Chapter 2
Zhavia's POV
"She's Manag Rem, she is the head maid" Pag papakilala ni Wonwoo kay sa head Maid na ito.
"At sila, mga katulong din sila dito" Sabi sa akin ni Manang Rem, itinuro niya yung sampung katulong. Grabe so lahat lahat 12 kaming katulong dito? Ang yaman naman.
"Hello sa inyo" Nag bow ako sa kanila "Ako nga pala si Zhavia bago niyong makakasama" Nginitian ko silang lahat. Halos lahat ng katulong dito ay halos mga 30s or 40s na. Ako lang pala yung pinaka bata. Si Manang Rem naman sa tingin ko ay mga nasa 50s na.
Nag pakilala sa akin sila isa isa, pero hindi ko matandaan ang mga pangalan nila. Bahala na makilala ko din sila.
"Zhavia una na ako iwan na kita dito" Tumingin ako kay Hoshi na naka pout. Ewan ko parang nakakatakot dito. Para kasi ang sungit ni Manang tapos si Wonwoo lagi pang naka poker face. Hindi man lang nangiti. "Wag kang gumanyan ang panget mo".
"Aalis ka naba talaga?"
"Oo, gagabihin ako masyado sige na bye na" Nakatingin lang sa amin si Wonwoo.
"Sandali Hoshi"
"Bakit?" 'Number mo' I mouthed. "Ahh oh ito" Inabot niya sa akin yung cellphone niya at nilagay ang number ko "Text kita mamaya" Lumapit sa akin si Hoshi at binulungan yung tenga ko "Mabait naman yang si Wonwoo hindi naman na ngangain yan".
"Siraulo" Lumayo na ako sa kanya "Sige na bye na" Humarap naman siya kay Wonwoo para mag paalam.
"Sige na bro mauna na ako" Nag fist bump pa ang dalawa bago lumabas si Hoshi.
"Manang Rem will take you in your room" Pag kasabi niya nun ay umalis na siya at umakyat na sa itaas.
"Halika na Zhavia dadalhin kita sa magiging kwarto mo" Kinuha ko na yung bagahe ko at sinundan si Manang pumunta kami sa 3rd floor at dumaan kami sa isang mahabang pasilyo madilim siya pero hindi naman nakakatakot. Tumigil kami sa isang pinto at nakalagay ay maid quarter's. Pag kapasok namin mayroong isang maliit na kama, isang electric fan at mayroong din isang maliit na mesa.
"Ito ang magiging kwarto mo. Mag isa ka lang dito mayroong maid quarter's sa second floor kaya lang hindi na tayo kasiya doon kaya dito ka na lang mag isa"
"Sige po Manang salamat po"
"Oh ayan yung cabinet diyan mo ilagay lahat ng damit mo. At ito oh suotin mo yan" Inabot niya sa akin yung damit na pang maid. "Teka kumain ka naba?"
"Ay opo kanina pa po" Nabusog kasi ako doon sa kwek kwek.
"Bukas ka na mag simulang mag trabaho ha. Gabi na mag pahinga kana"
"Opo salamat po ulit" Ngumiti ako kay Manang
"Ay siya nga pala. Nandito din yung kwarto ni Wonwoo. Pagkalabas mo dito sa mahabang pasilyo na ito lumiko ka sa kaliwa may kwarto doon iisa lang, kwarto yon ni Wonwoo"
"Sige po Manang"
"Oh sige na una na ako" Lumabas na si Manang at inumpisahan ko nang ayusin ang mga gamit ko. Sa totoo lang hindi naman ganon kasungit si Manang mukha lang pala. Maganda naman ang kwarto ko. Mas maayos siya kaysa doon sa bahay namin. Malinis naman siya.
Nag tingin tingin ulit ako baka kasi mayroong CR. Binuksan ko yung isang pintuan dito, at tama nga ako may CR. Maliit lang siya pero ayos lang at least makaka tae at makakaligo ako dito.
Papasok na sana ako sa banyo ng may kumatok. Sino kaya ito? Baka si Manang baka may nakalimutan lang sabihin.
"Ano po yon Mana-- Ay Sir Wonwoo good evening po. Bakit po?" Si Sir pala.
BINABASA MO ANG
Loving You Is A Sin|| Wonwoo
FanfictionIn which Zhavia Claire Liwer finding a job to support her study and to support her family needs because she's a bread winner. Until she met Jeon Wonwoo who change her life.... Who change her personality.... Who change everything about her.... Seven...