Chapter 1: First Meeting

24 1 0
                                    

Phoebe's Pov
   Good morning Luzviminda! Luzon, Visayas and Mindanao! My name is Pheobe Celestine Marcial, 18 years of age, half German half Shepherd, echos! Welcome to my vlooooooogg! Syempre echos pa den. Sabi ng mga kaibigan ko echosera daw ako, totoo kaya yon?

    Hello Our Lady of Fatima University, I'm back! Dalawang araw rin kasi akong absent, I had LBM kasi. Since maaga sa library muna ako pumunta para mag research about our previous lesson. Pero kahit naman hindi ako pumunta ng library ay makakahabol ako sa lessons. Take note, hindi ako matalino, medyo lang.

"Good morning Ms. Alvarez." bati ko sa librarian namin

"Good morning Ms. Marcial, bakit parang ngayon ka lang ulit pumunta dito?"

"Absent po kasi ako ng dalawang araw, nagkaroon po kasi ako ng-- ng ano po." napakamot muna ako sa ulo bago sya tiningnan "Ng LBM po."

"Okay ka na ba talaga?"

"Aba oo naman po. Hihiram po sana ako ng Chemistry book."

"Sure, don't forget na isulat sa log book ang hiniram mo."

   Matapos kong makuha ang libro ay nagpaalam na ako kay Ms. Alvarez. Dahil ayoko pang makita ang pagmumukha ng mga kaklase ko hindi muna ako dumiretso sa room namin. Tumambay muna ako sa tapat ng gym dahil maaga pa rin naman, ilang saglit pa ay nakarinig ako ng sigawan na nanggagaling sa likod ng gym. Since medyo tsismosa din ako, lakas-loob kong sinilip ang nangyayari don.

"Aaahhhhh, damn it!" sigaw nung lalaking binubugbog nila

"Bakit kasi ayaw mo pang sumali? Edi sana hindi ka na nahihirapan ng ganyan."

"Bobo ka ba tol, ganyan rin naman ang mararanasan nya kapag sumali sya sa grupo natin."

"Pumili ka, sasali ka o mamatay ka, ngayon mismo?"

   Yon ang mga narinig ko sa kanila, nakakatakot.

"F-Fraternity ba yon? S-Shit I got to report this." bulong ko sa sarili habang nanginginig na nagdial ng number ng adviser namin

"Hello, this is Mrs. Ruth Chavez speaking, who's on the line please?"

"Ma'am, ako po to si Pheobe. Pasensya na po sa abala, pero kailangan ko po ng tulong nyo."

"Anong kailangan mo? May problema ka ba hija?"

"Ma'am may nangyayari pong hazing dito sa likod ng gym! Bilisan nyo po, humingi na po kayo ng tulong."

"Sige sige, umalis ka na dyan Diyos kong bata ka! Baka madamay ka pa."

Babysitting The Bad BoyWhere stories live. Discover now