Habang naghahanap ng masusuot ay biglang may kumatok ng ikatlong beses sa pintuan ko kaya agad akong lumapit doon at binuksan iyon.bumungad sakin ang nakangiti at nakabathrobe lang na si mommy.
Iniabot nya sakin ang nakahanger na dress.Isa iyong Off-shoulder na ang itaas ay kulay puting gawa sa cotton cloth at ang kalahati ay parang leather skirt.hindi talaga ako mahilig sa mga damit kaya hindi ko masyado kabisado ang mga tawag dito.
"Iyan ang isuot mo. Kasama yan sa pasalubong ko sayo at naisip kong ipasuot sayo ngayon kaya pinalabhan ko kaagad kagabi."
Ngumiti ako at kinuha iyon.
"Salamat.."nahihirapan din akong mamili ng mga damit panlabas kaya eto na nga lang siguro.Hapit iyon sa katawan ko at hanggang itaas ng tuhod ko.sakto lang.
Pumwesto ako sa salamin at naglagay ng kaunting powder sa mukha at isang daplis ng lipstick sa labi. Magmukha lang akong presentable ay okay na. Hindi kasi ako komportable sa makapal na make-up kaya hanggang lipstick lang ako.hinayaan kong nakalugay ang mala-alon kong buhok na hanggang baywang na ata. May pagkared violet ang kulay niyon kaya sa tingin ko ay bagay pag nakalugay. Nagwisik ako ng pabango at sinigurado ko munang kompleto na ang gamit ko sa dala dala ko palaging purse bago muling sinipat ang sarili sa salamin at lumabas narin.Naabutan ko si Ate na busy na naman sa phone nya.ngumuso ako matapos makita ang suot nya.
Naka Vneck Crop top sya na kulay peach at bandage skirt naman sa baba. Nakaponytail ang buhok nya na sinadyang lagyan ng takas sa magkabilang parte ng ulo nya.di tulad ko,masyadong litaw ang make up nya. Oo na,sya na ang magaling pagdating sa ganito. Pareha lang kaming slender ni Ate pero mas bagay sa kanya lahat ng suotin nya."Matutunaw ako Cassandra."mataray nyang sita sakin pero ang paningin ay nasa cellphone parin.
Pati yon napansin pa nya? May third eye ata to."Are you girls ready?!"tumunghay ako sa hagdanan at agad kong nginitian si daddy na nakaformal suit while mom is with her simple black dress. Lumilitaw lalo ang kaputian nya.
Tumayo ako ng tuluyan na silang makababa. Agad kong napansin ang pagkakakunot ng noo ni daddy na ang paningin ay nasa gilid ko. Sinundan ko iyon and there. Si ate na nakatayo narin pero nasa cellphone ang atensyon.kita ng bahagya ang pusod nya sa suot at kalahati lang ng paa nya ang natatabunan ng suot na skirt.
"Sobrang iksi naman ng suot mo Alessandra? Bakit di na lang nong binigay ko sayo?"inis na sambit ni mommy.
Umikot ang mata ni Ate at pinasadahan ang katawan.
"Im prefer with this."Tumikhim lang si daddy at hinawakan sa kamay si Mommy.
"Let's go. Nandon na sila Jeremy.""Ah Dad! Mauna na kayo..may susundo sakin."pahabol ni Ate.
Muling lumingon si mommy,pinagtaasan si ate ng kilay at tumingin kay dad.
"Let her. Let's go Cassandra."
Hindi narin umangal si mommy hanggang sa makasakay na kami sa kulay gray na FORD ni daddy.
"Cassandra. Is your sister has a boyfriend."tanong ni mommy na sinilip pa talaga ako mula sa rear view mirror.
Nakaramdam ako ng kaunting kaba.
Wala akong alam pero ang kilos ni ate ay kahina-hinala. Parati syang nakatuon sa cellphone nya."Di ko po alam."
Di rin naman kami open ni Ate sa isa't isa. Hindi nga ako nagkukwento ng kung ano ano tungkol sa paaralan namin. To think na magkapatid kami at pareha ng pinapasukan. Ganon din naman sya sakin.Close kami pero parang palaging may tamang oras. Kapag may kanya kanya kaming ginagawa ay walang nag-aabalang pumuna.inaasar nya ako pero madalas pag andyan sila mommy. Ako naman naiinis sa kanya pero hindi naman grabe. Dinadaan lang namin sa irap at ikot ng mata. Walang sigawan o sabunutan.
BINABASA MO ANG
MADAM MANGHUHULA!
Teen FictionMapa-Fortune cookies,Fortune-teller,bolang kristal,tarot,belief,Horoscope,Zodiac sign, sabi sabi O kahit ano na may kinalaman sa Pag-ibig at makakapagbigay duda sa kanya ay handa nyang patulan masigurado lang na mabuti ang hinaharap nyang Pag-ibig...