Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung mangyari ang insidenteng yon, di pa rin ako nakaka move on. Paano ba naman kasi, ang gwapo talaga ni RayRay daw, kung sa mga character sa Greek Mythology lang naman, kay Adonis ko sya ihahalintulad. Literal na nalaglag ang panga ko mga besh, napatulo pa nga yung laway ko eh, char.
Maaga akong umalis ng bahay namin, as usual naman. Saktong pagpasok ko sa gate ay biglang may nagtakip ng bibig ko at kinaladkad ako papasok. Dahil hindi ko naman alam kung sino yon, tinapakan ko ang paa nya at sinampal sya ng malakas.
"What the hell?! Why did you do that?!"
"R-RayRay? Naku pasensya na, akala ko kidnapper ka."
"Tss, do I look like a villain to you?"
"Hindi naman, ano palang kailangan mo?"
"You're my babysitter right? Now bring this, do your job." sabi pa nya sabay abot sakin ng school bag nya at naglakad na parang hari
"Ang sabi ng Mommy mo mamaya pa magsisimula ang--
"And you're complaining now? Remember that this is your first day, you should be impressing me and prove me that you deserve your job."
"Opo, Sir!" diniinan ko na don sa Sir para dama nya
"And one more thing, don't call me sir specially RayRay, my Mom was the only one to call me that. Everyone who works for our family calls me Señorito, so should you."
"K-Kahit dito sa school? Pwede po ba kapag tayo lang dalawa?"
"No, I don't give special treatments. Stop complaining."
Argh! Ang sungit nya naman! Ang bossy bossy pa, well sya naman talaga ang boss, yung Mommy nya pala hehehe.
Habang naglalakad kami sa corridor ay hindi ko mapigilang mahiya dahil pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante, pero may part sakin na natutuwa dahil kami ang center of attraction sa mga sandaling to. Ilang sandali na lumipas pero ganon pa rin, tingin pa rin sila ng tingin. Merong nakangiti, ang iba ang tatalim ng mga ngiti at meron pang umiiyak, like WTF?
"I'll pick you up right after class. Don't assume anything."
"Aba naman po Señorito, kahit gwapo kayo hindi ko kayo pinagpapantasyahan."
"Good to know. Thanks for the compliment, but you don't need to tell me that, I know I'm handsome."
"E-Eh? Ayos kayo no? Papasok na po ako, eto na po ang bag nyo." sabi ko saka kinuha ang kamay nya at isinabit ang bag ron
Nagulat na lang ako nang hapitin ni Señorito ang bewang ko at pinaglapit ang mga mukha namin! Lord, eto na ba yon, sya na yung the one?
"Ihatid mo ko sa room namin. May babae rong palagi akong kinukulit."
"Pumyemas! Akala ko naman talaga yon na yon." bulong ko na lang sa sarili ko
YOU ARE READING
Babysitting The Bad Boy
RandomUpang mapatunayang kaya nyang buhayin ang sarili, napilitan si Phoebe na pasukin ang mansion ng mga Dela Vega. Doon ay mas nakilala nya ang Señorito na hindi lang gwapo, matalino pa at hotness overload, sobrang sungit nga lang. Nag apply bilang...