Wala namang ngyari kahapon pag dating ko, tinanong lang ako ni mommy kung kumusta yung tulog ko kela meero, kumusta raw yung girl bonding namin, na guiguilty tuloy ako, nag sinungaling pa sila kela mom, hays..so ngayon andito ako sa room ko, makapag online nga sa fb, since wala yung phone ko, i'm'msg.ko nalang si kimmy at meero sa fb..
To: kimbreeze/meero Villegas.
Beshies, sorry:(
Can u come over here sa haus, ..please:(..
Nag scroll lang ako habang tinitingnan yung news feed ko..
Denzel Mark Ramos- feeling happy with- Shaun Zapanta
296 likes. 378 comments.
So true, ba't ang sakit? Yung minamahal mo masaya na sa iba bakit ganun....
binasa ko yung ibang comments..
ChristelleJao- omg? So true pala, happy for the both of you:-)
HaybeeModequillo- ang panget naman ng pinalit mo kay Yrah,
Pwedeng ako nalang, hihihiAngel Lusuegro- bagay kayo kuya denz.:-)
AiksBona- wat hapnd sainyo ni ate yrah?
Mjjean- pa add kuya denz
KarenNonsol- gwapo mo po, bgay kayo..:-)
Yun lang yung mga comments na binasa ko, kasi any moment baka tumulo naman yung luha ko.. nalulungkot pa rin ako until now.. he is my first boyfriend.. i love him.. so much.. mis na mis na kita denz..:( ang bilis naman ata ng ngyari..
Nasa malalim ako na pag iisip nung may kumatok sa pinto ng kwarto ko..
''Pasok..''- matamlay na sabi ko..
Bumukas ang pinto at pumasok si kuya..naka tingin lang sya saakin ng seryoso.. dont tell me mang t'ttrip nanaman to..
''Can we talk?''- seryosong sabi nya..
''Ok..''- matamlay na sabi ko, habang sinasara yung laptop ko..
''You didnt tell me that denz cheated on you..''- nabigla ako sa sinabi ni kuya.. paano nya nalaman?
''I-i-m''- agad nyang pinutol ang sasabihin ko..''dapat sinasabi mo saakin ang mga problema mo, princess..''-
''Ku-kuya..''- napa iyak na ko, yumakap ako sakanya..
''parang napaka iresponsible ko na kuya, dapat bilang kuya mo pinoprotektahan kita sa lahat ng bagay.,''- sabi nya ..
''Dont do anything bad kuya..ayoko ng gulo. Hayaan mo na sila, siguro di talaga kami ni denz...''- sabi ko..
''Youre too young princess, marami pang iba jan, pero, wag mo'ng pababayaan ang pag aaral mo, ok?- kuya
''Oo naman kuya..pero, paano mo nalaman-''-ako
''Social media..''- maikling sagot nya, bago tumayo..
''Kalat na pala, ''- sabi ko, ang tanga ko talaga, malamang kung di ba naman sikat yung taong minahal ko, yung taong nan loko saakin..
''So, ok. Ka na?''- tanong ulit ni kuya..
''Konti..hindi naman kasi ganun kadali yun kuya eh,mahigit isang taon kami ni Denz kuya, sya yung first boyfriend ko eh..''- naka pout na sabi ko..