Chapter 1

11 2 0
                                    

<Anthon>                                                                                     
I'm Anthony 22 years old. Mafia king, a broken hearted mafia king.

Nandito ako ngayon sa opisina ko nakaupo sa upuan sa harap ng lamesa ko. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng  silid na ito. Malaki ang  opisina ko. Merong isang mahabang sofa at dalawang pang single lang meron ding coffee table at apat na malaking bookshelfs na puno ng mga librong nabasa ko.

Habang inililibot ko ang aking mata sa kabuan ng aking silid, nakarinig ako ng katok.

"Master Anthony maari po ba akong pumasok." sabi ng tao sa labas sa boses pa lang nya alam ko na kung sino sya. Sya lang naman si Ralf ang kanang kamay ng lolo ko.

"Come in." Cold kong sabi tama lang para marinig nya sa labas.

Tahimik siyang pumasok at walang ingay niyang sinarado ang malaking pintuan.

"Why are you here?" sabi ko ng hindi nakatitig sa kanya dahil busy ako sa pag babasa ng libro.

"Pinapunta po ako dito ng lolo niyo para dalhin ang panibagong batch ng mga babae na maaring mapangasawa nyo po young master." sabi nya.

Agad akong nag angat ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Another batch? Hindi ba sinabi ko na kay lolo na hindi ako mag aasawa? Wala akong balak mag asawa. Pang ilang beses na ba ako dinalhan ng mga babae ni lolo huh? At lahat ng babaeng yun hindi pumasa sa akin. San niyo ba nakukuha ang mga babaeng yan?" Malamig na pagkakasabi ko.

Tama naman eh pang limang batch nayan ng mga babae lahat hindi pumasa sa akin. hindi ko naman sinasabing mapili ako pero grabe karamihan labas na ang kaluluwa ayaw ko ng ganon kung hindi naman amoy alak, sigarilyo. Ayaw ko ng may bisyo malay ko bang baka nag tumitira ng drugs pala yang mga yan.

Minsan naman maayos nga ang bihis pero baliw naman. Ayaw ko nga  ng masyadong hinahawakan ako ng nga taong hindi ko kilala magpakasal pa kaya. Ang gusto ko pakasalan ay si Trisha kaso namatay s'ya
anim na taon na ang nakalipas ng dahil sa akin.

"Young master sinusunod ko lang po ang pinag uuyos ng inyong lolo. Ang sabi po nya ay pakitaan ko daw po kayo ng mga babae na maaari n'yong maging asawa." Sabi n'ya habang naka yuko.

"At ang mga babaeng mukang galing sa bar ang kinuha mo?!" sabi ko ng pasigaw dahil hindi ko na kinakaya ang makakita nga halos kita na ang kaluluwa. Hindi pa sila nag hubad.

"Pasensya na po young master pero yang mga babaeng yan ay anak ng may ari ng mga mayayamang kumpanya." magalang n'yang sabi.

"Sige na ipasok mo na yang mga sinsabi mong anak ng mayaman ng matapos na tong kahibangan na 'to. Sabihin mo kay lolo na ito na ang huli." Sabi ko habang hinihilot ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa asawa asawa na yan.

"Masusunod po young master dadalhin ko na po sila dito." Nakayuko n'yang sabi. "Young master ang sabi po ng inyong lolo kapag wala pa po kayong napili ay kayo na daw po ang bahalang maghanap ng magiging mafia queen n'yo." Si nya habang nakayuko.

Hindi ba sumasakit ang likod nila kakayuko?

"Sige na dalhin mo na dito yang mga babaeng sinasabi mo nang matuloy ko na tong binabasa ko at makapag pahinga na."

Muli syang yumuko at walang ingay niyang binuksan at isinara ang pinto.

Habang naghihintay ay pinag patuloy ko munang basahin ang librong binabasa ko. Historical book sya. Oo nakakatamad basahin pero mas nakakatamad ang walang magawa kaya wala akong choice.

When the Broken Hearted Mafia meet the Awesome Author Where stories live. Discover now