Kabanata 2

4 2 0
                                    

"Anak kailan kayo uuwi?"

"Ma, bukas uuwi na kami jan. Gusto na din ni Kelly na makita kayo"

"Mabuti naman miss na miss namin kayo ni Kelly tyaka kung iniisip mo na magkikita pa kayo mukhang malabo na anak, ikakasal na siya"

"I know ma, gusto kong pagbigyan si Kelly na makita kayo tyaka miss ko na din kayo, Ma"

"Pero anak wala kabang balak sabihin kay Keilton na may anak kayo?" agad akong natahimik sa tanong ni mama "May karapatan padin si Keilton sa bata"

"Ewan ko ma, kahalati sakin gustong sabihin sa kanya na may anak kami, pero kalahati sakin ayaw ko. Natatakot ako na baka hindi niya tanggapin si Kelly, natatakot din akon na baka pagnalaman niya na anak niya si Kelly kunin niya siya sakin. Ayoko ma, ayokong mawalan ulit ako ng anak hindi ko na kakayanan kapag nangyare yun. Ang hirap at ang gulo-gulo Ma!"

"Sam anak, ayaw mo bang magkaroon ng Daddy si Kelly?"

"I want a Daddy, mom" nagulat ako ng nagsalita si Kelly sa likod ko

"Kelly, anak kanina kapa nakikinig?"

"No mom, I just got in when I heard you talking about my Daddy. Mom I want to meet him! Pleaseee!" pagpapa-cute niya sakin

"S-soon anak, you'll meet your D-daddy soon, okay?"

"You always said soon mommy. Diba you told me that my Daddy is in the Philippines? Were going to Philippines tomorrow, are we going to meet him na?!" pagtatanong ni Kelly

"Y-yes, but I'll talk to h-him first okay?"

"Okay po, mom! I'm going to pack my things na, OMG I'm so excited to meet my Daddy, I have so many question to ask him, like why he didn't go to my school or even visit me here" agad akong nasaktan dahil sa sinabi ng anak ko. I'm sorry anak kung nilayo kita sa Daddy mo.

FLASHBACK

"Please Sarah, help me. Ngayon lang, baka kapag sinabi ko sakanya na buntis ako ay magbago siya at baka paki-usapan niya si papa na wag nalang akong umalis ng bansa"

"Sam naman ih! Bawal ka ngang umalis dito sa bahay niyo, maselan ang pagbubuntis mo Sam baka may kung ano pang mangyare sa bata"

"I'll be extra careful now, Sarah. Tyaka kasama naman kita ih. Pleaseeee"

"Fine! Pero ngayon lang ha!"

"Thankyouu!"

"Bababa lang ako para kausapin si Tito na lalabas lang tayo para uhm mag-icecream tutal yun naman ang kini-crave mo diba?"

"Okay. Thankyou talaga Sarah"

"Ano kaba, wala yun. Sige na magbihis kana"

Pagkatapos kasi akong mahulugan pinagbawalan na ako ni Papa na makipagkita kay Keil at balak niya nga akong ipadala sa Rest house namin sa Canada makakasama ko doon si Sarah para daw hindi ako mahirapan. Ang isang baby ko naman ay nailibing na last week, mahirap pero kailangan kong magpatuloy para sa isa ko pang anak.

"UMUWI kayo agad Sam, Sarah ingatan mo tong si Sam. Pinagkakatiwalaan kita, at wag niyo subukang makipagkita kay Keil"

"Opo tito, halikana Sam"

"Aalis na kami pa"

"Mag-iingat kayo"

NANG makarating kami sa bahay namin ni Keil agad bumungad samin ang mga nakakalat na bote ng Alak, basag na mga vase at nakakalat na mga gamit. Agad kong hinanap si Keil

"Keil?!"

Aakyat na sana kami ni Sarah sa kwarto namin ni Keil ng may lumabas galing sa kusina

"Bumalik kana pala" lumingon kung saan nanggaling ang boses nayon at agad na bumungad sakin ang mukha ng lalakeng pinakamamahal ko

What is love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon