Violet's POV
So we're on our way sa Harper University. Pero DUH dahil highschool pa lang kami sa likod nung University eh andun ang Harper High. Dun kami talaga pumapasok.
"Best, wala akong notebok at papel at ballpen and everything else." Saad ni Pink.
"You're not alone." Sabi ko.
"Hon, mag mall ba tayo mamaya?" Blue
"Why? May bibilhin ka ba hon?" Pink
"Oo, bibilhan kita ng gamit mo for school, kasi knowing you, di ka bibili dahil shopping lang aatupagin mo sa mall."
"Hehe sabi ko nga sasamahan kita mamaya" Pink
"Sasama na din ako, I'm still a student of this stupid university ya know." As much as possible dapat mag blend in ako dito para di sila mailang sakin. Ayoko naman kasi na kinakatakutan ako ng mga tao dito dahil sa anak ako ng may ari.
"Oh dito na tayo. Pagbilang ko ng tatlo dapat wala na kayo dito sa sasakyan ko."
"Pucha bilis!" Nagtutulakan na sila palabas. Haha.
"Isa!"
"Aray ano ba walang tulakan please?" Sabi ni Range. "Kung di ka rin tanga para palabasin din kami dito noh! Tabi na!" Sigaw ng kapatid niyang si Red.
"Dalawa!"
"Yes nakalabas na bwahaha!" Sigaw ni Red
"Edi tumabi ka jan wag kang paharang haranag jan sa pinto!" Sigaw ni Rin
"Tatlo!"
"Whew! Kaloka ka Vi! Pinagod mo ko ah! Napawisan tuloy ako!" Sabi ni Iñigo.
"Haha is it me? Or talagang minamanyak ni Iñigo si Violet? Pawisan? Pagod? Hahaha!" Ayan tumatawa na si Rin, pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito. Binatukan naman siya ni Yael, "Loko! Andumi ng isip mo! Kasing kulay ng pangalan mo!" -_-
"Ang ingay niyo, pasok na nga tayo." Eh sa ang ingay eh.
Ayun naglalakad na kami papasok, nakalinya kami. Ako ang first sa likod si Iñigo, then si Blue, the si Rin, followed by Yael, Range and Red.
Meron kaming tigiisang bandana na nakatukoy sa kulay naminnakasabit sa mga bag namin. Kaya nagmukhang kaming rainbow na naglalakad.
Sabihin na nating head turner kami dahil lahat ng nalalampasan o nadadaanan o nakakasalubong pa lang na mga studyante eh napapatingin samin, kung kanina ay nagkukulitan kami ngayon eh seryoso na maliban kay Red and Rin. Kaway sila o ningingitian nila ang mga taong nakakasalubong nila.
"Oh dyan pala nakapost ang pangalan at section natin, good magkaklase tayong lahat." Saad ni Blue.
"Haist, first day nga pala ngayon. Magpapakilala nanaman tayo sa isat isa sa harapan, ayoko pa naman nun. Malalaman nila na galing ako sa mayamang angkan at kakaibiganin lamang ako dahil sa pera" worried na sabi ni Rin.
"Rin you're a genius! Let's go to the Principal's office!" Sigaw ko. Eh sa biglang may naisip ako eh.
*Principal's Office
"What are you trying to say Ms. Harper?"
"Ayoko makilala nila ako bilang Harper. I'll use my middle name for my identity"
"And what is the reason for that Ms. Harper?" Tanong niya. Haist nakakainis naman eh
"Kasi may hinahanap ako na tao. And I can't do it pag Harper ang pilyedo ko, dahil panigurado magtatago sila sa akin."
"Ok then, what is your middle name, para masulat na natin sa form and ID mo."
Napaisip ako, tama lang na dapat kami lang 9 ang nakakaalam nito.
"Violet Durane"
So nakalabas na kami at hinahanap nalang namin ang classroom namin.
"Vi, bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Rin.
"Like I told her before, may hinahanap ako. Yun ang mission natin. I'll discuss it with you later." Pag explain ko.
"Sige CR muna ako best ha?" Tanong ni Pink. Nag nod lang kami kaya nag cr na siya.
Nakita na namin ang room namin kaya kumatok si Red sa pinto at pinagbuksan ako, pumasok na ako, at nakasunod parin sila by color. Like this oh:
------------------------------------------------------------| |
B l a c k b o a r d | |
------------------------------------------------------------| |
| V | I | B | G | Y | O | R | DOOR |
Nakanganga lang sila. Kaya inumpisahan na ni red ang pagbati.
"Good day everyone, my name is Red, and I'm hot. I hope we will all be friends."
Tilian naman ang mga babae dito kay Red, nakasimangot naman ang mga lalake.
"Hey, I'm Range, Red's sister. So if ever you will court my brother, you have to go with me first." Then nag smirk siya. Natakot ata mga kaklase namin sa kanya haha. Mga babae nanaman nakasimangot at ang mga lalake naman ay napalunok.
"Yael's the name ladies ;) Hope we'll get to know each other." Binatukan tuloy siya ni Rin.
"BACK OFF LADIES! Yael's already taken. He's mine and mine alone. Btw, I'm Rin. Don't you use that death glare of yours sweetie if you don't want me to pick that out." Agad namang binawi nung babae ang tingin niya kay Rin.
"Hi, I'm blue." Blue nagtilian naman ang mga babae kay blue "waaah ang cool niya. Sana dito siya sa tabi ko umupo." May sumigaw na din ng "I love you Blue!" Bigla namang bumukas ang pinto ng classroom, at pumasok si Pink na pulang pula sa galit. "WELL UNFORTUNATELY HE'S TAKEN, WE LOVE EACH OTHER KAYA TUMAHIMIK KA KUNG AYAW MO SAKSAKAN KITA NG PAPEL SA BUNGANGA MO. I LOVE YOU YOUR FACE! Mukha kang unggoy!" Sigaw ni Pink.
"And who the hell are you? Pano kami maniniwala, do you have any proof na kayo ni Blue my loves? Ni di nga siya umiimik eh!"
Napansin ko naman si Blue na nagpipigil ng pag ngiti. Lumapit si Pink kay Blue, hinatak ang kwelyo at hinalikan niya ito sa labi, yuck for God sake bakit dito pa nagmakeout yang dalawa.
"Haha Blue get a room!" Natatawang sigaw ni Yael.
"I'm Pink and he's Blue, Hot and Cold, meant for each other because opposite do attracts."
Then pumila na siya sa tabi ni Red bale siya na sa dulo. Napahiya ang mga babae sa kanya kaya tumahimik nalang sila. Then nagsalita na si Iñigo
"Hey there everyone, my name is Iñigo Reyes, twin brother of Blue, I'm single." Poker face na sabi niya. Nagtilian naman ang mga babae.
Ganyan ba talaga ang studyante dito? Akala ko ba mga gangsters itong andito? It's more like they're raising slutty sororities here. -_-
Hey I'm just saying.
"But my heart is already taken by someone." Then he looked at me. Pucha ayan nanaman yang mga pasimpleng/pokerface/withalltheeffort niyang banat. Nagtilian naman ang mga barkada kong mokong. Actually, nanliligaw siya sakin, I admit I do have feelings for him, but now is not the right time to do that relationship thing, madaming mapapahamak.
Tumahimik naman ang mga babae. Siguro disappointed sila dahil wala silang mabibingwit samin dahil lahat may kanya kanyang lovelife.
"Violet Durane" sabi ko, simple as that, no extension, no dramas.
"Oh ok guys, mind if I'll ask your surnames?" Tanong ni Sir. Sir Alvin Gomez. Gotcha. Nahanap ko agad ang hinahanap ko.
"Red and Range Johnson, Yael Ichiraku, Rin Mariano, Blue and Iñigo Reyes, Violet Durane and me, Pink Celestique, Capital C-E-L-E-S-T-I-QU-E Ok? Pronounced as SELEST not SELESTIKE."
"Ok Ms. Celestique. You may have your seats now. There." Then he pointed out the last row with ten chairs. Pwede na magpalit ng pwesto, no need for color coding. Dun ako sa pang 8th na chair and Iñigo is sitting beside me, 7th chair siya. Bumukas ang pinto and bumukad sa aming harapan na humihingal ang aming iyaking kapitbahay. What is Gray doing here?
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Violet Harper (ON-HOLD)
Teen FictionThe most powerful Mafia Clan in the world, Harper Clan, is training the chosen teenagers to be assassins, Then the daughter of the Founder of Harper Clan is planning to put an end of their clan. Violet, together with her group, will break the clan...