayon, hindi ko tuloy alam kung anu na kami, kung nu ba ang lagay namin.
''Besh, ok ka lang?''- napukaw ako sa malalim na pag iisip ng tawagin ako ni kimmy tiningnan naman nya ako mula sa rear view mirror,
''Ah, oo..''- walang ganang sagot ko nalang sakanya.
Habang nasa byahe kami papuntang mall, di maiwasang sulyapan ko ang iphone ko, nag babaka sakali na maka tanggap ako ng mensahe galing sakanya.
''Dito na tayo! Tara!''- masiglang sigaw naman ni kimmy sabay labas sa sasakyan, si meero naman eh kagigising lang, lumabas na rin kami.
Naka pasok na kami ng mall, nasa forever21 kami ng may napansin ako.
''Kim, bagay to sayo, it suits your personality-'' rinig kung sabi ni meero,''baliw!''- sigaw naman ni kim, pero hindi yon ang naka tawag sa pansin ko at mas lalong hindi ang nighties na hawak nya, kung di sa dalawang tao na masayang nag tatawanan, habang naka half hug.