MYLES POV:
" Hay nako. . nakakaawa talaga yang si Bestie ko.....
Kung di lang kasi nagkaroon ng breast cancer yang si ninang Karen edi sana nararamdam pa ni Bestie ngayon ang tunay na pagmamahal at pagaaruga ng Ina sa anak. At Hindi na sana ulila ngayon sa Ina si Bestie....
Buhay pa ang tatay niyang si Mang Filepe kasama nya ngayon pero parang hindi na ito normal. Gabi Gabi kasi nagdadrama yun habang umiinom ng alak.
Walang gabi na hindi lasing yun.. Gabi gabing nagdadrama tungkol sa sinapit nilang magpamilya. Kaya't sobrang lungkot ngayon ni Bestie ko...
Pasakay na ko ngayon sa Jeep papunta sa tinitirhan namin.....
Ayt! Oo nga pala... Magkukwento muna ko... dati kaming nakatira malapit kila Jasmin noon sabay kaming lumaki nyon hanggang nagsidalagahan kami.
Mabait si Jasmin gaya ng inaakala ng iba. Magaling sa gawaing bahay, Hindi katulad ko na kailangan pang-utusan. Heheks!
Oo Inaamin ko Tamad ako. Ewan ko ba! Sinanay kasi ako ni Mama na walang ginagawa sa bahay kundi magaral. Yun ang mahalaga Kay Mama. At least Daw Hindi ko pinapabayaan ang Grado ko. Kaya Exempted ako sa Gawain..... :D
Pero balik tayo tungkol kay Bestie ko nakikitira lang Sila ngayon sa Auntie Roxanne Niya simula ng ipagbenta nila ang bahay at lupa Nila ng magkasakit ang Nanay niya.
Kasama niya ang tatay niyang si Mang Filepe na walang ginawa kundi uminom ng alak.
Isang beses pumunta ko sa tinitirhan nila. Medyo maganda ang bahay ng Auntie Niya at ang Laki pa! Nakita ko si Bestie na naglalampaso ng sahig ng bahay.
Grabe! Ang sipag talaga nun. Pinagsilbihan pa nga Niya ko nung mga oras na yun.
Sobrang bait ni Jasmin...
Kaya't pinagmamalaki ko siya bilang 'BFF' Ko! At Sobrang Ganda pa. Kahit minsa'y nakakalimutan Niya ng magsuklay, Natural pa rin ang Ganda Niya. Hawig nga Niya si 'Kathryn Bernardo' e. Promise! :)
Peri mas maganda pa rin ako!!! Haha! Feelingera??? :D
Ang Bad news lang at ang Auntie Roxanne Niya at ang only princess nitong si Dianne. Masyado siyang inaalila ng mga ito. Pinagsisilbihan pa kasi Niya pati yung Dianne na Spoiled Brat na yun! Naaawa na talaga ko sa Bestie ko! Huhu! :(
Mahal na mahal ko yun si Bestie! Kaya't Hindi pwede na Hindi kami sabay mag college! Pipilitin ko si Mama para tulungan siya! :)
Lumipat lang kami ng kami'y nagkapera sa isang subdivision gawa nga nung mag abroad si Papa....
............
Ops! Wait lang... AngGwapo ng katabi ko!!!!!!
Teka , magpapapansin nga ako. Wait. Magbabayad ako..." Ehem! Bayad Ho! Paabot" OMG! tumingin siya saken! Angwapo Sobra! Ang labi niyang mapula, ang white polo shirt niyang suot at ang .....
OMG! Nakikita ko ang dibdib niya! Sobrang sarap niyang yakapin! Wait! Angharot ko naman. Haha! :D
" Miss! Miss! " kanina pa pala ako tinatawag ng drayber.
" po?" Dali dali Kong tanong.
"Gwapo lang yang katabi mo natulala ka na agad! San ka kako bababa?"
"Ah... Eh ... Diyan lang po sa Camella Homes Subdivision!" :D Grabe! Sobrang napahiya ako sa drayber na yun. Buti na lang at napawi ang inis ko ng makitang nginingitian ako ni Mr.Gwapo. :) :) :)
Nauna na akong bumaba. Hindi ko man lang natanong yung pangalan Niya o kaya yung tinitirhan Niya! Kainis talaga.! Kung sa bagay ... May panahon pa naman na magkikita pa tayo ulit Mr.Pogi ko! :) sabay ngiti ko habang naglalakad pauwi....
BINABASA MO ANG
Forever's Not Enough
RomanceIto'y isang istoryang tipong parang mababasa sa mga pocket books. Puno ng Drama at Kilig!!! :) Samahan ninyo ako sa aking pagsusulat. :) Nawa'y masiyahan kayo. :))