Chapter 01

958 73 51
                                    

CHAPTER ONE
CEAN

Dahil hindi na rin naman ako makaidlip, naisipan kong maligo na lang to freshen myself up but before doing so, inihanda ko muna ang susuotin ko. Naalala ko yung imaheng nakita ko kanina pagkapikit ko. Why of all people yung taong iyon pa? Bakit yung sophomore pa na iyon with his playful smirks? Cut it off, Cean.
 
“Now what should I wear?” Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa wardrobe ko. I don't know what to wear. Lahat ng nasa loob ng wardrobe ko ay mga formal attire for casual events and important gatherings ng family, uniforms, polos, some t-shirts na pangbahay and such. I never liked parties. The noise, the people, the surroundings, the smell. Lahat ayoko because of a certain reason.
 
I came up to wear a eureka blue polo dahil iyon lang ang nakikita kong pwedeng suoting pangdalo sa party, paired with black jeans and a pair of shoes. Matapos kong mag-ayos ng susuotin ko ay dumiretso na ako sa bathroom. Tinanggal ko lahat ng suot ko saka binuksan ang shower. Sumuong ako sa ilalim ng tubig na lumalabas mula sa shower at hinayaang umagos ito sa buong katawan ko habang ang mga kamay ko ay nakatukod sa dingding. Malalim akong napabuntong-hininga habang nakapikit.
 
Nang tuluyang mabasa ang buong katawan ko ay ginawa ko na ang dapat gawin hanggang sa matapos ako. Sinuot ko ang bathrobe saka lumabas ng bathroom. Napatingin ako sa wallclock ko at malapit ng mag-alas seis. I hurriedly wear my underwear, pants and polo saka ako nagsapatos. Inayos ko na rin ang buhok ko saka nagpabango. Tatayo na sana ako muka sa pagkakaupo sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito't tiningnan. Cenna's calling.
 
“Oh?” I greeted her.
 
“Where are you? Kanina pa ako naghihitay dito kina Tito Dan!” Tanong nito na halatang naiinip na. Wait, did she say, nasa kina Tito Dan siya? Ang aga niya naman atang nag-ayos? Is she that excited?
 
“I'm on my way there. Give me 25 minutes.” Sagot ko. Narinig ko naman ang pagbaba niya sa tawag kaya dali-dali kong kinuha ang car keys ko at yung susi nitong unit ko. Nilagay ko sa bulsa ng pantalon ko yung phone ko saka ako sumakay ng elevator at pinindot ang ground floor.
 
Pagkarating sa ground floor ay agad akong dumiretso sa parking lot. May nakakakilala pa sakin na binati ako ngunit wala na akong pake roon dahil alam kong nag-aalburoto na sa galit si Cenna. Napatingin ako sa relo ko at 6:30 na. What the? Sumakay agad ako sa kotse at pinaandar ito. Naramdaman ko naman na nag-vibrate yung cellphone ko sa bulsa ng pants ko kaya agad ko itong kinuha't sinagot. It's Casio’s calling.
 
“Casio?”
 
“Pres! Pupunta ka?” Tanong niya sa kabilang linya.
 
“Yes. Susunduin ko lang sina Cenna and we'll be there before 7.” Sagot ko. Medyo maingay na sa background niya dahil hindi ko na siya masyadong naririnig.
 
“Sige, Pres. Thank you ah.” Aniya bago pinatay ang tawag. Saktong pagkapatay ng tawag ay siya namang pag-appear ng pangalan ni Cenna sa screen ng phone ko.
 
Hindi ko na ito sinagot dahil nakikita ko na sila. Tumigil ako sa harap nila and I saw my sister's facial expression. Nakakunot ang mga noo niya at nakasimangot hudyat na naiinip na siya sakin kakahintay sakin. Sabay sila ni Daniel sumakay sa backseat.
 
“What took you so long? We're going to be late na! Sayang outfit ko, Kuya!” Pagmamaktol niya pagkasakay nila. Hindi ko na lang ito pinansin saka nag-u-turn. Naging tahimik naman ang loob ng kotse ng umalis kami.
 
After 25 minutes ay nakarating na kami sa bahay nina Casio na nasa isang subdivision malapit sa subdivision namin. Kamuntik pa kaming hindi papasukin dahil bago yung guwardiyang nakabantay. The moment we enter their house, I saw a bunch of teens na sa tingin ko ang iba ay schoolmates namin. There I saw Casio, busy entertaining his visitors. Nang makita niya kami ay kumaway ito at nagpaalam sa kausap niya and rush towards our direction.
 
“PRES! CENNA! DANIEL!” Sigaw nito ng makalapit samin. Akmang yayakapin niya sana ako ng pigilan ko siya kaya ang ending, si Daniel ang niyakap niya.
 
“Buti naman at nakapunta kayo! Cenna, you're so gorgeous! And of course, Daniel too!” Pagpupuri niya sa dalawa. Nagyaya naman si Casio papasok sa loob ng bahay nila at naka-akbay pa siya sa dalawa. Nakasunod lamang ako sa kanila dahil hindi ko alam yung gagawin ko dito. I looked like a bodyguard of the two.
 
This is not the first time na nakapasok ako sa bahay nina Casio but everytime na pumupunta ako dito ay hindi ko mapigilang hindi humanga. Casio's family is indeed one of the richest family here in the Philippines. Ang bahay nila ay tinawag na Iron Man's house dahil sa high technology na naririto. Voice command karamihan sa mga gamit dito. What do you expect from a family of Mechanical Engineers?
 
“Casio! Nakainom ka na ba?” I immediately looked at the woman infront of us. She's the mother of Casio, Tita Georgette. She’s wearing a purple long sleeveless dress that matches her fair skin. Hindi mo mahahalata sa kanya na nasa mid 40s na siya dahil baby face ang ginang. Nagmano naman ako sa kanya as a sign of respect habang nakipagbeso naman sina Cenna.
 
“Mom, hindi! I'm just happy dahil nakapunta si Pres!” Aniya saka ako inakbayan. I smell the alcohol from him. He lied to his mother. “Don't lie to me, young man.” Tita Georgette said while rossing her arms.
 
“Alright. Konti lang naman nainom ko, Mom.” Pagsuko ni Casio at saka nagpaalam samin dahil paparami na ang mga bisitang pumapasok sa bahay nila. Pinaupo naman kami ni Tita Georgette at inalukan ng pagkain. I refused dahil nakakain na ako sa unit ko. I just came here not to party but to attend Casio's birthday. Presence ko lang ang kailangan niya and I already said earlier na hindi ako mahilig sa ganito.
 
Naramdaman ko naman na umalis yung katabi ko which is Cenna. I gave Daniel a death glare but he seems not to care instead, pinakita niya lang yung phone niya which is nakuha ko naman ang gusto niyang iparating. Someone's calling my sister. Maybe her boyfriend? Nah. Walang lalaking mangangahas na ligawan yung kapatid ko. Sa sobrang sadista no’n for sure hindi tatagal ng ilang linggo ang magiging boyfriend o manliligaw niya. Even I, couldn’t stand her.
 
“Good evening everyone! I just want say, thank you for coming! Yung mga kaklase ko and ka-team na humihingi ng lumpia, meron tayo mga erp! Pwede kayong magbulsa!” Naagaw ang atensyon naming lahat ng biglang magsalita si Casio. Rinig mula rito sa loob ang boses niya. Ang iba ay natawa dahil sa sinabi niya but I didn't find it funny. Is it even a joke or a statement? Lumabas naman kami nina Tita Georgette and Daniel upang makisalo sa kaganapan sa labas ng living area,
 
“Also, gusto kong magpasalamat sa pinakamamahal kong president ng Manyu University for attending. Because this is the best gift that I've received today. Hindi kasi siya mahilig dumalo sa mga ganitong event kaya, Pres. Cean, thank you so much!” He continued teary-eyed. Dahil sa sinabi niya ay napapatingin ang iba sa akin and I just nodded at Casio, not minding the stares coming from the people around me.
 
Tumagal ng ilang minuto ang speech-kuno ni Casio bago nagsimula ang pinaka-highlight ng party niya which is inuman at sayawan. I simply yawn because of boredom at napansin iyon ni Daniel. Nakapasok na rin kami sa loob dahil maingay sa labas and Cenna’s still not here.
 
“Inaantok ka na?” Daniel asked me out of nowhere. “Yeah.” Tipid kong sagot. Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa table kung saan nakalagay ang mga alak. He grabbed 2 glasses of alcoholic drink which I think is a vodka, before heading back to our sits. Inabot niya sakin yung isang glass ngunit tinanggihan ko ito. I'm not fond of drinking alcoholic drinks. Inabot ulit ni Daniel sakin yung alak pero may lumapit sa gawi namin na isang grupo and there, I saw Casio holding a bottle of beer.
 
“PRES! TARA INOM TAYO!” Pagyaya ni Casio. I looked at him. His eyes are turning red and also his cheeks. I smell the reek of alcohol on his shirt and breath. Hindi na maayos ang kanyang paglalakad and by that, I know he's really drunk. He's also offering me a bottle of beer but I declined again.
 
“LIKA PRES! DOON TAYO SA MGA KA-COUNCIL NATIN! NANDITO SILA!” Casio said while holding my wrist. He's really drunk and I can't stand it. Inagaw ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka sunod sa kanya. Nung una ay nabigla siya sa ginawa ko but then he just shrugged. Sinundan ko na lang siya patungo sa kung nasan ang council.
 
Nang makalapit kami sa council members ay binati nila ako. They're all shocked upon seeing me with Casio. Maybe it's because I've never attended birthday parties before. Well, except to my family and relatives' birthdays. Yung maingay na surrounding ng ibang council members ay napalitan ng katahimikan. Kinuha ko na lang yung phone ko mula sa bulsa.
 
“Don't mind me.” I said while checking my phone. I felt their gazes on me.
 
“Uhm… Buti Pres nakapunta ka.” I looked at the one who said that. T'was Francine.
 
“Casio invited my sister and cousin.” Tumango-tango naman sila sa sinabi ko. Parang ang layo ng sinabi ko. Matapos nun ay nagkanya-kanya na sila. Yung iba nasa may pool sa labas nakikipaghalubilo sa ibang bisita. Yung iba naman nagpapakasawa sa alak. At yung iba, nagkukwentuhan.
 
I decided to leave my spot the moment na umingay lalo ang paligid. Mom's calling me so I hurriedly left my spot to answer it and also to get away from those loud noises.
 
“Ma? What is it?” Tanong ko pagkasagot ko sa tawag.
 
“Oh, nothing! Just wanna check you two kung anong ginagawa niyo. Where's Cenna? I can't contact her.” Mom answered with a question. Now that she mentioned my sister's name, where is she?
 
“She's inside, Ma. Abala sa pakikipaghalubilo sa mga schoolmates namin na kakilala niya.” I lied. Sumilip naman ako sa may gate upang hanapin si Cenna kahit na malayo ako sa loob. Still no sign of her. Where is she?
 
“Okay! Well, enjoy there Cean. I know this is the first time na umattend ka ng party ng kaibigan mo.” Mom said while giggling. Napapailing na lang ako. Para siyang teenager.
 
“He's not my friend, Ma. I'll hang up now. Medyo maingay na eh.” I heard her laugh on the other line before she bid her goodbye.
 
Pagkapatay ng tawag ay bumalik ako sa loob. I find myself walking towards where Casio and the other council members are. May bumangga pa sakin na lalaking nakasuot ng hoodie jacket. He seems suspicious though. Hindi pa man ako nakakarating sa pwesto nila ay mukhang nagkakasiyahan sila dahil mula sa kung nasan ako, maririnig mo ang mga tawanan nila. Biglang tumayo si Casio sa pwesto niya saka lumapit sakin ng makita ako. I gave him a questioning look.
 
“Saan ka pumunta, Pres? Bigla kang nawala ah!” Tanong nito.
 
“Sinagot ko yung tawag ni mama and also I searched my sister but I couldn’t see her.” Sagot ko. Tumango-tango siya sabay abot ng isang shot glass sakin. All eyes are on me, waiting for me to accept it but again, I declined it. I really don't drink. It's bad for our health.
 
Ilang beses nila akong sinubukang painumin but I just refused them hanggang sa sumuko sila pero hindi pa rin ako tinitigilan ni Casio. I decided to send a message to Daniel to find Cenna dahil uuwi na kami. I'm getting annoyed by these people here. After sending a message to Daniel, he then replied immediately saying that he's with Cenna and they're still dancing with their friends – should I say new friends. Sometimes, going to parties like this has a great advantage to an individual. It will let you meet different persons, socialize and be friends with them but not to me. Sometimes, attending something like this has a great chance na magkaroon ng gulo lalo na kung may mga basagulero.
 
I replied asking where they are dahil pupuntahan ko sila and he said nasa may pool area sila ng bahay nina Casio at malapit lang iyon sa kung nasan kami. I immediately stood up and excused myself to the members. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapunta sa pool side ay biglang namatay ang mga ilaw, leaving only the neon lights. Nainis ako dahil doon dahil kailangan ko ng pumunta sa kung nasan yung dalawa pero nabigla na lang ako ng may biglang humarang dadaanan ko. The hoodie guy who bumped at me earlier. Inilapit niya ako sa kanya by grabbing my left arm and accidentally, our lips met. I tried to pushed him away pero pinigilan niya ako. He pressed his lips on mine and it lasted for about 30 seconds. What the hell?! What am I even thinking? A guy kissed me! We accidentally kissed! Susuntukin ko na sana siya ngunit nabigla ako sa isinigaw niya.
 
“GUSTO KONG SABIHIN SA INYO NA, KAMI, NG TAONG ITO! AKIN SIYA! SA MGA NAGTATANGKANG MANLIGAW SA KANYA, SUNTUKAN MUNA!! WE’RE DATING AT MAHAL NAMIN ANG ISA'T ISA! BACK OFF! AKIN SIYA!” Biglang natanggal ang pagkakalagay ng hood niya sa kanyang ulo revealing his hair. I can't recognize him because of the lights but one thing or sure, I saw him somewhere hindi ko lang maalala dahil sa neon lights na present.
 
I am shocked on to what he said. Jaw-dropped and I can't even move a single part of me. Bumalik na rin sa dati ang ilaw at lumiwanag na ang paligid. And it hit me big time nang tumingin siya sakin. T'was the sophomore and he's drunk! Red face, sleepy eyes and he reeks of alcohol. His eyes are slowly closing while looking at me. He cupped his hand on my face. Nagulat ako dahil doon. Itutulak ko na sana siya ng bigla ulit siyang magsalita. Giving me chills.
 
“Akin ka lang.” T'was almost a whisper but enough for me to hear before he passed out on me. Pareho kaming natumba dahil nawalan ako ng balanse sa bigat niya lalo na’t he’s inches taller than me. When I roam my eyes around that's when I realize na agaw-atensyon ang nangyari. Marami ang nakatingin sa gawi namin. Even the council members. Some of them are taking picture and videos, while some are still partying. How can he be invited in this party?
 
What the hell did this sophomore do?

*****
Thank you for reading! Hope you like it! Happy reading and God bless!

All rights reserved © soominri 2020

accidentally kissed by a guy ✓Where stories live. Discover now