Chapter 1

29 5 7
                                    

Reeva's POV

My heart was pounding fast. Nilagpasan niya ako at nagtungo sa isang babae.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis, because I saw him with another girl. Bakit ako naiinis ng ganito? Wala na naman kaming relasiyon ah. Andami ko na ngang iniisip dadagdag pa siya.

Nagising ako sa reyalidad ng may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Ms. Clainston." tawag sa akin ni Mr. Herera.

"M-Mr. Herera." gulat kong saad.

I was on my poker face again. Nang umalis na si Mr. Herera ay ibinalik ko kaagad ang tingin ko sa kabilang side. Nakaalis na siya kasama yung babae.

*Kkkrrrrriiiiinnnggg!*

Rinig kong pagtunog ng bell.

"Ree!" agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses pero napailing na lang ako ng makita kung sino ito. Si Daniel lang pala.

Kiana wrapped her arm on my shoulder pero hindi ko ito pinansin at tumingin na lang sa dinadaanan. Hindi ko rin pinansin si Queenie ng akbayan niya ako kagaya ni Kiana.

"Saan nga pala tayo pupunta?" cold na tanong ko.

"Uhm, sa cafeteria." sagot ni Queenie.

Nang dahil sa pag-iisip tungkol sa nakita ko kanina ay hindi ko na namalayang lunch na pala. I was too occupied with my thought and I don't notice that the hours has passed already. Napansin ko na ang tahimik ni Cassandra. Ano kayang nangyari kanina sa room? Whatever.

"Hi guys!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Erick pala.

"Hi." bati ko.

Nasa cafeteria na kami at nakakuha na kami ng food at lugar na mauupuan. "Boring. Wala ba kayong earphones na dala?" cold na medyo bored kong tanong sa kanila.

"Nasa'n ba yung earphones mo?" tanong ni Queenie.

"Naiwan ko." sagot ko na lang para wala ng tanong ng tanong.

"Oh, heto hiramin mo muna." alok ni Erick.

"Thanks." pabulong na pasasalamat ko. Bago ko pa maisuot ang earphones ay meron akong narinig.

"Hoy, nabalitaan mo ba bumalik na daw ex ni Reeva!" sabi ni girl no. 1.

"Ah talaga sino daw?" tanong ni girl no. 2.

"Bryce daw pangalan." sagot ni girl no. 3.

Napansin kong nagtitinginan na lahat ng estudyante sa amin at punagtsitsismisan na rin ako kaya mabilis kong isinuot ang earphones na iniabot ni Erick. Napansin ko rin na pati mga kaibigan ko ay nakatingin sa akin pero siyempre deadma lang.

Pagkatapos namin kumain ay agad kaming umalis. Pupunta muna kami sa library bago pumasok sa room pero siyempre kailangan ko munang tanggalin ang earphones ko dahil bawal sa rules ng library. Ewan ko ba kung bakit nila ipinagbabawal.

"Reeva pwede bang magpatulong sa assignment?" nagmamakaawang tanong ni Kiana.

"Ang dali-dali lang naman nun magpapatulong ka pa." pang-aasar ni Jonathan kay Kiana.

"Sige." sagot ko kay Kiana.

Nakakainis talaga yung nangyari kanina. Bakit ba ang mga tao sa eskwelahan nito ay ang hilig pagtsismisan ang buhay ko? It's okay if they idolize or like me but it's not okay to talk about something about me na alam naman nilang ikinaiinis ko.

Fake LoveWhere stories live. Discover now