Chapter 05

660 61 75
                                    

CEAN
 

At exactly 12 o'clock ay nag-ayos na kami ng kanya-kanya naming gamit. Tapos na ang kalahating araw ng klase namin at mamayang hapon ulit. Habang nag-aayos ng gamit ay pinag-uusapan ako ng ilan sa mga kaklase ko.
 
“Hindi ko talaga kayang makipagpatalinuhan sayo, Cean. Pambihira ang talino mo.” Wika ng katabi ko.
 
“Sinabi mo pa, Llyod. Running for summa cum laude ata tong President natin eh.” Sang-ayon naman ng kaklase kong isa. Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila. I'm not that smart nor intelligent. I'm just fond of studying and besides it's for my future. Gusto ko ng magandang kinabukasan. And for that to happen, I need to study and strive hard. I’m also enjoying what I’m doing so, no regrets at all.
 
Hindi na ako nagtagal pa sa room namin saka naglakad papunta sa pinto. Bago pa man ako makarating doon ay nakarinig ako ng tilian at hiyawan mula sa labas. Hindi sana ako makikiusyoso ngunit naitulak-tulak ako ng mga kaklase kong babae papalabas sa kumpol ng mga estudyante. Pilit kong inaalis ang sarili ko kumpulan dahil nasisikipan ako. Also, I hate crowds. It’s too much to handle.
 
“Sorry girls, taken na yung puso ko.” Napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses na iyon. At doon nakita ko siya. Nanggaling ito sa sophomore na itinulak ko sa pool. Siya na naman? Ba’t ko ba siya laging nakikita o nakakasalamuha? Kabute ba siya sa past life niya?
 
“Sino ba hinahanap mo, Cali?” Pa-cute ng pa isang babae at pinaliit pa ang boses nito. Ngumiti naman ang loko. Tch. He's enjoying this kind of attention from the girl students. Attention-seeker.
 
Nang makaalis ako sa kumpol ng mga estudyante ay agad akong tumungo sa cafeteria. Buti na lang hindi ako nakita nung sophomore na yun. I can’t stand his arrogance. Masyado siyang mayabang at mahangin. Tinalo niya ba bagyo sa sobrang hangin niya.
 
“What happened to you, Kuya?” Tanong ni Cenna nang makaupo ako sa harapan niya. Naka-order na siya ng lunch namin at mukhang ako na lang ang hinihintay.
 
“Just eat.” Tipid kong sagot. Kinuha ko naman mula sa tray yung in-order niya para sakin. It's a chicken fillet. I dig in, not minding the students inside the cafeteria and not minding my sister. Kailangan kong bilisan ang pagkain dahil didiretso pa ako sa council room. I need to sign some approvals regarding the upcoming event. President’s duties.
 
“Hi baby!” Halos mabilaukan ako dahil sa sigaw na iyon. Narinig ko naman ang pag-usog ng upuan na nasa kanan kung saan ako nakaupo.
 
“Uh? Who are you?” Tanong ni Cenna. Kahit na hindi ko tingnan kung sino ang nasa tabi ko ay alam ko na dahil isang tao lang naman ang tumatawag sakin ng baby. Tch. That sophomore again.
 
“Cali! Ikaw ba kapatid ni Cean? You're pretty!” Aniya na naging dahilan ng paglingon ko rito. Wagas itong nakangiti habang nakikipagkamayan sa kapatid ko. Agad kong pinaghiwalay ang mga kamay nila.
 
“What do you want, sophomore?” I said in a freezing tone while giving him a bored look.
 
“Aray naman, Baby. Nakakasakit ka na ah.” Wika nito sakin saka ibinaling ang tingin sa kapatid ko. “Mind if I join you?” Tanong niya at ang kapatid ko, tumango-tango lang.
 
“Why did you call my brother, Baby?” Usisa ni Cenna.
 
“O? Di mo alam? Baby, hindi mo sinabi sa kapatid mo?!” Pasigaw nitong sabi na umagaw sa halos kalahati ng bilang ng mga estudyante sa loob ng cafeteria. Tinakpan ko naman ang bibig nito ng akmang magsasalita pa siya. Nang marealize kung ano ang ginawa ko ay agad kong inalis mula sa pagkakatakip ng mga kamay ko sa bibig ng sophomore na iyon.
 
“O-kay? What's going on, Kuya Cean?” Tanong ni Cenna sakin. Halata mo ang pagkalito sa mukha niya dahil sa tingin niyang nagtatanong.
 
“Don't mind him.” Tipid kong sagot saka tumayo. Nagpaalam ako kay Cenna na babalik na sa council room but before I can even make a step, that sophomore held my hand that made me look at him. Glaring.
 
“Sama ako. Please.” He said while pouting his pinkish thin lips. Napatitig ako sa mga labi niya. I don't know why but I found his lips tempting. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig doon until his lips formed into a lopsided grin. Umiwas ako ng tingin dito at saka lumabas ng cafeteria.
 
“What were you thinking, Cean? You're a man for peter's sake!” Kausap ko sa sarili habang pilit na inaalis sa utak ang pagtitig ko sa labi nung sophomore na yun. Ganon lamang ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa council room. Pinagtitingnan pa ako ng ibang mga estudyante na nadaraanan ko.
 
Pagpasok ko ay wala pang tao kaya mas madali akong makakapagfocus. For sure may mga klase na ng ala una ang iba sa council members kaya after their lunch break ay diretso na sila sa kanilang respected rooms. Me? Mamayang 2:30 pa ang unang subject ko for this afternoon at ang huli kong subject ay 6:45 ng gabi.
 
Pagkaupo ko sa swivel chair ko ay dinama ko ang katahimikan. Walang manggugulo sakin ngayon. I can finally finish signing some papers and do some reports to the director. Akala ko talaga walang manggugulo but after 5 minutes, I heard the sound of opening the door. Maybe it’s Casio.
 
“Baby!” Unexpectedly, t'was the sophomore. I silently rolled my eyes because of annoyance. How nice. Ang tahimik na paligid ay napalitan ng isang malakas at mapwersang paghampas nito sa mesa ko na nagpagulat sakin.
 
“Mukhang tayo lang ang nandito.” Gulat akong napatingin sa mga kamay niya. Does it even hurt?
 
Unti-unti kong iniangat ang mukha ko, only to find out that our faces are just an inch apart. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya. His blue eyes caught me off guard. Telling me to stare at it.
 
“I have a proposal to make.” Seryoso niyang sabi. Dumistansya naman siya at kinuha ang isang swivel chair saka doon umupo habang nakaharap sakin.
 
“I don't have time for your stupid proposal.” Wika ko saka nagpatuloy sa pagbabasa ng mga papers.
 
“I just want to help you. Alam ko ang pakiramdam ng hindi pinili.” What he said made me stopped for a moment. Tiningnan ko siya at nakayuko lamang siya. He’s not even looking at me. What is he talking about?
 
“Nakita kita noong isang araw sa parking lot. Nakita ko lahat ng sakit na visible sa mukha mo habang nakikitang may kahalikang iba ang mahal mo.” Mahinahon niyang sabi. Napatayo naman ako dahil doon. Hindi makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
 
“You're hurt and I know what it feels like. Handa akong tulungan ka, Cean. Alam kong hindi ka pa nakakamove on sa kanya. That's why I'm—” Dahil sa inis ko ay kinuwelyuhan ko siya na anging dahilang upang matigil siya sa sasabihin. This time, I lost my cool. Wala akong pake kung mas matangkad siya sakin. He really pissed me off this time.
 
“You don't know anything about me. Back off.” I said in a cold, freezing tone saka hinigpitan ang pagkakakwelyo sa kanya. Hinawakan niya ang kamay kong nakakwelyo rito at bigla akong napabitaw dahil sa kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.
 
“I may not know anything about you but what I saw is enough for me to help you. Just say yes to my proposal.” May nakakalokong ngiti niyang sabi. Akmang kukwelyuhan ko ulit sana siya ng bigla akong na-out of balance at napabagsak ako sa sophomore na iyon. Nagkatitigan kami ng ilang minuto at bigla kong naramdaman ang madaliang dampi ng labi niya sa labi ko. Sakto namang bumukas ang pinto ng council room at naroon sa pintuan si Casio at Kyle. Sa likod nila ay may isa pang estudyante na hindi ko maaninag kung sino dahil natatakpan ito ng dalawa but I’m pretty sure na babae ito dahil sa skirt nito.
 
“Pasensya na, Pres! Hinahanap ka kasi ni Cenna.” Paghingi ni Casio ng paumanhin. Umalis naman ako sa pagkakadagan sa taong nasa ilalim ko at agad na lumapit sa may pinto.
 
“What is it Cenna?” Tanong ko. Tiningnan niya naman ako na parang iiyak na. What happened to this lady? May nanakit bas a kanya?
 
“You jerk! Hindi ko alam na boyfriend mo pala si Cali!” Bulyaw niya sakin. Ano ba pinagsasabi nito?
 
“What are you talking about? You know him?” Tanong ko. She just rolled her eyes and handed me a paper–more like, the school's publication paper.
 
“Duh! Of course! Siya ang kaya ang soon-to-be captain ng swimming team ng Manyu!” Aniya. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at tiningnan ang school paper. Doon ko itinuon ang pansin.
 
Nasa unang page ang nangyari sa pool. Napahilamos naman ako sa mukha't napagpasyahang papasukin siya sa loob dahil pinagtitinginan na siya ng ibang mga estudyanteng dumaraan doon. She’s making a scene. Sina Casio naman ay bumalik na sa kani-kanilang room.
 
“Cenna, what you've read in that paper isn't true. I'm not a gay and I will never be.” Pagpapaliwanag ko and I think I sounded defensive.
 
“Okay lang naman sakin yun eh. Ang hindi lang sakin okay is, nilihim mo sakin na mag-on kayo. H’wag ka ng defensive riyan.” Aniya sabay turo sa sophomore na prenteng nakaupo lang. Napasapo ako sa noo ko. She really misunderstood everything.
 
“Hey you,” turo ko sa sophomore. “Get out!” Sigaw ko rito ngunit hindi siya natinag. Nakaupo lang siya habang nakatitig sakin. I composed myself. This isn't you Cean. Hindi ka dapat nagpapadala sa mga ganito. You're not like this before. You can fixed anything at this instant hindi yung tumatagal pa.
 
“I'll be heading now. Gusto ko lang malaman kung totoo ba yung nasa school paper and it’s true. Enough na yung nakita ko kanina. By the way, Ate Nicole's going to study here. Ciao!” Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa huling sinabi niya hanggang sa makalabas siya ng council room. Leaving me and the sophomore alone. Did I hear her right? Dito mag-aaral si Nicole? Is she going to repeat her 3rd year here? I don't know what will happen to me now. Inaamin ko na masakit pa rin na hindi ako ang pinili niya. Masakit pa rin ang ginawa niya sakin. Ang pag-iwan niya.
 
Napitlag ako dahil sa biglaang pagyakap sakin mula sa likod. “Pumayag ka na kasi. Tutulungan kitang kalimutan siya. Hayaan mo lang akong iparamdam sayo yung dapat mong maramdaman na pagmamahal.” Mahina nitong sabi. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. He sounds so sincere yet I can’t decide right now. I don’t know if I should trust him or not. Ano ba ang dapat kong gawin?
 
“Get off.” Utos ko at sinunod naman niya. Humarap ako sa kanya, giving him a serious look.
 
“What do you want, Sophomore?” Tanong ko. I just don't get it. Gusto niya akong tulungan para makalimutan si Nicole? We're both guys for peter's sake. Also, his reason isn’t enough para magpropose siya sakin ng ganoon.
 
“Accept my proposal. I will do anything for you to be able to forget her. And,” tigil niya saka ako tiningnan sa mga mata. His blue eyes are gleaming. “Hayaan mo akong mahalin ka.” After those words, I felt his thin soft lips met mine. I pushed him away and wiped my lips. I felt my face heated up. Ano ba tong nararamdaman ko?
 
“Are you insane?” I asked angrily. Sh*t this sophomore. Nakakailang halik na siya sakin. Worst, he is my first kiss for peter's sake.
 
“I'll wait for your answer until the day after tomorrow. Bye for now, Baby.” Aniya na hindi pinansin ang tanong ko. With that, he left na parang walang nangyari. Lanta akong tumungo sa desk ko at saka umupo. Ipinatong ko ang mga braso ko rito at saka yumuko. I can't think clearly right now.
 
Ginulo ko ang maayos kong buhok out of frustration ngunit inayos ko rin ito ng marinig ang school's alarm, hudyat na tapos na ang unang klase ngayong hapon. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko sala lumabas ng coumcil room. Pagkalabas ko ay may iilang estudyante akong nadatnan at gulat nila akong tiningnan. Probably because they didn't know someone's inside the room.
 
Tahimik lang ako habang naglalakad patungo sa room kung saan ang unang subject ko. Pagkarating ko ay biglang tumahimik ang mga kaklase ko. Tch. Am I that intimidating? Ilang oras pa ang hinintay ko bago nagsimula ang unang klase ko ngayong hapon. Nakinig lang ako sa professors ko. Bihira lang ako sumagot sa mga questions because I'm not in the mood.
 
Nagtuloy-tuloy lang na ganon ang ginawa ko and for the first time, nakaramdam ako ng pagkabored. This really isn't me. I need to get rid of this before it got worst kung ano man tong nararamdaman ko. There's huge possibility na maapektuhan nito ang pag-aaral at future ko.
 
CALI
 
“Nakausap mo na ba, tol?” Napalingon ako sa nagtanong. Si Sam, isa sa mga ka-team ko.
 
“Oo. Pero mukhang ayaw niya. Alam ko rin na iniisip niya na pareho kaming lalaki at hindi pwede yun.” May bahid ng lungkot kong sagot.
 
“Naman. Gag* ka, kita mong matalino yung pinuntirya mo. Pero tol, seryoso ka ba talaga sa kanya?” Usisa nito. Napaka talaga nitong taong to. Kalalaking tao, tsismoso.
 
“Oo. Seryoso ako sa kanya.” Napayuko ako dahil biglang uminit ang mukha ko. Napatakip ako ng mukha dahil sa kilig. I just can't hide the fact that I'm blushing. Lalo na't hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labi niya. Sheez!
 
“Never mo pang ginawa yan dati. Seryoso ka nga. Pati yang pagtago mo ng kilig, napakabago,” Aniya. “Mauuna na ako tol. Bukas pala may training tayo.” Dagdag niya pa saka umalis.
 
Pagkaalis ni Sam ay saka ako tumingala't napangiti. Cean's face is priceless. Kung papaano mamula ang mukha niya dahil sa paghalik ko. Nakakapang-gigil din ang pamumula ng tenga niya maging ang tungki ng ilong niya.
 
“Argh! Ano bang meron sayo, Cean? Bakit ganito kalakas epekto mo sakin?” Pagkausap ko sa sarili tutal mag-isa lang naman ako dito sa pool area. Kinuha ko naman yung cellphone ko. Gulat akong napatingin dito habang binubuksan ang isang chat message. Nanginginig ang mga kamay ko habang nirereplyan ang nagsend ng chat sakin. Matapos nun ay agad kong kinuha ang mga gamit ko at saka tumungo sa lugar kung nasan ang may ari ng account na nagsend sakin. Nag-abala pa talaga siyang pumunta dito para sa bagay na iyon.
 
Lakad-takbo ang ginawa ko dahil sa mga estudyanteng nagkalat sa grounds. Uwian na nga pala ng ilan. Pagkarating ay agad kong hinanap ang taong iyon at halos kamuntikan ko na itong masuntok nang makita ko siya. Nakatalikod ito sakin. Nakakuyom ang mga kamay ko habang papalapit sa kanya.
 
“Ano?” Bungad ko. Bigla naman siyang lumingon sakin.
 
“Nagustuhan mo ba ang sinend ko sayo?” Tanong nito na may nakakalokong ngiti.
 
“Ano bang kailangan mo? Ayoko ng magkaroon ng balita tungkol sa kanya. Tigilan mo na ako, Draegan!” Bulyaw ko sa kanya.
 
“Kaya naghahanap ka na ng panibagong mabibiktima? Iba ka rin Cali.” Aniya. Lumapit ako sa kanya saka ito kinuwelyuhan.
 
“Tigilan mo na ako. Wala kang alam sakin kaya itikom mo iyang bibig mo. Nasira niyo na yung matagal kong iningatan kaya tigilan mo na ako. Explanation lang ang kailangan ko.” May diin ang bawat salitang binibitawan ko kasabay ng malakas na pagbitaw ko sa kwelyo niya. “Umalis ka na bago pa kita masaktan.” Dagdag ko.
 
“Tch. Hindi ka pa pala nakakamove on sa kanya. Kawawa naman yung bago mo, mukhang magiging rebound lang.” Aniya saka umalis. Sandali akong napatigil at tumingala. Papadilim na pala. Napabuntong hininga ako saka naglakad papuntang gate.
 
Naghintay ako ng ilang minuto sa labas ng gate upang pumara ng taxi hanggang sa may kotseng tumigil sa harap ko.
 
“Sakay.” Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa taong nagmamay-ari ng kotse nang maibaba ang bintana nito. Si Cean, ang baby ko.
 
“Sakay na.” Utos niya. Dali-dali akong sumakay sa kotse niya. Ramdam ko ang lamig na dulot ng aircon sa loob nito.
 
“About your proposal,” Pagsisimula niya. Napatitig ako sa kanya. Napag-isipan niya na ba? Irereject niya ba yung proposal ko? “I accept it.” Halos tumalon sa tuwa yung puso ko. Kamuntikan ko pa siyang yakapin kaso naalala ko na nagdadrive siya. Baka pababain niya ako kapag ginawa ko yun. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil doon.
 
“Address?” Tanong niya. “Sa Hansville.” Sagot ko. Tumango-tango lang siya. Tahimik lang kami buong byahe. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya at ngingiti ng palihim.
 
Ilang minuto pa ang itinagal ng byahe namin hanggang sa makarating kami sa tapat ng apartment kung saan ako tumutuloy. Nauna siyang bumaba sakin na sinundan ko naman.
 
“Let's talk about your proposal tomorrow. Pumasok ka ng maaga.” Aniya saka pumasok sa kotse. Pinagmasdan ko lang ang papalayong kotse niya na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

*****
Thank you for reading. God bless.

All rights reserved © gen 2020

accidentally kissed by a guy ✓Where stories live. Discover now