Chapter 1

3 0 0
                                    

Chapter 1

Zhavia's POV

Nag iimpake ako ng mga gamit ko dahil balak ko pumuntang Manila, doon kasi ako maghahanap ng trabaho para matustusan ko din ang pag aaral ko. Bakasyon ngayon at doon ko balak ituloy ang pag aaral ko sa Manila. I'm taking Education gusto ko maging teacher. Pero dahil na nga sa kakulangan sa pera ako na ang gagawa ng paraan para mapag aral ang sarili ko.

Dahil wala din naman trabaho sila Mama at Papa pinag aaral ko pa yung kapatid ko, Highschool na siya ngayon.

Nagbihis na ako ng Jean's at Navy blue na tshirt dahil ito lang yung maayos ko na damit. Naka tira nga pala kami sa squatters area dito ako lumaki kaya sobrang mahalaga sa akin itong bahay na ito.

"Ma, Pa! Alis na po ako" Pumunta ako sa kusina namin at nakita ko sila Mama at Papa na nag kakape.

"Siguraduhin mo lang yang desisyon mo na maitataguyod mo itong pamilyang ito" Sabi sa akin ni Mama.

"Opo Ma sigurado po ak---"

"Hay nako Zhavia puro ka lang salita wala ka naman sa gawa!" Tumaas ang boses ni Mama. Lagi talaga siyang galit sa akin.

"Promise po Ma" Tinaas ko pa ang kamay ko.

"Baka naman kaya mo gusto pumunta sa Manila dahil gusto mo nang mag boyfriend? Hay nako ang bata bata mo pa kumekereng keng kana agad?" Tumungo na lang ako dahil nasasaktan ako sa sinasabi sa akin ni Mama.

"Marites, hayaan mo na yang anak natin malaki na yang alam niya na ang tama at mali" Sabi ni Papa.

"Eh kaya lumalaki ang ulo nitong anak mo dahil lagi mong kinakampihan" Lumapit sa akin si Papa at dinala yung malaking bag ko.

"Halika na anak ihahatid na kita sa terminal" Tumango ako kay Papa. Pumunta ako kay Mama para sana mag mano kaso tinabig niya yung kamay ko.

"Sige po Ma alis na po ako" Ngumiti ako sa kanya at tumalikod na. Tumingin ako sa kapatid ko inirapan niya lang ako. Nginitian ko na lang siya.

Sanay na ako ng ganito. Palagi naman eh kaya napag desisyunan ko din ang lumayo layo dito dahil grabe sa akin si Mama. Hindi ko tunay na nanay si Mama. Stepmom ko siya. Hindi ko alam kung nasaan ang tunay kong nanay. Yung apelyido ko, apelyido siya ni Papa. Yung kapatid ko, kapatid ko lang kay Papa. Si Papa tunay na tatay ko siya.

"Oh anak mag iingat ka doon ah?"

"Opo naman po Pa. Pag balik ko po dito madami na po akong dalang pera" Ngumiti ako sa kanya.

"Oh siya nga pala anak. Kunin mo na ito" May inabot sa akin si Papa na isang box, binuksan ko yun at tumambad sa akin ang isang cellphone na de-keypad. "Pasensya kana anak ayan lang ang nakayanan ni Papa hindi ko kasi kayang bumili nung tatskrin. Hindi bale kapag nakasahod si Papa ng malaki bibili kita nung tatskrin" Niyakap ko si Papa.

"Ano kaba Pa okay lang. I appreciate naman po itong binigay niyo sa akin" Kumalas ako sa pag kakayakap kay Papa at kinuha ko na sa kanya yung bag ko.

"Anak good luck. Fighting my future Teacher" Nag mano ako kay Papa at sumakay na ng bus papuntang Manila. Taga Batangas kasi kami. Naupo ako doon sa pinaka dulo para ayusin tong cellphone ko. Tinignan ko yung contacts at may number na na kalagay 'Papa mong pogi' Napangiti na lang ako sa nilagay ni Papa na pangalan.

Matagal tagal pa ang byahe kaya pwede pa akong umidlip. Isasandal kona sana yung ulo ko sa bintana ng may tumabi sa aking babae. Hindi naman siya katandaan siguro mga 30s na siya.

"Miss pwede bang patabi? Wala bang nakaupo dito?"

"Wala po. Sige po upo po kayo"

"Salamat" Nginitian ko siya at binaling ko na lang yung tingin ko sa bintana. Sa totoo lang wala pa talaga akong nahahanap na trabaho sa Manila nagsinungaling lang ako kila Papa para payagan ako. Hindi ko nga alam kung saan ako matutulog nito mamaya. Bahala na.

Loving You Is A Sin|| WonwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon