Chapter 2

19 5 6
                                    

Reeva's POV

Nandito na kami sa library at ang tahimik ng paligid, nakakabingi talaga ang katahimikan. Naupo na sila at nag-umpisa ng magbasa habang ako ay tinutulungan si Kiana sa assignment niya.

Nahihirapan kasi siya sa math. Nasa trigonometry na kasi kami at saka medyo slow kasi si Kiana. Pero we're best friend pa rin naman kaya okay lang yan.

Maya-maya pa...

"Hoy Erick sinusundo ka ng girlfriend mo." pabulong na sabi ni Samuel.

Napalingon naman kaming lahat kay Alliah na girlfriend ni Erick. Para naman 'tong langaw na may sinusundang tae. Kaaalis lang ni Erick saglit sa tabi niya, lulusubin agad niya.

"What are you doing here?" pabulong na tanong ni Erick kasabay ang pagtayo.

"Ano ba sa tingin mo!" bulyaw ni Alliah kay Erick na nagpasimula ng tsismisan ng mga estudyante.

"Shhh!" pagpapatahimik ng librarian na kanina pa pala nakabantay sa amin.

Agad na lumapit si Erick kay Alliah at tsaka kinaladkad palabas ng library. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa ginagawa namin ni Kiana.

"Saan na nga ba tayo?" mahina kong tanong kay Kiana.

"Ahh number 7 na." mahinang sagot ni Kiana.

Muli kong ipinaliwanag kay Kiana kung ano ang gagawin. Tumango-tango naman siya na akala mo ay naiintindihan, pero maya-maya lang ay nakalimutan niya na naman kung paano gawin.

*face palm*

Erick's POV

"Ano na naman ba?" tanong ko kay Alliah na medyo naiinis.

"Lagi mo na lang kinakampihan yang Reeva na 'yan!" pasigaw niyang sabi.

Hayst eto naman tayo. Kung pwede ko lang yun sabihin sa'yo eh. Kung alam mo lang ang tunay na dahilan.

"Di ba pinag-usapan na natin 'to?" mahinahon kong sabi.

"Ayan na naman tayo lagi mo na lang yan sinasabi, na wala kang gusto sa kaniya. Na ako lang mahal mo!"

Buti na lang nasa rooftop kami. Kung hindi marami na namang tsimis tungkol sa amin palagi kasing sumisigaw.

Huminga na lang ako ng malalim.

"Paano ako magtitiwala?" tanong niya pero hindi na pasigaw.

"Just trust me." malambing kong sagot.

"Promise?" mahinahon niyang tanong pero mukhang hindi pa rin kumbinsido.

"Promise." sabi ko habang nakacross sign sa tapat ng dibdib ko.

"Okay. Don't you dare lang talaga na lokohin ako " mataray na pagbabanta niya sa akin.

Nginitian ko na lang siya. Bumalik na lang kami sa room baka kasi magring na yung bell.

Fake LoveWhere stories live. Discover now