Pilit kong pinapakalma ang sarili habang papalapit sa lalaking tinatanawan ko ng malaking utang na loob, si Señoritong ubod ng sungit. Aaminin kong nagkamali ako sa naging desisyon ko na magtrabaho para sa kanya, pero may parte sakin na walang nararamdamang pagsisisi. Pinigilan ko na't lahat lahat pero hindi ko kinaya, kapag pinipigilan lalo lang tumitindi.
Binalewala ko ang mga pagtawag sa pangalan ko na animo'y walang pakialam sa mundo. Labag man sa kalooban kong gawin to, pero kailangan, para sakin at para samin. Alam kong hindi makakabuti kung wala akong gagawin, kaya kahit alam kong maari syang mawala ay wala na akong pakialam.
Batid kong nasa akin ngayon ang atensiyon ng lahat, binabantayan kung ano man ang magiging kilos ko, pero inisip ko na lang na kami lang ni Señorito ang magkasama sa mga sandaling to. Imposibleng masuklian nya ang kung anomang nararamdaman ko, dahil para sa kanya isa lang akong tauhan, his fucking baby sitter.
Tumikhim muna ako bago tuluyang nagsalita, lalo ko tuloy naramdaman ang matinding kaba. Isang maliit na pagkakamali Phoebe mawawala ang lahat kaya mag-ingat ka.
"You're here, what do you need?" bungad ni Señorito at saka sinalubong ang aking mga tingin
"I-I need to tell you something, pwede ba tayong mag-usap, tayo lang dalawa." sagot ko naman na pilit nilalabanan ang panginginig ng boses
"Nag- uusap na tayo Phoebe, ano pang gusto mo?" pagsusungit nya na naman. Kumunot saglit ang noo nya saka hinawakan ang kamay ko
"Okay ka na ba Señorito? Yung mga sugat mo, magaling na ba?" pag-iiba ko ng usapan
"Oh that, they're starting to heal now, thanks to you."
"Basta kung may kailangan ka sabihin mo lang sakin ah."
Bahagya nyang ipinikit ang mga mata nya at huminga ng malalim, sa pagkakataong to ay lalong nanginig ang mga tuhod ko at kahit anong oras ay maari akong mawalan ng balanse. Nang maimulat nya ang kanyang mga mata ay tiningnan nya ako ng diretso.
Ramdam ko pang pinipisil-pisil ni Señorito ang mga kamay ko at biglang humagikhik na parang bata. Ngayon ko lang ulit sya nakitang ganyan, masaya lang ako dahil ako yung rason ng panandalian nyang saya, masakit din kasi alam ko namang hindi ako ang kailangan nya.
"There's something you need to tell me right? Now spill the beans. Come on don't make me wait"
"N-nagbago na ang isip ko, tsaka na lang natin pag-usapan."
"It feels like you're hiding something from me. Tell me everything."
"Ayokong marinig nila kaya wag na lang muna."
Aktong aalis na ako nang hawakan nya ang magkabilang braso ko at inilapit pa ang mukha nya sa mukha ko. Bigla tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko na para bang tinatambol.
"I don't like it when someone's lying to me, now tell me what is it."
"S-Señorito, I-I think I like you." lakas loob kong sabi at umiwas ng tingin
Ang kamay kong kanina ay hawak nya ay bigla nyang binitawan, doon pa lang ay nawasak na ng ilang libong beses ang puso ko.
"You're fired." walang emosyong sambit ni Señorito
"P-pero Señorito, kailangan ko ang trabahong yon."
"Didn't you hear what I said? I said you're fired." pag-uulit pa nya ng sinabi nya kanina
Mapait akong ngumiti habang sya naman ay nakangisi. Tatalikod na sana ako nang yakapin nya ako ng mahigpit mula sa likod. Di ko tuloy maiwasang mahiya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa campus.
"Kung ganon, thank you pa den."
"I fired you because I don't want you to be my babysitter anymore, marry me Pheobe, that's my last offer."
Totoo ba tong narinig ko? O baka naman nagkamali lang ako ng rinig. Goodbye Mommy I'm getting married.
YOU ARE READING
Babysitting The Bad Boy
RandomUpang mapatunayang kaya nyang buhayin ang sarili, napilitan si Phoebe na pasukin ang mansion ng mga Dela Vega. Doon ay mas nakilala nya ang Señorito na hindi lang gwapo, matalino pa at hotness overload, sobrang sungit nga lang. Nag apply bilang...