Chapter 2

7 1 0
                                    


<Anthony>

"Aray ko! Bitawan niyo ko! Pakawalan niyo na kami!" Sigaw ko sa apat na taong may hawak sa amin.

‡*‡*‡

Habang naglalakad kami ni Trisha pauwi galing sa aming pamamasyal dahil ginunita namin ang aming ika tatlong taong anibersaro Tiningnan ko siya at kita ko sa mga mata niya ang saya.

"Mukang sobrang saya ng girlfriend ko ah." Sabi ko sa kanya. Humarap siya sa akin ng may malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Naman! Sobrang saya ko kasi kasama kita. Hindi mo naman kailangan samahan ako sa pamimili ng mga kailangan ko at bigyan ako ng mga regalo okey na sa akin na kasama kita ngayon magkahawak kamay habang naglalakad pero salamat kasi akala ko nakalimutan mo na ang araw na ito eh."  Sabi niya na parang nagtatampo.

"Pwede ba iyon eh mahalaga din sa akin ang araw na ito, kasi itong araw lang naman na ito ay ang araw na sinagot ako ng babaeng sobrang mahal ko." Sabi ko sa kanya.

"Mahal din kita Raze. Pero sigurado kaba na nauna na sa atin yung mga pinamili natin kanina at yung regalo mo? Sabi ko naman kasi sayo na tayo nalang ang mag uwi non kaya naman natin yun hindi ba?" Tanong niya.

Ganyan talaga siya kapag kaya niya hindi na  siya umaasa sa iba. Ang swerte ko talaga sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya at sabay sabing. "Opo nauna na po yung gamit natin." Kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang text ng driver ko. "Ito po madam patunay." Sabi ko sabay ngiti.

"Hay nako ikaw talaga, halika na nga." Sabi niya at nauna nang maglakad. Sinundan ko naman siya at inakbayan.

Nagtatawanan kami nang may biglang tumigil na kulay itim na van sa tapat namin.

Biglang bumaba ang apat na lalaki na  mayroong malalaking katawan. Hinawakan ko sa kamay si Trisha at marahang inilagay sa aking likod.

"Sino kayo?" May halong takot na nahihimigan sa aking boses dahil nag aalala ako na baka may mang yaring masama, hindi para sa akin kung hindi ay para kay Trisha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When the Broken Hearted Mafia meet the Awesome Author Where stories live. Discover now