Track 5 ♪ Extra Ordinary

7 0 0
                                    

"Bwahahahahahaha" Dee burst out laughing again. Ilang ulit na niyang pinanood ang pang-aatake ko sa stage pero hindi parin siya matahimik.

Nasa kwarto kami ngayon at kakauwi lang namin galing sa park central. Walang hiyang Dee to, tinawanan lang niya ako buong maghapon. Nagpakita siya sakin kanina pagkatapos na ng live band. Halos isang oras ko din siyang hinanap. 

"Mai, lika dito! Panoorin mo to!" I just gave her a death stare. She's been replaying that video for hundredths of time.

Aiiishh! Hanggang ngayon naiinis parin ako sa nangyari kaninang hapon. Una, sobrang nakakahiya ang nagawa ko kanina. Bumabalik-balik parin sa isip ko ang mga mata ng lahat ng taong nakatingin sakin na galit na galit dahil halos mabingi sila sa ingay ng audio feedback. Pangalawa, nakuhanan ni Dee ng live video ang ginawa ko. Buti na lang at nakatalikod ako sa video kaya hindi ako madaling makikilala. Lastly, hindi ko na nga nakuha ang bracelet ko, nadagdagan pa ang problema ko sa buhay dahil sa Zhayne na yan. Ano naman karapatan niya na paglaruan ako? Ano daw? Hahanapin ko siya? Hindi lang isang beses kundi pito pa? Ano to? Hide and seek ganun?

And how the freakin cupcake did he knew my second name?

"Pero ang galing ng Zhayne na yan ha, in fairness." biglang sabi ni Dee at automatic na napalingon ako sa kanya. She's sitting comfortably on my couch near the window. "Alam mo bang siya pala talaga ang composer ng banda. Minsan lang siya sumasama sa mga gig ng banda nila at minsan lang din niya kinakanta ang mga sinulat niyang kanta. Kaya sobrang natuwa yung fans niya kanina dahil siya mismo ang unang kumanta and take note, nag volunteer pa siya."

"Tss.. Pasikat lang yun." sagot ko at humarap na ulit sa laptop. I opened my emails and click the second message from Leah. I need positive energy today bago ako matulog. I must get good vibes from Leah.


Scheduled Messages

Sender: Shanta Leah Santos

Mai, balita ko nawalan ka na naman daw ng gana na sumulat ng kanta? Naku naman! Dahil ba namimiss mo ako? Wag mo nga akong masyadong mamiss. Nakakaumay na ha. Basta kapag nawalan ka na naman ng inspirasyong sumulat ng kanta, alalahanin mo lang iyong sinabi ko sa iyo noon. Naalala mo pa ba yung una tayong sumulat ng kanta?


I smiled as the memories flashed before my eyes.


Year 2016 | Flashback
Salongga-Cullen Residence

"Mai, nakita mo ba si Leah?" tanong ni Nana Jeah pagkabukas ko ng pinto.

"Hindi po eh. Baka po nasa paaralan pa."

"Nakita ko siya kanina na pumasok sa gate eh. San na naman kaya nagtago yun? Sige, Mai. Siyanga pala, sabi ng mommy mo, maghanda ka na daw para sa piano recital mo bukas."

"Opo Nana. I will." sagot ko sabay sarado ng pinto.

I look at my grand piano again as I made a deep sigh. Piano Recital na naman. It's my 10th recital this year and this time I will be playing in a bigger audience full of old people.

"Konti nalang magiging gors ka na." sabat ng isang boses babae and I instantly looked at the balcony of my room.

There she is. A girl who just climbed into my balcony wearing her scruffy old school uniform. Nakabukas lang ang kanyang white polo upang makita ang mickey mouse shirt niya tapos gusot-gusot pa ang kanyang uniform skirt paired with her old converse sneakers. 

The Love PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon