Chapter 00

1.7K 91 101
                                    

CHAPTER ZERO

CEAN

The worst part of confessing to someone what you feel is getting judged and rejected at the same time. Umamin ka nga naman pero na-judge at na-reject ka. Double kill. We all know that rejection is a part of confessing, pero bakit ganon? Kailangan pa na ma-judge ka na para bang mali ang ginawa mo? Is it wrong to love someone while wishing them to love you back?

Oh well, enough with the drama. Agad kong pinatay ang laptop ng kapatid ko dahil ang corny ng pinapanood namin na isang short film na gawa nila. It's all about a girl, got rejected by the one she loves and you know what happens next. Napatingin ako sa kapatid ko na para bang iiyak na kaya iniabot ko sa kanya ang dala kong panyo. Agad niya naman itong tinanggap saka siningahan. Gross.

“Ba’t mo naman pinatay, Cean? Nanonood pa ako eh.” She snorted. Tumayo na ako sa kinauupuan ko saka nagpagpag ng sarili. It's already 12:01 in the afternoon at hindi pa kami kumakain ng tanghalian dahil sa panonood namin. My stomach’s growling because of hunger. Kung pwede nga lang na iwan ko itong kapatid ko ay ginawa ko na but knowing her, mag-a-alburoto siya sa galit dahil iniwan ko siya.

“Aren't you coming with me? Kakain na tayo.” I said while looking at her. Padabog naman niyang inayos yung gamit niya saka tumayo. Her steps are heavy because the heels of her shoes creates a loud thud. She’s pissed. We started walking towards the cafeteria of this university. Habang naglalakad kami, napansin ko ang mga iwas na mga mata sa paligid namin. When they are trying to look at me and found me looking at them, agad nilang iniiwas ang mga tingin na para bang ayaw nilang matawag sa recitation.

Kilala ako dito sa Manyu University bilang junior at pinakabatang council president. I am known for my peevish personality and also for being a hot-tempered guy. Masungit akong tao. Even the kids near our house called me devil for being like that. Strikto din ako when it comes to the university's polices kaya maraming iwas sakin. Why wouldn’t I be strict? It’s the duty of the school council’s president. Well, being a president is hard dahil hawak ko lahat. From freshmen upto seniors at kapag may mga violations na nagawa ang mga estudyante dito ay sa akin ang bagsak but I can handle any of that.

“Alam mo Cean, ang kj mo! Ang ganda na ng pinapanood ko tapos bigla mong papatayin!” Maktol niya. Her heavy steps changed into a normal one. Mukhang nahimasmasan na siya’t humupa na ang inis. I gave her a death glare that makes her mouth to shut. Kanina pa siya maktol ng maktol dahil sa ginawa ko. Anong maganda dun? Dahil ba siya yung director ng short film na yun?

“Palibhasa nangyari rin sa ‘yo yung nangyari sa babaeng bida sa film namin. Bitter!” Aniya saka ako nilampasan at naunang pumasok sa cafeteria. Umiiling-iling akong sinundan siya. Tumigil ako sa tapat ng pinto ng cafeteria upang ayusin ang sarili bago pumasok. I neatly fixed my tie na nakatabingi pala. Pagkapasok ko ay may mga napapatingin sa gawi ko habang ang iba naman ay umiiwas ng tingin katulad sa mga nadaanan namin kanina. Maya-maya pa'y may naaninag akong tao na papalapit samin habang kumakaway-kaway. I just wear my usual bored look to make him feel that I’m not happy to see him nor interested on seeing him but he seems not to care.

“CEAN!” Sigaw niya habang tumatakbo papalapit sakin. T'was our gay cousin, Daniel or should I say, Daniella. He’s running na para bang nasa isang marathon at hindi ako nakita ng ilang taon. Masama na ba ako kung iisipin ko na sana ay madapa siya?

Nang makalapit siya sa ‘kin ay akmang yayakapin niya ako ngunit inilayo ko ang sarili mula sa malandi niyang katawan. Knowing him, I mean her or any of the two, hindi niya lang ako yayakapin. He’s going to touch my buttocks and squeeze it. Ganon siya kapag nakikita niya ako and I find it uncomfortable kahit na pinsan ko siya. Lumapit naman siya sa gawi ni Cenna na hanggang ngayon ay inis pa rin sakin. Akala ko nawala na inis niya sakin.

accidentally kissed by a guy ✓Where stories live. Discover now