"Oh!"
Bahagya kong ibinaba ang suot na reading glass para masilip ang papel na iniabot sakin ni somi.
Isa iyong Love letter..I know.
Tumunghay lang ako sa kanya at muling binalik ang paningin sa binabasang nobela.Napakunot noo ako ng hindi parin sya umaalis sa kinatatayuan and still handing me the letter. Literal na dapat nya nang ibaba iyon sa mesa dahil yon naman talaga ang ginagawa nya kapag sinisilip ko lang iyon signal na mamaya ko na babasahin.well..kadalasan nakakalimutan ko na kaya nasasali sa mga patapong basura.hindi ko sya pinansin,bahala kang mangawit dyan.
"Sandra,get it."
Sinenyas ko lang ang kamay ko sa kanya.
Nasa plot na ako eh.."Its from someone special San."maarte nyang pagpapatuloy kaya tuluyan ko nang binaba ang reading glass,tinupian ang libro at tumayo na sa reading desk.
Naramdaman ko ang pagsunod nya sakin palabas ng library.Bumaba ako ng hagdanan at dumiretso sa Dining area.nakabuntot parin sya.
Gano ba kaespesyal ang sulat at gusto nyang siguraduhing babasahin ko talaga iyon? Sa harapan pa talaga nya ah?Kumuha ako ng isang pitsel ng orange juice sa Ref. at nagslice ng Tres Leches cake for two.
"You sure ayaw mo?"
Kumuha ako ng baso at platito bago sinagot ang tanong nya.
"Babasahin ko yan pero mamaya na."inilagay ko sa harapan nya ang platito at baso bago umupo narin.
Sumimangot sya sa akin.
Seriously,ano ba problema nya? Kadalasan kapag wala akong interes sa mga sulat na ipinapabigay sa akin,agad na syang aalis. Pero ngayon dalawang bagay na ang napornada nya sakin. Una,hindi ko na natuloy ang pagbabasa ko at ikalawa,ang oras ko ng miryenda."Gusto ko sa harapan ko mismo.I know you Sandra,sasabihin mo pero hindi mo gagawin kaya sige na."ininguso pa nya ang sulat na pinadulas nya patungo sakin.
Uminom muna ako ng juice at tinapunan sya ng masamang tingin saka binuksan ang sulat.
Humanga agad ako dahil bukod sa malinis ang pagkakagawa ng sulat kamay ay logistic din iyon.pagbukas ko kasi ay agad nagsitayuan ang iba't ibang kulay ng bulaklak na ala-boquet at gawa sa colored papers na nakahilera sa folding area ng sulat. Hindi tipikal na card,its more like a brochure.Gano ba ako kakilala ng sender para gumawa ng maramihang page na sulat?
Matapos kong haplusin ang mga bulaklak ay pinasadahan ko ng tingin ang nakaItalic and all Capitalized greetings sa unang pahina.'HEY GORGEOUS! FLOWERS FOR YOU..
HOPE YOU LOVE IT.'Napangiti ako dahil bagaman hindi personal na pagbati ay dama ko ang sigla.
Posible bang maipadama mo ang mood mo kahit sa sulat lang? I don't know.Agad bumagsak ang balikat ko nang dumako ang paningin sa ibabang bahagi ng sulat. Printeng printe ang ayos ng pangalan ng taong huli kong papansinin sa buhay ko doon.
From:EROS RYLE JIMENIZ.
Walang ano ano'y tinapon ko iyon sa mesa at agad hinawakan ang tinidor ko.
Nawalan ako ng ganang kumain..
Bakit sa lahat sya pa? At wow! As in wow! Bukod sa sya ang kahulihulihang inaasahan ko na papansinin ko ay sya din ang kahulihulihang aasahan kong gagawa ng love letter.
Hindi uso sa kanya yon at hindi rin bagay sa kanya!"Oh! Bakit?"nagtataka syang tumingin sakin at muling ibinigay ang papel.
Umirap lang ako at kumain na lang.
"What's wrong? Di mo ba nagustuhan?"binuklat nya ang sulat nang hindi ko tanggapin.
"Maganda naman ahh? At tsaka kakaiba."manghang mangha sya.
BINABASA MO ANG
MADAM MANGHUHULA!
Teen FictionMapa-Fortune cookies,Fortune-teller,bolang kristal,tarot,belief,Horoscope,Zodiac sign, sabi sabi O kahit ano na may kinalaman sa Pag-ibig at makakapagbigay duda sa kanya ay handa nyang patulan masigurado lang na mabuti ang hinaharap nyang Pag-ibig...