..
Yrah's PovWala namang masyadong ngyari kahapon, kumain lang kami ng cookies na ginawa ni mom.. so yun, masyado na bang boring yung kwento ng buhay ko para sainyo? Wala pa yan.. marami pang mangyayari.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil may pasok na..bumaba na ko at nadatnan ko si Yaya selli,
''Morning ya..'' bati ko sakanya..
''Morning din hija, aga mo naman ata?''- sabi nya..
''Naka alis na si mom at dad?''- tanong ko, nabanggit kasi ni mom kahapon na may business trip nanaman sila ni dad sa Taiwan,
''Oo, nak, di ka na pinagising ng mama mo, sarap daw kasi ng tulog mo..''-yaya
''Si mommy talaga, si kuya po? Asan?''- tanong ko ulit, pinag hahanda na ko ni yaya ng almusal..mabuti naman at makakain na ko..
''Hinatid sila sa airport, kumain ka na muna jan, tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka.''- yaya
''Opo, salamat ya, ''- kumakain ako mag isa, napaka lungkot naman ng buhay ko, chos hahaha, sanayan lang yan, maya't maya, naligo na ko, nag bihis lahat na ginawa ko and i'm ready to go.
''Ya! Alis na ko!''- sigaw ko..
''Di ka ba mag papahatid?''- tukoy ni yaya sa driver namin..
''Di na po, maaga pa naman! Bye yaya!''- sabay labas sa bahay, mag lalakad nalang ako, exercise din to no, nag lakad na ko sa village namin, masyado pa ngang maaga..konti pa lang yung mga dumaraang sasakyan..sana naman maging maganda yung araw ko ngayon *cross fingers*
Nakarating na ko sa Hyndryckson Academy..bat kaya ganyan pangalan ng school namin? Ang hirap ng spelling, hmp.
Konti pa lang din yung mga studyante, mag lalakad lakad nga muna ako..
Nakarating ako dito sa fountain ng school, medyo likod na to ng school, pero di naman malayo sa building ng fourth year, which is nandoon yung classroom ko.. so para syang mini park.. ba't ngayon ko lang na discover to? So, nag lakad pa ako..
Nung may narinig akong nag uusap..
''Please comeback to me morriel..''- huh? tama ba yung narinig ko? medyo lumapit pa ko, malaki naman yung fountain di naman ako makikita kung sinu man to..
''Matagal na tayong tapos Hyndryck!move on!''- omg, sino kaya to, kapangalan pa ng school namin ah..
''I still love you..''- sabi nung guy, pero di ko pa makita yung mukha..
''Sorry..i dont love you..''- narinig ko'ng sabi ni girl..
''Fine, if that's what you really want..''- sabi nung guy.. kailangan ko ng umalis dito.. as in now na..
''From now on, i will forget everything about you..''- sabi pa ni guy..bago umalis..whew.. buti di ako nakita..si girl ayon naka upo kaso di ko rin makita yung mukha..dahan dahan akong umalis papalayo sa lugar na yun sakto, marami ng studyante pag balik ko..
Asan na kaya sila besh, antagal naman nila.. kinuha ko yung cellphone ko, ittxt ko nalang sila, nag lakad ako papuntang classroom, txting while walking, walking while txting..
Ng biglang..
''Blaggghhh!''
Nabangga ako.. napa upo ako sa sahig, ang sakit ng paa ko....pag tingin ko..yung mga taong nanakit saakin yung nakita ko..bat ba ko kinakabahan ng ganito..dahil ba sa hindi pa ko handa na maka harap sila,matapos yung ngyari sa labas ng mall.?
''Yrah are you ok?''- nag aalalang sabi ni denz, at akmang hahawakan niya ako para makatayo ng biglang tabigin ni Shaun ang kamay niya.
''Anu ba Shaun?!''- napasigaw na rin si denz..
''Bakit mark?! Tutulungan mo sya?!''- sigaw ni Shaun sakanya.
''I-im fine..''- sabi ko na medyo tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang sakit ng paa kaya napa upo ulit ako..masama ata ang naging bagsak ko kanina.. ouchh..kahit di ko nakita, alam kung sinadya talaga akong banggain ni shaun..
''Yrah c'mon..''- sabi nanaman ni denz..sabay abot ng kamay nya..
''Anu ba mark! Hayaan mo na yan! Tatanga tanga kasi!''- sabi ni shaun maraming studyante na rin ang nag sisipag tinginan saamin..kaya't pinilit kung tumayo, at hinarap si shaun..
''Anu bang problema mo saakin shaun?''- tanong ko habang, naka tingin sa mata niya..
''Anung problema ko sayo?! Gusto mong malaman kung ano yung problema ko sayo?!''- sigaw nya saakin, hinawakan siya ni denz para malayo saakin, kasi dinuro duro nya na ako..
''Stop it shaun!''- sabi ni denz, at agad na hinila si shaun ako andito, naka tanga.. ang sakit sakit na talaga..ng puso ko.. pati yung paa ko..tiningnan ko sila habang papalayo..pero..
Hindi pa man sila nakaka layo ng may biglang yumakap saakin mula sa likuran ko..
''Hi babe! Andito ka lang pala..'
....V's Pov
Maaga akong pumasok ngayon dahil ngayon ang uwi ni leader..after ilang taon ngayon lang naman mabubuo ang 4d..
Umakyat na ko para pumunta sa classrom namin ng makita ko si..Yrah..tama pag ttripan ko sya.. busy sya sa kakatxt eh, kilala pa kaya niya ako..
Lalapit sana ako ng bigla syang nabangga.. nakita ko nalang na naka upo sya sa sahig..nakita ko ang isang lalake at babae, sa pag kaka alala ko yung lalake ay si Denzel ng Team takraw..yung babae naman di ko kilala..pag tingin ko naman kay Yrah alam kung nasasaktan sya.. hindi lang physical pati emotional..
Anu bang ngyayari? Nakita ko nalang na pinag titinginan na sila ng mga studyante.. narinig ko parang nag aaway..nakita ko'ng papaalis na yung dalawa kaya mabilis akong lumapit at niyakap ko si Yrah sa likuran..
Niyakap ko sya?
Niyakap ko talaga sya?